Chapter 1

225 2 0
                                    

" GOOD MORNING, Miss Preston."
   "Good morning," kaswal na sagot ni Maxine a.k.a ( Max ) sa mga pagbating sumalubong sa kanya pagpasok niya sa isang food chain outlet niya na franchise nila ng pinsan niyang si Mark. Dumiretso siya sa opisina niya at umupo sa neon green na swivel chair.
    Ang totoo, share sila ni Mark sa opisinang ito. Pero dahil napagkasunduan nila na salitan sila sa pagpunta dito, hindi na sila nagpagawa pa ng isa pang office. Ang sabi ni Mark, they could not afford to waste space kaya hinayaan na lang siya nito e decorate ang opisina. That explained why the whole room was feminine.
     Inilabas niya ang cellphone mula sa bag niyang Prada. Napangiti siya nang makita ang sangkatutak na messages galing sa best friend niyang si Emerald Solano. Walang pagmamadaling  binasa niya ang mga text messages nito and she was right, wala lang talaga itong magawa sa buhay kaya kung maka text wagas.
    
       Busy kb, gurl?
       F ur not busy, kita nman tayo.
       I'M SOOO BORED!!
       I'll w8 for u in greenbelt sa
       fave resto natin. I'll wait 4 u
       der till 4 ever. So, show up !

Nag type siya ng reply kay Emerald. She told her that she couldn't leave the office dahil araw iyon ng pagbabantay niya sa outlet.

Ipinatong na lang niya ang cellphone sa ibabaw ng mesa niya. She stretched her arms and looked around. She decided to go out and oversee the operation. Hanggang sa napagdesisyunan niyang pumunta sa kusina.

    "Where's Pierre?" tanong niya sa nakasalubong niyang service crew. She was asking for the store manager.

    "Nasa stock room po ata Miss Preston ."

Kumunot ang kaniyang noo. Wala siyang ma-alala na delivery para sa araw na ito. Kapag may delivery, saka lang personal na nag aasikaso ang store manager nila.

   "Ano'ng ginagawa niya sa stockroom"? tanong nito.

   "Tatawagin ko na lang po- - -"

   "No need," awat niya dito.

"Ako na lang ang pupunta sa kanya. Tapusin mo na lang ang ginagawa mo."

Kailangan niyang makausap ang store manager tungkol sa napansin niyang absenses ng ilang crew nila. Some were perenially absent. Gusto niyang malaman kung paano ito balak resolbahin ang problema.
  Lumabas siya ng kusina. Nasa hiwalay na lugar ang stockroom dahil nagpa-install si Mark ng malaking freezer para masiguro ang quality ng mga supplies nila.
  Lumapit siya sa pinto na bahagyang nakabukas. Itutulak na sana niya ng biglang may marinig siyang boses na nanggagaling sa loob.

   " Ayoko ho, Sir Pierre!! "
Tumaas ang isang kilay niya nang marinig ang tila pagmamakaawa ng isang babae.

  "Sandali lang naman to Missy, buburahin ko ang tardiness at absenses mo for this month para hindi ka mainit sa mga mata nina Mr. at Ms. Preston. alam no namang mahigpit ang may-ari ng store natin pag dating sa tardiness. "

Genuine LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon