"WHAT are you doing here ?" tanong ni Maxine kay Mark.
Nagulat siya nang makita niya ang pinsan niya sa sala ng mansyon nila." I'm going with you to Boracay." sagot nito. Nagtaka siya. " At paano mo nalaman na pupunta kami sa Boracay aber?" Gabi na, kaya hindi na niya natawagan ito tungkol sa plano nilang mag-kakaibigan. Ang balak sana niya na sabihan na lang ito pagnakarating na sila sa pupuntahan nila.
" Mamaya na tayo magkwentuhan Max, kanina pa ako tinatawagan ni Wanda. Naghihintay na raw sila doon sa atin. Alam mo naman yung kaibigan mo na yon napakakulit."
" Have you ever changed your feelings towards Wanda couz?" ang hula niya ay kay Wanda nito nalaman ang tungkol sa pagpunta sa Boracay trip nila. Malamang na si Wanda rin ang nagyaya rito para sumama sa kanila. Walang nakakagulat sa paanyaya ni Wanda rito. The shocking part was Mark agreed to come with them gayong allergic ito kay Wanda mismo. He had been trying to avoid Wanda like the plague.
" Mukhang effective nga yata ang pang-gagayumang ginawa ni Wanda sayo ah, natitibag na ba ang defense mechanism mo towards her?" tudyo niya rito.
" Don't even try to entertain that idea Max! I'm doing this, for you alone." masungit na sagot nito.
" Mamaya na nga lang tayo mag-usap. I don't talk while I'm driving."
" Okay." tipid na sagot nito.
Pagdating nila sa Boracay ay kinulit agad niya si Mark.
" Sino ba talaga ang may sabi sayo tungkol sa vacation trip namin na'to Mark?" tanong agad niya dito.
" Si Jom." sagot niya.
" Kaya pala sumama ka na lang sa amin? ayaw mo na sigurong palagi na lang kitang iniiwan mag-isa sa outlet ano? sabagay, kailangan mo rin ng break."
Napatingin siya dito nang hindi ito sumagot agad.
" What's the problem Mark? Bakit parang wala ka sa sarili mo? "
Bumuntong-hininga ito. " Huwag ka na munang pumunta sa outlet Max. Ako na muna ang bahalang mag-cover sa schedule mo dun, after this trip, it will be better if mag stay ka muna sa rest house niyo sa Tagaytay o kaya ay mag-out of the country ulit kayo ng mga kaibigan mo."
BINABASA MO ANG
Genuine Love
RomanceTutol si Maxine na tanggapin si Jom Vargas bilang store manager ng fast food na pinagsososyohan nila ng pinsan niya. Masyado itong gwapo. Magiging distraction lang ito. Magkakagulo ang mga babaeng crew nila. Napatunayan niyang tama siya, dahil kahit...