Chapter 11

33 2 0
                                    

INIP na inip si Maxine sa bahay nila kaya nagpasya siyang pumunta sa outlet nila. Iyon ay sa kabila ng mahigpit na bilin ni Mark na huwag na muna siyang lumabas ng bahay. Pagkagaling nila ng Boracay, hindi na siya pumasok para pagbigyan ang hiling nito.
Tess and Angel were on leave. Sa labis na panlulumo niya, iniatras na ng mga ito ang kaso laban kay Pierre. Pero wala siyang magagawa kundi igalang ang desisyon ng mga ito.

" What are you doing here?" gulat na tanong ni Mark. Napatayo pa ito nang makita siyang pumasok sa opisina.

" I'm bored." maikling sagot niya.

" Alam mong hindi ka dapat nagpapakalat-kalat Max. Magpalamig ka muna pwede?"

" Masyado kang OA couz. Iniatras na nila ang kaso laban kay Pierre kaya wala nang dahilan para mag alburoto pa ang manyakis na yon."

Wala na ang takot niya para kay Pierre. Wala nang kaso laban dito kaya wala na ring rason para matakot pa siya rito. She could no longer feel the danger.

Pinagmasdan niya ito. " Honestly Mark? sa ating dalawa ikaw ang mukhang nangangailangan ng pahinga. Mukha kang haggard."

" I"m okay." tipid na sagot nito.

Kahit kailan napaka-secretive talaga nito.

" Nag-usap na ba kayo ulit ni Beryl?"

Umiling ito.

" Why? ang alam ko nasa Quezon sila ni Emerald. Pwede kitang samahan dun sa ancestral house ng mga Solano para makapag-usap naman kayo ni Beryl."

" Mas maraming importanteng bagay na dapat kong asikasuhin dito, lalo pa't dalawang araw ng absent si Jom."

Parang tumalon ang puso niya ng marinig ang pangalan ng binata. Si Jom naman talaga ang sadya niya rito. She was hoping to catch a glimpse of him. Pero wala ito kanina sa dining at kusina ng dumaan siya roon.

" Bakit absent siya?" pilit na ginawa niyang kaswal ang boses niya.

" Nag file ng sick leave. May trangkaso siya."

Biglang bumukas ang pinto ng opisina at dumungaw roon si Florabel.

" Excuse me po. Sir Mark nandiyan na po ang delivery."

" Sige, susunod ako." Tumayo na ito. " Dito ka na muna kung ayaw mo pang umuwi. Ihahatid kita mamaya."

Hindi siya sumagot. Pagkaalis nito at mabilis na nag-isip siya. May sakit si Jom. Gusto niya itong dalawin. May nag-aalaga kaya sa kanya? Ang problema hindi niya alam kong saan nakatira ang binata. Hanggang sa  napatingin siya sa flat screen ng computer. Lumapit siya sa swivel chair at nagsimulang magtipa. Napangiti siya ng lumitaw ang profile ni Jom. Mabilis na binasa niya ang address nito. Lumabas na siya ng opisina. Tuloy-tuloy na siyang lumabas ng outlet. Ayaw niyang makita siya ni Mark dahil ayaw niyang magpaliwanag pa kung saan ang punta niya.

Genuine LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon