Chapter 10

43 1 0
                                    

"GRABE ! I can't believe that your cousin and my personal assistant have a past ! " tili ni Emerald." Bakit ba hindi mo man lang naamoy na si Beryl pala ang babae sa nakaraan ng pinsan mo?"

" Para namang hindi mo alam kung gaano katahimik si Mark." sagot ni Maxine. Nagsa-sunbathe silang magkakaibigan. Kasama pa rin nila si Wanda na hindi maipinta and mukha dahil sa tuluyang pagkasira ng pag-asa nitong mapansin ni Mark.

Lahat sila ay hindi pa rin makapaniwala sa nasaksihan kanina habang nag-aagahan sila sa isang restaurant.

" From the looks of it, mukhang sa kasalan na magtatapos ang love story nila ano?" komento ni Brenda.

" Hello! Can we drop the topic?" mataray na sabi ni Wanda na hindi siguro nakatiis sa pakikinig sa kanila. " Parang wala ako rito kung mag-usap kayo ah! "

" Cut it out Wanda! Pare-pareho nating alam na hindi ka seryoso sa pagpapa-cute mo kay Mark." sabi ni Emerald.

" Anong hindi seryoso? Alam niyong matagal na'kong may gusto sa kanya! Kung sinabi agad niya na wala pala akong aasahan sa kanya dahil mga gaya ng P.A mo ang tipo niya, hindi na sana ako masyadong nag-effort sa kanya! "

" Ano pa ba namang pagtanggi ang gusto mong gawin ng pinsan ko Wanda? In many ways, he has already told you that he doesn't like you nor love you! Hindi mo lang pinansin ang mga signals na ibinibigay niya sayo! " sabi ni Maxine.

Umismid ito. " Akala ko naman kasi na nagpapakipot lang siya at gusto lang niyang magpahabol nang husto. I didn't know that it was a real deal." anito.

" Gosh, Wanda ! Ang hina mong pumik-ap kung hindi mo halatang hindi ka type ni Mark. Girl, I didn't know that you were that dense." Ipinatirik pa ni Paula ang mata nito.

" Anong magagawa ko kung mataas ang hope ng puso ko?" pagda-drama ni Wanda.

" Hay, naku! Tumigil ka na sa pag e-emo mo Wanda." sabi ni Emerald. " Ego lang naman ang nasaktan sayo. I don't believe that whatever ' love ' you feel for Mark is true. Let's just be happy for them. Maging masaya, dahil may isang kabaro natin ang naging masaya ang love life."

Genuine LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon