"BAKIT ikaw ang nandiyan?" tanong ni Max kay Jom.
" Ang dami kasing customer kaya pinatulong ko sa dining si Leo." sagot nito. Ang hula niya ay iyon ang crew nila na naka-assign sa station na iyon.
" Hindi yan kasama sa job description mo."
" Trabaho ko ang siguraduhing magiging maayos ang operation ng buong store kapag naka-duty ako, kulang tayo ng mga tao sa dining area. Baka magreklamo ang mga customer's kapag na delay ang pagkain nila." sabi nito.
Napahiya naman siya. Lumabas siya ng dining area kaya nakita niya na marami ngang mga tao. Mahaba ang pila sa lahat ng counter. Hindi magkandatuto sa paglalagay ng mga order sa tray ang mga crew.
Lumapit siya kay Florabel na nasa likod ng cashier.
" May maitutulong ba ako?" tanong niya rito.
" Naku, wag na ho Miss Preston, nakakahiya po kung pati kayo ay tutulong dito."
" I don't mind. Ang daming customers ."
Tinignan niya ang order slip ng customer at nagsimulang maglatay ng tray. Ilang sandali pa ay abala na siya sa pagtulong sa counter.
" ANO'TO?" tanong ni Max kay Florabel na may inilapag ito sa ibabaw ng kanyang mesa.
" Ipinadala ho ni Sir Jom, Miss Preston. Mag snack muna raw kayo. Baka raw napagod kayo kanina." sagot nito.
Napangiti siya. Umaapaw ang kilig sa puso niya dahil sa simpleng ginawa ni Jom. Ang akala niya ay hindi siya napansin nito kanina. Hindi na kasi ito umalis sa frying station hanggang sa humupa na din ang mga tao.
" May problema pa ba?" tanong niya kay Florabel nang makitang hindi pa rin ito lumalabas sa opisina at nakatingin pa rin ito sa kanya.
" Wala lang po, Miss Preston. Bigla ko lang naisip na bagay na bagay pala kayo ni Sir Jom."kinikilig na sabi nito.
" Wag ka ngang maingay dyan, nakakahiya. Baka may makarinig sayo, lalo na si Mr. Vargas. Baka may girlfriend na din yong tao.'' She was fishing for information. Pero umaasa siya na hindi ito makakahalata. Nag effort pa siyang maging kaswal ang dating ng boses niya.
" Walang jowa si Sir Jom, Miss Preston. Sa tingin namin, masyadong pihikan si Sir. Kahit pa todo pa cute na kami sa kanya, dedma pa rin ang beauty namin. Ang hinala namin, kagaya niyo ang mga tipo ni Sir Jom na babae."
BINABASA MO ANG
Genuine Love
RomanceTutol si Maxine na tanggapin si Jom Vargas bilang store manager ng fast food na pinagsososyohan nila ng pinsan niya. Masyado itong gwapo. Magiging distraction lang ito. Magkakagulo ang mga babaeng crew nila. Napatunayan niyang tama siya, dahil kahit...