Mabilis na dumating si Mark pagkatapos itong tawagan ni Maxine sa telepono.
" What happened?? "
" What's the emergency ??" tanong nito pagpasok palang sa pintuan. Sinadya niyang wag sabihin sa telepono ang totoong nangyari para personal na pumunta ito." Wala na tayong store manager ." pagbabalita niya.
" Paanong wala na? Nasaan si Pierre ? " tanong nito.
" Pinaalis ko na." Ikinuwento niya rito ang nangyari pati pagbabanta ni Pierre na magsasanpa ito ng kaso sa Labor.
" Sana suspension muna ang binigay mo sa kanya Max. Paiimbestigahan muna natin--"" NO ! I'll stand for my decision. Mag sampa siya ng kaso kung gusto niya. Hindi ko naman siya pipigilan. Magsasampa din si Missy ng kaso at ang dalawa pang babaeng service crew natin laban sa kanya ."
" Akala ko si Missy lang?"
" Pagkaalis ni Pierre pinatawag ko isa-isa ang babaeng crew natin. May dalawa pa palang na biktima ang uhugin na manyakis na yon. Mga pinaghihipuan sa mga private parts yong dalawa ."
" I didn't see it coming " napailing ito.
" Ayokong sisihin ka, pero sinabi ko na sayo noon na hindi maganda ang vibes ko sa manyakis na yon. Dapat hindi na lang natin tinanggap sa simula palang. "
" Maganda ang credentials niya Max, hindi ko naman pwedeng balewalain yon dahil lang sa hindi mo siya gusto o maging sa apelyido niya. That will be a discrimination."
" Hindi lang naman pati ang apelyido niya ang hindi ko feel kundi siya mismo, unang kita mo palang sa mukha halatang manyakis na, at tama ang hinala ko sa character niya dahil siya na mismo ang nagpahamak sa sarili niya ."
" So,what now ? " pag- iiba nito ng paksa.
" Kailangan siguro nating magpa-advertise na hiring tayo for the position of store manager ." sagot niya.
BINABASA MO ANG
Genuine Love
RomanceTutol si Maxine na tanggapin si Jom Vargas bilang store manager ng fast food na pinagsososyohan nila ng pinsan niya. Masyado itong gwapo. Magiging distraction lang ito. Magkakagulo ang mga babaeng crew nila. Napatunayan niyang tama siya, dahil kahit...