Chapter 3

45 0 0
                                    

" HOW'S Business?"

   " It's doing good, Ma. The business is profitable, kung magdidiretso ang pasok ng pera, malamang na mabawi na namin ni Mark ang pinuhunan namin in 3 to 4 years time." sagot nito.

  "There's economic slump hija, huwag kang masyadong pakasisiguro na magpapatuloy ang pagpasok ng pera. Every company is experiencing a hard time. Lalo na ang klase ng business na mayroon kayo ng pinsan mong hilaw."

  " Ma, pinsang buo ko si Mark!" depensa niya.
Napatingin siya sa kanyang ama na tahimik lang habang kumakain. Sa simula palang ay vocal na ang kanyang ina na si Stella na disgusto nito para kay Mark. Isa ito sa mangilan- ngilang kapamilya nila na hindi pabor sa mabilis na pagtanggap kay Mark ng pamilya ng Tito Rico niya bilang isang Preston.

  " Ewan ko ba naman kung bakit bilib na bilib ka sa pinsan mong yon Maxine. How could you trust him gayong siya mismo ay aminadong puro hirap ang kinamulatan niya sa probinsyang pinangagalingan niya. Milyones ang pinakawalan mong pera para ipangsosyo sa kanya, something I really can't understand. Sana ay ginamit mo na lang ang pera sa pagtayo ng salon o spa. But a fast food chain franchise?..." Napailing ito.. " Hindi mo naman talaga kailangan ng kasosyo sa negosyo Max. You have a capital to start your own businesses. Kung kulang, pwede ka naman naming pahiramin o bigyan nalang ng papa mo."

   " Wala akong alam sa negosyo Ma, kahit na marami akong ipang capital kung hindi rin lang ako marunong magpatakbo, balewala rin Ma, and contrary to what you said, Mark is capable of doing that as a businessman genius. Namana niya ang pagiging business acumen sa mga Preston."  sagot niya.

  " I agree with your daughter Stella. Kahit si Rico ay aminadong magaling sa negosyo si Mark, and he is a Preston after all." sabad ng kanyang amang si Franco.

Umismid ang kanyang ina. "Hindi pa rin ako bilib sa kanya. Why? because he's just a half-breed!"

Napailing na lang siya sa salitang ginamit ng ina para kay Mark.

  " Ma, ginawa mo namang aso si Mark. Ano siya Askal?Wag naman kayong ganyan sa kanya. Why can't you accept him? Mabait naman siya ah."

Genuine LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon