" LUMABAS ka ba ? " tanong ni Jom.
Inilapag muna ni Maxine sa mesa ang umuusok na bowl ng soup na ininit niya sa microwave. Nagluto agad siya ng soup pagbalik niya sa condo, dahil baka makahalata pa si Jom na umalis siya para magpahinga sa bahay nila. " Nag-utos lang ako sa katulong namin sa bahay, sinabi ko lang sa kanya through phone ang mga bibilhin niya, tapos ipinadala ko dito. Why ?"
" Wala lang. Akala ko kasi lumabas ka pa ng unit kanina."
" Sabi mo, wag lumabas di ba? Alam mo naman ako masunurin. " pagsisinungaling ni Maxine kay Jom.
Lumabas lang naman siya para makapagpahinga sa kanila. Kaya wala dapat na ikaalala si Jom sa kanya.
" Hindi masyadong halata na masunurin ka nga. " natatawang sabi nito.
" What do you mean ? " Nilagyan niya ito ng kanin sa plato nito.
Nag fe-feeling wife lang Max ?
" You look stubborn, Max." Kinuha nito mula sa kanya ang serving spoon at ito na ang sumandok ng soup para sa sarili." You look dominant and manipulative. Ikaw ang tipo na mahirap maging girlfriend. "
" Ouch ha ? Talagang ang sama ng impresyon mo sa akin . " Pero kinilig naman siya sa sinabi nito.
Hmmm.... Girlfriend ?
It sounded interesting. She wanted to poke the topic.
" I'm sorry. Kaya nga iniiwasan kita noon. Ayokong magpahalata na nangingilag ako sayo. " anito.
" So ngayon, nagbago na ba ang impresyon mo sa akin ? " tanong niya.
Tumango lang ito.
" I think you are a very sweet girlfriend Max. " pambawi nito sa kanya.
" Ta-laga .... ? " pa-inosenteng tanong niya rito kay Jom.
Tumango ito. " May boyfriend ka na ba Max. ? " Nanlaki ang mata ni Maxine sa tanong ni Jom pero hindi na lang siya nagpahalata dito.
Umiling siya.
" Bakit? huwag mong sabihing walang nanliligaw sayo? dahil hindi ako naniniwala . "
" You'd better believe it Jom. Dahil wala talaga akong ni isang suitor noon at hanggang ngayon. Pero kung mag-a-apply ka, I'll reconsider it. " tudyong sagot niya rito. Pero ang totoo gusto rin niyang malaman ang sagot ng binata.
BINABASA MO ANG
Genuine Love
RomantizmTutol si Maxine na tanggapin si Jom Vargas bilang store manager ng fast food na pinagsososyohan nila ng pinsan niya. Masyado itong gwapo. Magiging distraction lang ito. Magkakagulo ang mga babaeng crew nila. Napatunayan niyang tama siya, dahil kahit...