BABALIK agad ako.
Wow naman!
Ano kaya ang ibig sabihin sa kanya ng 'babalik agad ako'?
Tatlong araw.
Tatlong araw na ang lumipas nang nagpaalam sa akin si Darius. Hanggang ngayon hindi pa rin siya umuuwi.
Grabe siya. Ano kaya sa bokabularyo ni Darius ang matagal akong babalik. Baka one century ang balik niya ah! Kasi ang 'babalik agad' niya lampas tatlong araw eh!
"Kami naman dyan Nat-nat." Napalingon ako kay ate Nene. Tapos na sila sa gawaing bahay kaya naman heto sila sa harapan ko... Nagpaalam siya sa akin kanina na kung pwede silang manood ng Koreanovela dito sa TV sa sala.
"Diba may TV kayo sa kwarto niyo doon na lang kayo. Hindi pa kasi ako tapos eh." Nanood kasi ako ng One piece. Nagsimula ako ng first episode at 100 something episode pa ako. Kaya good luck sa akin! Baka mag isang buwan ako rito sa sala!
"Mas malaki ang screen rito eh. Sige na naman Nat..."
Huminga ako ng malalim.
Fine.
"Wait lang i-lo-log out ko muna FB ko." Sagot ko. Usapan is usapan. Hindi ako tulad ng iba diyan sa tabi-tabi na mangangako na babalik agad pero ano na?! Nasaan na siya?! Na traffic o baka naligaw ng tatlong araw!?
"Ang Facebook mo?" Tanong ni ate Nene. Plano ko sanang pilosopohin si ate Nene pero hindi ko tinuloy. Madaling mapikon pa naman 'to. Minsan nga nang inasar namin siya noon ni Cha-cha, sinabunutan niya kami. Kaya no. Ayoko ng ulitin 'yun!
"Oo. May mga group or page kasi na nagbibigay ng link para sa mga anime videos na libre mong panoorin sa FB... kaya yun ang ginagamit ko..." sagot ko. "Try mo kaya 'te. May mga group at page rin para makapanood ka ng mga Korean TV series, movies at variety shoes eh."
"Talaga? Paano?" Excited na tanong niya.
Hindi ko muna tinuloy ang pag log-out ko at dinemo ko kay ate.
"Una, mag search ka ng korean series. For example...
"Winter Sonata!" Excited na sagot ni ate Nene.
Di nga?
Ang luma na noon ah!
May lalabas ba na resulta?
"Okay try natin." Sagot ko na lang. Kung walang lalabas mag ta-try ako ng another korean series.
Kinuha ko ang laptop ko at nag type roon sa may search box ng Facebook. Buti na lang talaga, sinaksak ko 'yung anycast sa laptop ko kaya connected siya sa TV!
Pinindot ko ang search at nakahinga ng maluwag nang may lumabas na winter sonata.
"Wow mayroon nga!" Si ate Nene. Ang saya niya.
"Nakikita mo 'yang Old but Gold, i click mo yan tapos..." aish group! Wala bang page para madali lang i-explain. Ah ito na nga lang. Baka maguluhan tong isa. Hindi panaman to techie!
"Click mo 'yang Join group. Then may itatanong sila sa 'yo, sagutin mo lang then may ipapakitang rules and regulations na dapat mong sundin..." explain ko. "Kapag okay ang admin sa 'yo, 'yung nagpapatakbo ng group, hahayaan ka nilang sumali sa group nila." Tiningnan ko si ate kung may naintindihan ba siya.
Nakakunot ang boo niya.
Wala.
Wala siyang naintindihan.
Tch.
Hindi ba malinaw ang pag e-explain ko sa kanya?
"Ang hassle naman niyan, Nat... Sa Asian-asian na lang kami na website manonood!"
BINABASA MO ANG
Akin ka na Lang
Literatura FemininaAkin ka na lang. Kasi kung akin ka, mamahalin kita at aalagaan kita ng sobra-sobra!