"HOY, Natalia!" Nailayo ko ang telepono ko ng sumalubong sa akin ang malakas na sigaw ni mama sa kabilang linya. Iniloud speaker ko na lang tutal wala namang tao rito sa lugar na kung nasaan ako. Mahal ko ang eardrums ko. "Nasaan ka na?! Hinahanap ka na ni Susan! Naku kapag hindi ka pumunta rito, masasapak talaga kita mamaya sa bahay!" Wika pa ni mama. 'Tong bibig ng mama ko parang machine gun. Ratatatattattattatt!
"Ma, nandito na ako sa labas ng gate!" Inis na sagot ko sa kanya. Baka nakalimutan niya naka-formal ako. "Papasok na nga ako sa loob...po..." Dugtong ko pa. Kaya kung pwede kumalma na siya. Iniisip ko pa lang itsura niya, jusko, natatakot na ang mga taong nasa tabi niya. Para siyang dragon na bubuga ng apoy!
"Ah ganoon ba? Sige bilisan mo. Ipapakilala kita sa mga kaibigan kong katulad ang propession na kinukuha mong kurso para kapag grumaduate ka, matutulungan ka nila sa paghahanap ng trabaho."
I just rolled my eyes.
"Opo!" Labas sa ilong na sagot ko. Tsk. Grabe si mama. 'Yun talaga ang sadya sa gabing 'to? Wala man lang pakialam sa totoong okasyon sa pamilya ni Darius? Yeah. Papunta-oh wait. Nandito na ako sa mansyon ng mga Sandoval para maki-party sa kanila. Ang sadya ko rito ay hindi makikain at magluksa sa engegment party ni Darius at noong jowa niya dahil nandito ako tulad ng sadya ng mama ko. Ang makipag close sa mga may-ari ng bangko o cooperatvive para may mapagtrabahuan ako kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral. Duh. Sa panahon ngayon hindi lang grado ang batayan para makapasok sa isang trabaho. Kailangan ng abilidad mo, isali natin ang grades at higit sa lahat backer!
Kaya tama na ang pag da-drama ko. Maghahanap na lang ako ng ibang Darius Sandoval na makakasama ko habambuhay!
Okay na ako! Duh. Hindi ako tuld ng mga loser dyan sa tabi-tabi na taon ang kailangan para maka move-on. Isang iyakan at pagwawala lang, okay na ako. Kaya heto ako ngayon, maganda, fresh at higit sa lahat naka move-on sa feelings ko kay Darius.
Kung iisipin, maraming taon ang lumipas bago siya umuwi rito, hindi naman ako naging malungkot. 'Yung tipong araw-araw na nangungulila ako sa kanya! Hindi ako ganoon! Na-miss! Oo na-miss ko lang siya! Kasi kami 'yung laging magkasama noon pero hanggang doon lang 'yub! Kung titingnan nga dapat tampo ako sa kanya kasi hindi siya nagpaalam sa akin nang umalis siya noon!
Kaya mali! Maling-mali na malungkot ako sa mangyayari sa buhay ni Darius! Dapat maging masaya ako! It's a celebration! Ang pagpapakasal niya ay isang selebrasyon kaya dapat magsaya! Tama! 'Yun ang tama! 'Yun ang dapat! Kaya hindi dapat ako maging malungkot! Kung iiyak man ako dapat tears of joy!
Atsaka, madali naman akong kausap kung ayaw niya sa akin, ayaw ko rin sa kanya. Easy!
Laban, Natalia Perez! Marami ka pang makikitang ibang lalaki. 'Yung kaedad mo! Mas gwapo kay Darius! Mas mayaman! Higit sa lahat, isang lalaking mangangako at tutupadin ang pangako niya sa 'yo.
Tumigil ako sa paglalakad.
Huminga ako ng malalim at pinilit na kinakalma ang sarili ko.
Hindi ko alam bigla akong nanghina at parang may mali sa mata ko. Ang hapdi. Hindi naman ako naiiyak. Siguro nahamogan lang ako. Gabi kasi. Tapos naka-dress ako ng pink na akala mo ang happy ko! Bwisit!
Pumasok na ako sa loob, diretso sa hardin ng mga Sandoval para shortcut doon sa hall ng bahay nila. Sabi ko sa inyo, mayaman sila! Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang fianceè ni Darius na nagmamadaling maglakad doon sa madilim na parte ng hardin.
Natatae ba siya? At doon siya... Ew. Maganda sana, pero walang proper hygiene!
Tsk. Wala akong pakialam. Bahala ka diyan! Pero matutuwa ako kung kakagatin ng langgam ang pwet niya. Hmp!

BINABASA MO ANG
Akin ka na Lang
Chick-LitAkin ka na lang. Kasi kung akin ka, mamahalin kita at aalagaan kita ng sobra-sobra!