Ikadalawampu

77 7 4
                                        

"Bakit ayaw sagutin ng babaeng 'yun ang tawag ko?!" Galit na tanong ni Nene nang ikalabing dalawang beses na niyang tinatawagan ang cellphone ni Natalia, pero hanggang ngayon hindi pa rin sinasagot ng dalaga! Unreachable ang gaga!

"Ate Nene!"

"Ay isaw!" Gulat na sigaw niya ng may biglang sumulpot sa harapan niya! "Ikaw pala Isay!" Inis na sabi niya sa bago nilang kasama sa bahay. "Bakit ka ba nanggugulat!?" Inis na tanong niya. Ang sarap sakalin ng babaeng 'to!

"Pinapahanap ka po ni manang Soleng sa akin. May ipapagawa ho siya sa atin." Sabi niya.

Tch.

Ang matandang 'yun.

Feeling ko alam niya ang ginagawa ko.

"Sabihin mo na busy ako sa pag-aasikaso sa mga kama sa kwarto." Utos ko sa kanya at bumalik sa ginagawa ko. Last na 'to kapag hindi pa sinagot ni Natalia 'to, gagamitin ko na ang last card ko. Ang mabigat at makapangyarihang kakampi ko!

"Huh? Eh busy ka lang po sa pagkalikot ng cellphone niyo eh." Sagot ni Isay.

Aba!

Ang galing ng batang 'to ah. Sumasagot! Turuan ko kaya siya ng leksyon.

Lumingon si Nene kay Isay.

Natakot si Isay ng makita niya ang mukha ni Nene na para bang handa siyang saktan.

"Sorry po." Hinging paumanhin niya.

"Isay. Bakit hindi ka gumaya kay Bikit..." tinutukoy ni Nene 'yung kasabayan niyang helper na bagong hire rin.. "Iniisip niya muna ng mabuti ang sinasabi niya... At kung pwede lumugar ka. Mas matanda ako sa 'yo." Bwisit to! Noong nagsisimula ako rito, para akong tuta. Oo lang ako ng oo kay manang Soleng. Tapos siya. Magkalevel kami?!

"Kasi naman po natatakot ako kay Manang Soleng eh. Baka ano ang sabihin niya kapag hindi kita kasamang bumalik roon sa loob." Sabi niya.

Ramdam kita. Nakakatakot nga ang matandang 'yun. "Basta sabihin mo, busy ako sa mga kama. Hindi ka mapapagalitan n'un."  Kahit na ang totoo busy ako sa pagkontak sa shunga kong bagong amo! Bwisit! Isa akong ulirang katulong! Sa sobrang dedicated ko sa among kong 'yun, napadpad ako rito sa may pool para maghanap ng signal! Tapos ano, hindi ko  siya makontak!

Bwisit!

"Sino po ba ang tinatawagan niyo?" Tanong niya.

Abat hindi pa umaalis ang gaga, nakiki-tsismis pa!? Bahala ka diyan! Basta huwag niya akong idamay kapag nagalit si manang Soleng sa kanya.

"Si Natalia." Sagot ko at dinial ulit ang phone number ni Nat-nat.

"Hindi niyo ho talaga siya maco-contact. Diba naka airplane mode ang phone niya?"

Natigilan ako.

Tama.

Nakalimutan ko ang bagay na 'yun.

Kaya pala hindi ko siya ma contact.

Pero....

Hanggang ngayon?! Naka airplane mode pa rin ang phone niya?

Akala ko nagkaayos na sila ni sir Darius.

Nagchukchakan pa nga sila!

Speaking of chukchakan!

Bwisit! Kung hindi ako dumating sa kusina, saan kaya aabot ang halikan nilang dalawa!

Kailangan ko talagang ma contact si Natalia!

Kailangan ko siyang papuntahin rito. Hindi pwedeng sila lang dalawa ni Darius sa bahay!

Kahit nga alam nila na nandoon kami sa bahay, naghahalikan pa sila sa kusina, ano pa kaya ang maaari nilang gawin  ngayong wala na kami! Letche!

Akin ka na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon