Chapter 16

24 1 0
                                    

Pagkatapos ang nangyaring pag-iisa sa pagitan nila ni Jom ay pupungas-pungas si Maxine na bumangon mula sa pagkakahiga at kinapa niya ang gilid ng kama pero wala na siyang katabi rito.

Nasaan si Jom? At bakit nasa kama siya ?

Biglang nanlumo si Maxine sa realidad. Baka iniwan na siya ni Jom? Katulad ng pang-iiwan sa kanya ng butihing kasintahan niya noon sa kasal nila?

Bigla tuloy niyang naalala ang nangyari sa kanya mahigit isang taon na ang nakakalipas.

****Flashback****

Masayang pinagmamasdan ng beinte-singko anyos na si Maxine ang kanyang wedding gown. Excited at kinakabahan siya. Sa wakas, bukas ay ikakasal na siya kay Gilbert. Napapangiti siya nang maalala niya ang gabing sinagot niya si Gilbert. Twenty years old siya ng makilala ang binata at ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ikakasal siya sa lalaking mahal niya. Ang lalaking pinagbuhusan niya ng pagmamahal, limang taon na ang nakakaraan. Napakabait nito, lahat ng hinahanap niya sa lalaki ay na kay Gilbert na. Kahit hindi sang-ayon noon ang mga kaibigan niya sa pakiki-pagrelasyon kay Gilbert pero kalaunan ay tinanggap rin nila ito ng maayos.

Hindi niya maipaliwanag ang saya na kanyang nararamdaman nang mag-propose ito. Pareho sila ng nararamdaman sa isa't-isa kaya walang pag-aatubiling pumayag siya ritong maikasal.

Napapitlag siya nang may marinig siyang kumakatok sa pinto ng kanyang kwarto. Umalis sandali ang mga magulang niya dahil may aasikasuhin daw ang mga ito.

Napaisip si Maxine. Nagtaka siya. Ang aga naman atang bumalik ng mga magulang niya. Kaya lumapit naman siya sa pinto at binuksan iyon. Ganoon na lang ang gulat niya nang pagbukas niya ng pinto ay hinapit siya sa bewang ng lalaking napagbuksan niya at hinalikan siya ng mariin sa kanyang labi. Hinampas niya ang braso nito pagkatapos siyang halikan nito. Si Gilbert lang pala ang bisita niya.

" Ano ka ba! Anong ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na may pamahiin na hindi dapat nagkikita ang groom at bride bago ang kasal nila?" Nanlalaki ang mga matang sita niya rito. Kahit na hindi siya naniniwala sa mga pamahiin ay mabuti na ang nakakasiguro at baka hindi nga matuloy ang kasal nila.

Niyakap siya nito. " Hindi naman totoo ang mga pamahiin na yan. Gusto kitang makita, bakit ba ? Nami-miss na kita eh. " paglalamabing nito, saka ikiniskis ang ilong nito sa ilong niya.

Tinampal niya ang noo nito. "Umalis ka na, baka mamaya niyan hindi pa matuloy ang kasal natin. Solong-solo mo na naman ako bukas. " pilyang sagot niya.

" Are you seducing me? Akala mo naman bibigay ako. " nakataas-kilay na panunudyo nito.

Umusli ang nguso niya. " Ang kapal talaga ng mukha mo. "

" Kaya mo nga ako mahal na mahal eh. Matutuloy ang kasal natin, wag kang masyadong maniwala sa mga sabi-sabi na yan. Baka naman gusto mong umatras sa kasal natin, kaya paulit-ulit mo na sinasabi yan?" Nakakunot-noong tanong nito.

Genuine LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon