Ikasampu

103 10 1
                                    

PARA akong robot habang naglalakad sa campus. Tumawag ang mga professor ko sa bahay. Kailangan ko raw pumunta sa school para mag take ng final exam. Baka kasi makalimutan kong mag take at kapag pasahan na ng grades mahuli ako at magkaproblema pa sa scholarship ko kaya heto pumasok ako ngayon...

Hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko kahit na anong mangyari. Baka kasi kapag nakapagtapos ako, mapatawad ako ng mga magulang ko. Katatapos ko nga lang mag take ng exam at pauwi na ko sa bahay namin.

Pero...

"Siya 'yung si Natalia..."

Yes ako nga! Wala ng iba!

"Bakit siya pumasok?"

Ah kasi dito ako nag-aaral, mga half-bake tsismosa!

Bzzzzz! Parang mga bubuyog ang mga taong nasa paligid ko! Lalo na ang mga babae! Psh! 'Wag niyo akong tantyahin, depress ako ngayon!

Straight face lang ako kahit na parang sasabog na ako sa inis.  Hindi ako lumilingon kahit na naririnig ko ang bulungan ng ibang tao sa akin. Hindi ko sinasaway ang mga mapanghusgang tingin ng ibang tao sa akin at pampaparinig nila. Duh. Sanay na ako. Bahala kayong maubusan ng hangin at laway riyan!

"Ah tingnan mo, ang kapal ng mukha niya. Lumabas pa ng bahay at pumasok..." mahinang sabi noong isa. Wow. Sobrang hina ah! Narinig ko, girl! Wala pa bang ihihina 'yang mga boses niyo? Lakasan niyo kaya baka hindi ko marinig!? Baka kasi baliktad takbo ng utak niyo... Bakit ganoon ang ibang tao, para sa kanila mahina na ang boses nila pero sa atin ang lakas na!

Ah tama. Iba pala kapag gusto nilang marinig mo ang sinabi nila, para matamaan ka raw. Para kapag rumeact ka, sasabihin lang nilang 'Bakit nag mention ba kami ng name? Masyado ka namang guilty'... Ang sarap kutusan!

Aish!

"Hindi niya ba alam kung gaano kalaki ang ginawa niyang kasalanan?"

Alam ko. Kaya nga ilang araw akong nagmukmok sa bahay. Ilang beses ako umiyak at nagsisi sa ginawa ko. Halos mabaliw nga ako. Hindi niyo alam ang nararamdaman ko!

Huminga na lang ako ng malalim.

Relax, Natalia. Tandaan mo, hindi ka affected sa kanila. Marami ka ng iniisip 'wag mo ng isali ang mga pangit na tsimosang 'yan! Paulit-ulit na remind ko sa sarili ko.

Kung may mas pa sa lakas ng loob, 'yun ang ginamit ko para pumunta ngayon sa school. Kahit na gulong-gulo ang utak ko, hindi ko dapat kalimutan ang kahalagahan ng edukasyon.

Aside sa baka ito ang isang paraan para mapatawad ako ng magulang ko... Gusto ko rin patunayan sa mga tsismosa na kinaya ko lahat. Na may napatunayan ako sa buhay. May pinag-aralan ako kaya hindi nila ako pwedeng kaya-kayanin.

Sasabihin ko rin sa mga anak ko in the future na kahit na hinusgahan ang pagkatao ko ng buong taga-San Labrador, nakagraduate ako sa kolehiyo. Kaya walang rason para hindi sila makapagtapos ng pag-aaral. Lihim akong napangiti. Damn. Ang tagal na noong huling ngumiti ako.

Huminga na lang ako ng malalim ulit.

Kaya huwag mo na silang pansinin, Natalia.

"Hoy!" Malakas na sigaw sa likuran ko. Hindi ko pinansin kahit feeling ko para sa akin ang sigaw na 'yun...  Hindi naman Natalia ang sinigaw eh. Everybody can be 'Hoy'.

"Hoy Natalia!"

Ah 'yan may pangalan ko! Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanila.

"Bakit?"  Tanong ko.

May limang babae ang nandoon. Hindi ko sila kilala. Pero feeling ko, senior ko sila. Matured ang mukha nila eh. Ah, teka,  parang pamilyar sa akin 'yung nasa gitna. Parang sumali na 'yun ng miss Intramurals last year.

Akin ka na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon