Chapter 9

47 2 0
                                    

"BAKIT hindi ka nag e-enjoy ?"

" Who says I'm not enjoying?"sagot ni Maxine kay Emerald na kauupo lang. She knew she sounded defensive.

" HELLO! Hindi kailangang maging genius para makitang hindi ka nag e-enjoy sa bakasyon nating to noh. Sambakol ang mukha mo mula pa kaninang dumating tayo rito. At nagbibilad ka gayong mahapdi pa sa balat ang sikat ng araw." anito " Eeww! Bakit ba tino-torture mo ang sarili mo girl? Pumunta tayo rito para magbakasyon. We're not here para magpenetensya."

" Ikaw kaya ang tumabi sa'kin dito, kita mong nag sa-sun bath ako rito." sagot niya.

" Not at this hour. " Tumayo na ito at pinilit na hinila siya. " It's not healthy for our skin, Max. Masyado ng mainit, huwag ka ngang timang."

Nagpahila na siya rito. Alam niya kung gaano ito ka persistent. At wala siya sa mood para e tolerate ang kakulitan nito. Matutulog na lang siya sa room niya. Hanggang sa bumaba ang emosyon niya. She felt betrayed na hindi niya mawari. Naisahan siya ni Jom.

  Walang kasalanan sayo si Jom, Maxine. Ikaw lang ang basta na lang nag a-assume na may romantic feeling siya sayo dahil lang inihatid ka niya sa bahay niyo at hinawakan pa ang kamay mo.

Lalo lang siyang naiinis. Hindi na nga lang siya sigurado kung para ba kay Jom o para sa sarili niya ang nararamdamang inis.

Nakisunod na lang siya sa mga trip ng mga kaibigan sa mga nagdaang araw na nasa boracay sila. She would deal with Jom when they get back to Manila.

" Mamaya, mag scuba diving tayo." yaya ni Wanda kay Mark. Wala paring kupas ang pag-papacute niya rito sa pinsan niya. At dahil alam na niya kung bakit sumama sa kanila ang pinsan niya, hindi na siya nakikitudyo sa mga ito.

" Sasama ka ba, Beryl?" tanong ni Mark.

Kumunot ang noo niya. BAKIT parang close ito bigla sa personal assistant ni Emerald? Siya lang ang tila nakahalata sa kakaibang kilos ni Mark kaya hindi na siya humirit.

Inihatid ng waiter and mga order nila. Napansin niyang kinain agad ni Beryl ang champorado nito.

" What's this?"
Napatingin silang lahat kay Wanda dahil sa malakas at iritadong boses nito.

" Why ?" tanong niya rito.

" Malasado ang inorder kong egg." maarteng sagot ni Wanda. " Where's the stupid waiter?"

Muli niyang tinignan si Beryl. Halata na masyado ang tensyon nito dahil kahit nasa edge ng pagmamaldita si Wanda ay tuloy pa rin ito sa pagkain.

" Hoy! Miss Personal Assistant!"

Genuine LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon