Chapter 7

36 0 0
                                    

MABILIS ding nakalimutan ni Maxine ang nangyari ng insidente sa pagitan nila ni Pierre. Kasama niya ang mga kaibigan niya sa pinuntahan niyang bar at restaurant kinagabihan. All of them were in their usual jolly mood.

" Ang akala ko hindi ka na talaga darating girl." sabi ni Emerald nang yumuko siya para bumeso rito.

" Nag confirm ako kanina di ba?" sagot naman niya.

" So, how's business Max?" tanong ni Paula, ang isang fashion designer na kaibigan niya.

" It was great." sagot naman niya.

" Kumusta na nga pala si Mark? Gwapo pa rin ba Max?" tanong ni Wanda.

" Gwapo pa rin, and he's still not in love with you." prangkang sagot naman niya dito.

" OUCH! " maarteng sabi nito.

Natawa na lang siya sa theatric act nito. Matagal na naman niyang alam na " basted " ito kay Mark.

Tinawag niya ang waiter na mabilis namang lumapit sa kanya.

" Tequila please ."

" Ano bang agenda ng meeting na'to?"tanong niya ng makaalis na ang waiter. Nagpadagdag na rin siya ng mga pica-pica sa mesa nila.

  " We're going to BORACAY!!"  sagot ni Emerald  na halatang excited na naman.

" Boracay? Kailan?" kunot noong tanong niya dito.

" BUKAS!!."

" ANO? BUKAS AGAD? Wala pa tayong ticket!" pasubaling sagot niya. Bigla ay parang gusto niyang pagsisihan na pumunta pa siya dito. Puro gala lang ang laman ng mga utak ng mga kaibigan niya. Palibhasa walang inaalala sa mga buhay ang mga ito.

" Dont'cha worry, we won't need tickets coz we're flying via our private plane!" sabi naman ni Brenda.

UGH. This, was one of those times when she wished that her friends were not fabulously rich. Sa isang pitik lang ay natutupad ang bawat kapritso ng mga ito sa buhay.

Bumaling siya kay Emerald, na abala sa pag indak sa saliw ng maharot na tugtog ng bandang nag pe-perform.

"What about your baby?" Natupad na ang sinabi nito sa kanya noong nagbakasyon sila sa Hong Kong na mag-aampon ito ng sanggol.

" Don't worry about her. Reliable ang nanny na nakuha ko para mag-alaga sa kanya." sagot nito.

  " Hindi ako pwede bukas."  sagot naman niya.

Sabay-sabay na nagprotesta ang mga ito. Well, she knew it would be hard for her to say " NO " to them.
 
  " Nakakatampo ka Max ha? kapag kayong dalawa lang ni Emerald game ka, tapos pag kami naman ang mag-yayaya sayo hindi pwede? Alam mo naman na sobrang busy ako sa clothing line nitong nakaraan, tapos hindi ka pa sasama. I just want lang naman na makumpleto ang barkada natin for once." nagdadramang saad ni Paula.

Genuine LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon