Chapter 14

43 1 0
                                    

UMUWI muna si Maxine pansamantala sa bahay nila para makapagpahinga sandali. Iniwan niya muna si kay Jom sa condo unit niya habang ito ay natutulog.

-
Nang makatulog si Jom ay nanaginip ito. Panaginip na nangyari mismo sa buhay niya, pangyayaring pilit niyang kinakalimutan sa nakaraan. Ngunit sa tuwing natutulog ito ay palagi nalang ito ang napapanaginipan niya.

--

Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ay ang pagdaloy ng masaganang luha sa mga mata ni Jom. Naninikip ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na nararamdaman. Nag-iisa na lang siya sa lugar na iyon. Sinadya niyang magpaiwan dahil ayaw pa niyang umalis doon.
Wala nang nagawa ang kanyang ina na dumalo sa libing kundi ang iwan siyang mag-isa .
Si Nina ang tanging pinagbuhusan niya ng pagmamahal. Nakilala niya ito nang minsang dumalo siya sa isang party ng kanyang kaibigan. Naagaw na agad ni Nina ang atensyon niya ngunit mailap ito lalo na sa mga lalaki.
Hindi kaagad ito nagtiwala pero ipinakita niya na sinsero siya at handa siyang maghintay rito. Araw-araw niya itong sinusuyo, pinupuntahan para ipakita na maganda ang hangarin niya.
Dinadalhan niya ito ng mga bagay na magugustuhan nito kahit na mga masisimple lang.

Sa mga panahong kasama niya ito ay natuklasan niya na maganda ang disposisyon nito sa buhay. Pagkatapos ng tatlong buwan na panunuyo niya rito ay sinagot na siya nito.

Walang pagsidlan ang kasiyahan ni Jom nang mga panahong iyon. Nagtagal ang relasyon nila ni Nina ng tatlong taon. Napakasaya niya ng dumating ang babae sa buhay niya. Wala na siyang mahihiling pa. Ikakasal na sana sila nito nang isang matinding pagsubok ang dumating at sumira sa buhay at magandang pagsasama nila.

Genuine LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon