Chapter 12

35 1 0
                                    

" Mag stay ka muna rito Max, I really need your help. Kailangan kong umalis sa bahay na ito. Makikituloy muna ako sa kaibigan ko, o kaya ay magho-hotel na muna. Baka pwede ring magpahatid mamaya?"

" You can stay at my condo unit. " alok niya. Hindi niya maintindihan kung bakit nagbubulungan sila gayong nasa kusina naman si Sheryn. From the looked of it, mukhang wala namang ibang tao sa bahay, maliban sa kanilang tatlo.

Pero dahil unconditional ang tulong na gusto niyang ibigay rito, ay tsaka na lang siya mag-uusisa.

" Are you sure is it ok?"

Tumango siya. Mamaya na lang niya sasabihin na wala namang gumagamit sa condo niya dahil sa parents niya siya nakatira.

" Thanks Max."

" You don't need to thank me, besides maliit na bagay lang naman na favor yun." Nginitian niya ito. Feeling niya, close na close na sila ni Jom.

Kung anuman ang dahilan at nagbago ang pakikitungo nito sa kanya, ipinagpapasalamat niyang hindi na ito aloof sa kanya.



" KAILAN pa naging kayo?" usisa ni Sheryn habang kumakain sila ng merienda sa hapag.

" Actually, first month pa lang namin." sagot ni Max, sabay ngiti ng pilit. Sa kanya ito nakatingin kaya siya na ang nag-imbento ng date.

" So, bago pa lang kayo. How was the relationship then? Hindi ba kayo nag-aaway? Alam mo kasi itong si Jom, masyadong tahimik. Is he boring you Max?"

" Not at all." sagot niya habang nakangiting tumingin kay Jom na nuon ay abala sa pagsubo ng pagkain. " He's serious when it comes to work, pero kapag kaming dalawa lang, he's really fun to be with.''

" Oh? Really? I've never seen that side of him anyway. Lagi kasi siyang seryoso kapag kami lang din ang magkasama." sabi ni Sheryn habang nakangiti.

" Is he boring you?" tanong naman ni Max kay Sheryn.

" Hindi rin naman, sanay na kasi ako sa kanya. Ewan ko kung naikukwento niya ako sayo, pero magkasama na kasi mga bata pa lang. Ninang ko kasi ang Tita niya. We basically grew up together, sabay nga kaming naliligo niyan noong mga bata pa kami eh." Pagkukuwento pa ni Sheryn.

Nakitawa na rin siya rito. " Really? Eh, di kilala mo rin lahat ng naging girlfriends niya bago ako?" Ginawa niyang kaswal ang tanong.

Genuine LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon