Ikapito

114 8 1
                                    

Thank you @GlendaPalma3 @JulietGarcia8 for reading!




HINDI niya po ako ginahasa. Muntik lang po... Pabalik na po ako sa sala, para sana humingi ng tulong. Mabigat po kasi 'yung pinapakuha niyang prutas. Akala ko kasi naka-basket, pero nakakarton po pala. Pero pagbalik ko bigla na lang niya po akong hinila palapit sa kanya at sinubukang halikan kaya tinulak ko siya pero...


"Natalia..." naputol ang pag me-memorize ko sa mga sasabihin ko sa pulis ng may tumawag sa pangalan ko. Kilala ko ang boses na 'yun. Kilalang-kilala. Napalunok ako. Hindi ko alam kong lilingon ba ako o hindi. Bakit ba kasi lumabas ako ng bahay? Dapat hinintay ko na lang sila mama at papa. "Natalia..." tawag niya ulit sa pangalan ko. Narinig ko ang pagbukas niya ng gate namin na gawa sa kahoy at ang paglapit niya sa akin.... "Natalia..." nasa tabi ko na ang boses niya kaya nag-angat ako ng tingin. Nakaupo kasi ako sa isang upuan sa labas ng bahay namin habang hinihintay sila ate Say-say, mama at papa. Pupunta kaming presinto para asikasuhin ang kaso.

"N-ninang Susan..." natatakot na sambit ko sa pangalan niya. Napatayo ako at gustong-gusto kong tumakbo palayo sa kanya para magtago.

Bakit siya nandito?

Pero nanlaki ang mga mata ko sa sunod na ginawa niya. Lumuhod siya sa harapan ko kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Huh?

"N-ninang..." mahinang tawag ko sa pangalan niya. Hindi ako makagalaw. Kahit kailan hindi ko naisip na mangyayari ang bagay na 'to. Na luluhod sa harapan ko at magmamakaawa si ninang sa akin.

"Nagmamakaawa ako sa iyo, iatras niyo na ang kaso sa anak ko." Parang may kung anong tumurok sa puso ko sa sinabi niya 'yun. "Natalia please...." pagmamakaawa niya sabay hawak ng dalawang kamay ko.

Ano 'to?

Feeling ko ako ang nagpapatay sa tatlong paring martyr, kay Dr. Jose Rizal at nagnakaw ng pera ng kababayan ko.

I just want to kill myself right now.

"Natalia-anong ginagawa mo rito!" Sigaw ni mama na kalalabas lang ng bahay. Mabilis na lumapit siya sa amin. Hinablot at tinago ako ni mama sa likuran niya at hinarap si ninang Susan na nakaluhod pa rin. Ramdam na ramdam ko na gusto akong protektahan ni mama kay ninang Susan.

Pero...

Wala siyang kasalanan.

"Landa..." tawag ni ninang Susan sa pangalan ni mama. "Please.... Nagmamakaawa ako, maawa kayo sa anak ko. Iatras niyo na ang kaso!" Umiiyak na sabi niya.

"Nababaliw ka na ba, Susan! Pagkatao ng anak ko ang pinag-uusapan dito! Yinurakan ng anak mo ang pagkababae niya!" Galit na sigaw ni mama. "Kaya sino ka para sabihin sa amin ang ganyan! Bakit naawa ba ang anak mo ng pinagsamantalahan niya ang anak ko! Demonyo siya! Umalis ka sa pamamahay namin!" Galit na galit na sigaw ni mama. Nakikita ko na ang mga ugat na nasa leeg niya.

"Anong nangyayari?" Biglang lumabas si papa sa bahay. 

"Ang babaeng kasing 'to," mariing wika ni mama sabay turo kay ninang Susan. "Nakikiusap sa anak na'tin na huwag ituloy ang kaso sa anak niya!" galit na sabi ni mama.

"Susan..." tawag ni papa kay ninang ng makitang nakaluhod ito.

"Paalisin mo siya Ruben!" Mariing sabi ni mama at hinila ako palabas sa bahay.

"Si ninang..."

Mahinang bulong ko at lumingon ako sa kanya habang hinihila ako ni mama. Nakakaawa si ninang. Nakaluhod pa rin siya roon.

Akin ka na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon