Ikadalawampu't walo

68 5 3
                                    

"Whaaaaa! Ang laki ng pinagbago ng entertainment room niyo!" Masayang komento ni Natalia. May dala itong chichirya at softdrink sa magkabilang kamay niya.

"Yeah." Dry na sagot ni Darius na hindi man lang pinansin ni Natalia. May kumuha ng paningin sa babae. Lumapit si Natalia rito.

"Woah! May PS4 na inilagay si ninang rito! Nagsisi tuloy ako kung bakit hindi ako tumambay rito ng halos isang taon!" Naiinis na sabi ni Natalia.

Nagulat si Darius sa sinabi ni Natalia.

That's odd.

Ang entertainment room ay technically kwarto ni Natalia, para kay Natalia! Kaya kung mayroong magbabago sa room na 'to, si Natalia ang unang makakaalam dahil binabase 'yun sa mga gusto at kailangan niya rito!

Umupo si Darius sa sofa na nasa tapat ng plain white na pader.

Tiningnan ni Darius ang buong kwarto.

Malaki na talaga ang pinagbago ng kwartong ito.

Pinaglalagyan ng mga binebentang products ng mama ni Darius sa negosyo ang kwartong 'to noon. Pero pinarenovate ng mama niya na maging entertainment room para kay Natalia. Ah mali!

Una, ginawa ng mama niyang kwarto ng pamilya nila Natalia kapag dito natutulog. Then ginawang playground nang mag elementary si Natalia then ngayon, isang entertainment room!

Yeah. Gagawin lahat ng mama ni Darius para kay Natalia... Sa pinakamamahal nitong si Natalia.

Huminga ng malalim si Darius at sinandal ang ulo sa sandalan ng sofa.

Ano bang gagawin ko kay Natalia!?

Mababaliw na ako sa kanya.

Hindi cheesy na pagkabaliw. Kundi literal na baliw!

"Woah!" Manghang saad ni Natalia ng may makita itong box na may lamang stickers na pokemon, jackstone, pick-up sticks, snake and the ladder at maraming lastiko. "Nandito pa tong mga laruan ko!" Masayang sabi niya.

Yeah... kasi nga, para sa 'yo ang kwartong 'to!

"Para akong bumalik sa pagkabata!" Masayang saad ni Natalia habang inilababas yung laman ng box.

Ano maglalaro siya ngayon?

"Nat kinabit ko na yung phone ko sa projector." Imporma ni Darius kay Natalia. Projector ang gamit rito sa entertainment room kaya nga may wide screen sila eh. Pero hindi nila ginagamit. 'Yung puting pader lang ang  gagamitin namin rito.

Tumango lang si Natalia at busy sa pagtingin nung pokemon stickers!

"Pikachu! Pika! Pika!" Masayang saad ni Natalia habang nakatingin sa cards at binato sa sahig!  Naglalaro siya!

May kinuha ulit siyang isang box na stickers! Naruto naman!

"Huh?" Galit na tanong niya.

"Mas mataas pa ang level ni Sakura kay Naruto?" Mabilis na pinunit ni Natalia 'yung isang card. Hindi ko alam kung sino 'yun. Hindi ko makita eh. "Noong nagsisimula ang Naruto sa TV, gustong-gusto ko si Sakura kasi color pink ang buhok niya at cute siya pero nang makita ko ang pagka-useless niya, nainis ako pero kasi cute siya kaya kinokolekta ko pa rin ang sticker niya! Atsaka naging useful naman siya ng mag shipudden na eh!" Malungkot na sabi niya habang kinokolekta niya ang punit na papel at inilagay sa box.

Ewan ko sa 'yo, Natalia! Napangiti na lang ako habang tumitingin sa kanya.

Tumayo siya at tinitigan ang mga gamit na nandoon. Manonood ba kami o hindi?

Akin ka na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon