Chapter 17

13 0 0
                                    

- CONTINUATION OF FLASHBACK -

Tulalang naglalakad si Maxine sa gitna ng daan. Suot pa rin ang damit pang-kasal niya. Hindi pa rin maipinta ang hitsura niya.

Hinintay niya si Gilbert hanggang gabi sa simbahan ngunit hindi ito dumating. Gusto niyang sumigaw sa sobrang galit niya rito. Paano nito nagawa sa kanya ang bagay na yon ? Nagsisisi pa tuloy siyang pinauwi pa niya ito nang nagdaang gabi. Sana doon na lang niya ito pinatulog para matuloy ang kasal nila.

Sobrang miserable ng pakiramdam niya. Biglang naglaho lahat ng mga pangarap niya. Nawala na parang bula ang pinapangarap niyang magandang buhay kasama si Gilbert. Bakit hindi niya naramdaman nang nagdaang gabi na tumututol ito sa kasal nila ? Ang tanging naramdaman lang niya mula rito ay ang pagmamahal nito sa kanya. Wala siyang mahanap na sagot sa lahat ng katanungan niya. Pero isa lang nasisigurado niya, galit siya kay Gilbert at hinding-hindi niya mapapatawad ang lalaking nang-iwan sa kanya. Ginawa niya itong tanga sa paningin ng ibang tao. Ano na lang ang ihaharap niya sa mga ito ?

Dahil wala sa sariling katinuan ay hindi na namalayan ni Maxine ang paparating na sasakyan. Bago pa siya makaiwas, ay naramdaman niyang bumigay ang katawan niya kasabay ng pagdidilim ng paligid niya.

*- BACK TO PRESENT - *

" Alam ko kung ano ang niluluto mo... " nakangiting sabi ni Maxine nang pumasok siya sa kusina. Nang magising siya na wala sa tabi ni si Jom ay bumaba rin siya agad. It was their third day in her condo unit.

Nilingon siya nito. "Sige nga, make a guess ? "

" Adobo. " sagot niya agad. Lumapit siya rito at niyakap niya ito mula sa likuran. Jom was bare from waist up. He looked like a sexy chief.

" How did you know ? " pakwelang tanong nito.

" Intelligent, I guess ? " natatawang sagot niya. Mula pa kahapon ay iyon na ang niluluto nito para sa kanya.

Maya-maya ay may nag-doorbell. Kinabahan siya. Wala naman siyang inaasahang bisita. Tumawag lang siya sa bahay nila para sabihin na magbabakasyon siya. She felt guilty afterwards. Pero ayaw niyang maalarma ang parents niya kapag sinabi niyang nasa condo lang siya. Isa pa, ayaw niyang paikliin ang kanyang " bakasyon " . Kakabalik lang ng mga ito mula sa business trip nila.

" I'll get the door. " sabi niya. Si Emerald ang napagbuksan niya. Nagulat siya dahil sa pagkakaalam niya ay nasa Quezon ito, sa bahay ng parents nito.

" Naglayas ka ? " tanong niya dito sa kaibigan.

" Nope.. " sagot nito. " Gusto ko lang mag-unwind kaya lumuwas ako at pumunta rito. "

" At bakit sa akin mo naisipan na pumunta agad? pwede ka namang kila Brenda, or kay Paula ? " pagdedefend niya.

" Tinataboy mo na ba ako ? Ni hindi mo pa nga ako pinapapasok eh. "

Inirapan na lang niya ito at bumuntong hininga.
" Gusto mo lang mag-unwind gayong bitbit mo ang Louis Vuitton travelling bag mo ?" Nagdududang tanong niya.

" I'm planning to stay here for three days. I just want to give my parents the chance to realize that I'm the only child they have. "

Tumaas ang isang kilay ni Maxine. She and Emerald were more alike in many ways. Kapag hindi napapagbigyan ang kapritso nila, may tendency silang umalis ng bahay para magpalipas ng sama ng loob. Pagbalik naman nila, ibibigay ang hiling nila.

" Ano na namang kapritso mo ang hindi nila pinagbigyan ?"

Napangiti ito. " You know me so, so well girl. Hindi mo ba talaga ako patutuluyin? Mabigat itong dala ko if you don't mind. "

They had been standing at her doorsteps. Ni hindi niya niluluwagan ang pagkakabukas ng pinto. Saglit lang na nagdadalawang-isip siya. Nagi-guilty man, pero kailangan niyang tanggihan ito.

" H-hindi ka pwede rito Eme... "

Kumunot naman ang noo nito. And she understood why she took it as a surprise. They had been helping each other out, since they became friends. Dudang tinititigan siya nito.

Hindi niya matagalan ang titig nito. Hindi siya mapakali. Tense na tense ang pakiramdam niya na hindi mawari. Pero magalaw naman ang mga mata niya. She knew that Emerald was observing her.

" Are you into drugs Max. ?"

Natawa siya sa presumption nito. " Gaga ! Alam mong never akong titikim ng kahit na anong drugs noh ! What makes you think that I'm into it ?"

Bago pa ito makasagot ay narinig niya ang boses ni Jom mula sa loob.

OH NO !!

She knew that it was too late to hide him from Emerald. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto. Jom hugged her from behind. Emerald ogled at him. Halatang naintriga ito.

" Who is she honey ?" tanong ni Jom.

Nakita niyang tumaas ang isang kilay ni Emerald sa itinawag ni Jom sa kanya. Napilitan na lang siyang ipakilala ang mga ito sa isa't-isa. " Jom, si Emerald, one of my best friend and Eme, this is Jom. " She could not put a label on him. Kung ano ba sila nito. Parang bigla siyang nahiya na ipapakilala niya ito bilang boyfriend niya.

" I already know him Max. But it was nice to finally meet you in person.. Jom." Emerald winked at Maxine.

" Bakit hindi mo papasukin ang best friend mo honey ? Tamang-tama dahil luto na ang adobo. "

" GREAT ! Pa- breakfast na din ah ?" Tudyo ng mahadirang kaibigan niya.

Nang magtama ang mga mata nila, pinandilatan niya ito. She hoped Emerald got her message. " BACK OFF"  And they had an unwritten rule to respect each other's wishes.

" Then, come inside. " yaya ni Jom sa kaibigan. " Tikman mo ang adobo ko. Maxine loves it. "

Nakahinga siya ng maluwag nang umiling si Emerald. " Sorry Jom but maybe next time nalang? Dumaan lang talaga ako rito para sabihin kay Max na hindi na tuloy ang binyag ng baby ko sa Sunday. "

" Why ? " agad na tanong ni Maxine. Alam niyang gumaganti lang ito sa kanya. She could see in her smile.

" Saka ko na lang ikukwento sayo." Nakangiting sabi nito. " I gotta go. Nice to meet you again Jom and Bye for now Max. "

" Are you sure ?" tanong ni Jom.

" Sure na sure.. " Tumalikod na ito before waving a goodbye.

At kahit na gusto niyang habulin ito, she decided not to. Nabitin siya sa ibinalita nito. Alam niyang nasa Quezon ito dahil doon nito pabibinyagan ang ampon nito.

" Bakit hindi mo man lang pinatuloy ang kaibigan mo ?" Usisa ni Jom nang isara niya ang pinto.

" Istorbo lang siya sa atin. "

" Galit ata.. " sagot ni Jom.

" Hindi galit yon, believe me. By the way luto na ang adobo? I'm starving na. "

" Yeah, Let's go to the kitchen.

Napangiti siya kay Jom na nagsandok na ng kanin sa rice cooker. He was the man who made her feel contented by staying inside the house. Totoo pala na may kakayahan ang isang tao na magparamdam ng ganoong klaseng contentent.

The peace was coming from within. And she was thankful for it.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Genuine LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon