Ikalabing-tatlo

78 9 1
                                    

NAGISING ako dahil sa tunog ng alarm clock. Nang tiningnan ko kung anong oras na, alas otso na ng umaga.  Napahiga ulit ako sa kama ko. Tinitigan ko ang kisame. Flourescent bulb lang ang ilaw sa kwarto ko pero ang kwarto ko ngayon, 'yung ilaw sosyal, pang teleserye.

Isa lang ang ibig sabihin  nito.

Hindi 'to ang kwarto ko.

Masyadong pang mayaman ang kwarto na 'to kumpara sa kwarto ko. Atsaka... Napalingon ako sa alarm clock. Hindi ako nag a-alarm clock. Ang boses ni mama ang gumigising sa akin tuwing umaga.

Huminga ako ng malalim at napapikit.

Kasal na nga ako kay Darius.  Totoo 'yung nangyari kahapon. Mag-asawa na kami.

Naidilat ko ang mga mata ko.

Pero teka... Bakit nandito ako...

Nanlaki ang mga mata ko nang may na-realize ako! Mabilis na napaupo ako sa kama!

Wala sa sariling napayakap ako sa sarili ko at kinapakapa ito. Mabilis na napatingin ako sa katawan ko... May damit ako!

Pero!!!!

Hindi ito ang damit na suot ko kahapon!!!!

Bakit nakapajama na ako!?

Nasaan na 'yung wedding dress na suot ko kahapon?!

Sinong nagpalit sa akin?!

Wala akong maalala na nagpalit ako ng damit!

Naloko na!!!!

Atsaka bakit ako nasa isang silid?!

Sinong nagkarga sa akin dito!?

Wait... teka... ang pinakaimportante ay....

Napalunok ako at dahan-dahan na pinapunta ang kamay ko sa... ahmmm.... ano ko... basta! Sa down there ko!

"Ah!" Sigaw ko.

Umiling-iling ako tapos hindi tinuloy ang balak na gawin sa ano ko!

Hindi ko na kailangan gawin 'yun para malaman ang katotohanan!! Mabilis na tumayo ako sa kama. Hinila ko ang pambaba kong pajama pataas, para mas maramdaman ko 'yung panty ko sa ano ko...

Yes! Hindi basa!

Binalik ko sa dati ang pajama ko at sunod ay humakbang ng dalawang beses! Tumalon-talon pa ako pagkatapos!

Hindi rin masakit ang ano ko!

Tumingin ako sa balikat ko. Walang red marks... Mabilis na tumakbo ako papuntang banyo! Feeling ko 'yung isang pinto na nasa kwarto ay ang papuntang banyo eh! Tama naman ako. Hinubad ko ang pajama na damit ko at tiningnan ng maigi ang leeg, balikat... basta, bawat parte ng katawan ko!

Nakahinga ako ng maluwag!

Oh yeah! Confirm wala! Walang nangyari sa amin!!! Wala akong mga bite marks or something na may kaugnayan sa mga ganoong bagay!!!

Sinuot ko ulit ang damit ko at bumalik sa kama. Napaupo ako roon sa dulo.

Pilit na inaalala ko ang mga nangyari kahapon!

"Hindi ako uminom ng kahit na anong alocoholic drinks kaya hindi ako lasing! Wala rin akong hang over ngayon kaya hindi talaga ako nakainom." Mahinang wika ko. Actually, I feel refreshed! Parang nabawi na ng katawan ko ang ang ilang gabing hindi ako nakatulog ng maayos!

Pero hindi 'yun ang problema ko!

Bakit wala akong maaalala...err no. Meron pala akong naalala.

Ang huling alala ko, kausap ko si Cha-cha tapos uminom ako nu'ng tubig na dala niya... tapos noon wala na akong maalala... teka lang... napakunot ang noo ko. Uminom ng tubig... Galing kay Cha-cha.... tapos nakatulog ako... karma?

Akin ka na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon