Ikalabing-lima

85 9 4
                                    

"AYOKO NGA!" Sigaw ni Cha-cha sa akin. Kinukumbinsi ko siyang sumama sa akin na magbakasyon pero ayaw niya! Buti na lang walang tao sa paligid namin ngayon. Kaya okay lang na magsigawan kami rito!

"Why?" Tanong ko sa kanya. Ang sosyal kaya ng bakasyon namin! Kung iba pa 'tong pinag-alokan ko, agad na sasama sila sa akin! Pero wala na akong ibang maisip na pwedeng isama! Well  may iba naman akong kaibigan bukod kay Cha-cha pero ayaw ko sa kanila. Okay ako na ang masama. Pero 'yung ibang friends ko, hindi ko naman talaga sila close. Originally, kaibigan talaga sila ni Cha-cha kaya naging kaibigan ko sila.

Nang kalagitnaan kasi ng first sem noong first year ako, itong si Cha-cha parang iniiwasan ako. Ewan kong anong nakain niya. Basta bigla na lang niya akong hindi pinapansin sa school.

Pero dahil ako nga si Natalia Burgos, pineste ko siya. Napagod siya sa kakaiwas sa akin. Kaya bumalik kami sa dati!

Gusto ko rin naman ang mga kaibigan ko. Pero kapag hindi lakwatsa ang lakad namin, feeling ko na o-out of place ako!

"'Di pwedeng ayoko lang sumama sa kagagahan mo?!" Inis na tanong niya.

Kagagahan?!

"Ano bang pumasok sa utak mo at gusto mong mag Asian cruise or European Cruise na 'yan!?" Bulong niya pa.

"Hindi 'to kagagahan! May ticket nga ako! Good for two person!" Inis na sigaw ko sa kanya. Well hindi naman talaga para sa 'yo ang isang 'yun! Pero... Whatever!

"Paano mo na afford iyan?! Oo nga't may refund ka pero sapat ba 'yun!? Atsaka nakuha mo na ba ang refund mo?!"

Tumawa ako ng mahina sa sinabi niya.

What a stupid girl!

"Hindi sapat ang refund ko para sa ganoon... pero.." I flipped my hait. "I'm Natalia Burgos-Sandoval-

"Anong ginawa mo?! Nagnakaw ka ba sa mga Sandoval?!" Tanong niya. Nakahawak pa siya sa magkabilang balikat ko.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi no! Ano bang tingin mo sa akin magnanakaw?" Tanong ko. Tinitigan lang ako ng mabuti ni Cha-cha. Hoy... Diba silence means yes? So sa mga mata ni Cha-cha magnanakaw ako!? Bwisit ah!

"So, pineperahan mo ang asawa mo?" Mahinahong tanong niya!

Argh!

"Hoy grabe ka!" Hindi makapaniwalang wika ko. Winaksi ko ang kamay niya nakahawak sa akin. "Natanggap ko 'yun bilang regalo sa kasal namin ni Darius." Mariing wika ko sa kanya. Dinilatan ko pa siya ng mata!

"Huh?!" Mahinang tanong niya. Bigla akong sinapak ni Cha-cha.

"Isa yang malaking rason para humindi ako! Atsaka natanggap ko bilang regalo?! 'Ko'" sinapak ulit ako ni Cha-cha. "Hoy gising! Sa inyo 'yan ni Darius. Technically kay Darius yan! Kasi naman sa totoo lang kung hindi si Darius ang pinakasalan mo, tingin mo may magbibigay sa 'yo ng ganyan na regalo?!"

Napaisip ako sa sinabi niya. Parang tama siya... Pero. Baka naman mayroon. Lalo na kung mayaman rin ang napangasawa ko. Pero parang ang labo talaga na makatanggap ako ng ganoon.

"Wala, Natalia!" Mariing wika ni Cha-cha. 'Yung tipong sinasaksak niya sa utak ko 'yun. Cha-cha... "Puro plato, lalagyan ng pagkain at baso ang ibibigay sa 'yo. Nakuha mo?! Kaya tigilan mo ako at huwag mo akong isali sa kabaliwan mo!"

Kabaliwan naman ngayon!

"Pero Cha-cha...

"Shuttap! Regalo niyo yan sa kasal ni Darius! Para sa inyo yan! Kaya gamitin niyo 'yan!" Putol niya sa ibang sasabihin ko. Tinalikuran niya ako at akmang kukunin ang bag niya habang nagsasalita."Bakit ba ako ang pinepeste mo nasaan ba ang asawa m-

Akin ka na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon