"ANONG gagawin ko Kid? Namumula pa rin ang skin ko... 24 hours ba ang pamumula nito? Gosh! Bakit ba kasi hindi ako nakinig sa babae kanina habang ini-explain niya ang process! Dapat talaga nakinig ako! Oh my gosh! What should I do..."
Naipikit ni Kid ang mga mata niya nang marinig ang pabebe na boses ng kaibigan niya.
"S.H.U.T. U.P. !" Hindi niya na mapigilan ang sarili. Alam niyang masaya lang ang kaibigan niya... Nasa Cloud 9 ang kasiyahan nito pero utang na loob, respeto naman.
Nakakasuka na!
Lumingon ang kaibigan niya sa kanya-gulat pa!
"Hey, nagpapatulong ako sa 'yo tapos shu-shut-upin mo lang ako!" Galit na sabi nito. "Malaki ang problema ko, namumula ang skin ko, baka mandiri si Darius habang hinahalikan niya ako, sabihin niya allergy!"
Argh!
Ang sarap buhusan ng mainit na mainit na tubig ang kaibigan niyang 'to!
"Gaga!" Inis na sigaw ko at sinabunutan siya. "Baka may makarinig sa yo at kung ano pang isipin nila!" Buti na lang nasa parking lot sila pero what if may makarinig sa kanya!
Well, alam naman yata ng tao rito sa amin na patay na patay ang babaeng to sa asawa niya! Pero akala lang nila noon, trip lang niya 'yun, na puppy love lang. Na mawawala paglaki niya pero... sadly, hindi. Confirm, 'yun talaga ang nararamdaman niya sa lalaking 'yun!
"Aray! Aray!" Reklamo ni Natalia sa ginagawa niyang pagsabunot.
Argh!
"Kanina, kinakabahan ka, ngayon tingnan mo, ang landi mo girl!" Inis na sabi ko at hinila ang buhok niya. Last na 'yun kaya sinure ko na masakit 'yun!
"Aww!" Reklamo ng dalaga. Sinamaan siya ng tingin ni Natalia at ngumuso. Nakita niya pa ang pag-irap nito sa kanya. Sampalin ko kaya ang babaeng 'to!
"Hindi ko alam na ganyan ka. Pero naman, bigyan mo naman ang sarili mo ng kaunting repseto, girl. Uhaw na uhaw ka lang sa asawa mo?" Inis na tanong niya sa babae! "Atsaka diba mahal ka ng asawa mo, kaya kahit na anong gawin mo, mapaweirdo pa man 'yan o kahit na anong flaw mo, tataggapin niya! Pakinggan mo kaya ang kanta ni Bruno Mars na Just the Way You Are at Perfect ni Ed Sheeran para kumalma ka!"
Bwisit!
Bakit ini-expose namin ang babaeng 'to sa hentai! At sa walang kwentang mga pelikula tungkol sa love story! Dapat sa suspense movie namin to ini-expose eh! Para nagpapatayan sila ni Darius imbes na maglaplapan!
"Mahal ako ni Darius..." napalingon siya sa kaibigan niya. Ahh. She was not listening to me. Nasa ibang planeta ang kaibigan niya habang inuulit-ulit sa utak nito ang sinabi niyang mahal siya ng asawa nito!
Napangiwi si Kid..
Utang na loob!
Pigilan niyo ako!
May mapapatay ako!
Nakakainis ang itsura ng kaibigan niya. Kinikilig na ewan. Ang sarap sakalin! Ano kaya ang ini-imagine ng isang 'to!
Lalabas yata ang pagkabrusko ni Kid dahil lang sa pagpatay ng babaeng 'to!
Tsk!
May ilalala pa pala ang kaibigan nila!
Argh, I know, this is bad pero gusto niya makita ang depress na Natalia. Depress dahil sa marriage na pinasukan niya.
"So, ano ihahatid na kita sa inyo?" Tanong ko. Ayaw niya ng makasama ng babaeng 'to. Oo nakarinig siya ng magandang tsismis rito pero tama na. Utang na loob. Wala nga siyang lakas ng loob itsismis 'yun sa iba dahil ayaw niyang maalala ang mga tsinismis ni Natalia sa kanya at ang bwisit na mukha ni Natalia habang kinukwento sa kanya ang mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
Akin ka na Lang
Chick-LitAkin ka na lang. Kasi kung akin ka, mamahalin kita at aalagaan kita ng sobra-sobra!
