Ikadalawampu't apat

56 5 0
                                    

Napangiti ako habang nakatingin sa phone ko na nag va-vibrate. Katatapos ko lang na patuyuin ang buhok ko gamit ng blower. Yes naman! Ganyan talaga pag bigtime na! May pa blower-blower sa buhok pagkatapos maligo at may paliligo-ligo na sa hapon o gabi!

Sa past life ko, isang beses lang ako maligo sa isang araw, kapag may pasok sa school o di kaya may lakad! Pero 'pag wala akong pasok o di kaya lakad at nasa bahay lang, secret... confidential information!

Tumingin ako sa phone ko ng mag vibrate ulit 'yun.

Hmph!

Sorry, lowlifes, no tsismis for you!

Kahit hindi ko tingnan ang cellphone ko, alam ko kung sino ang tumatawag r'un. Ang 'mga' kaibigan ko! 'Yung ibang friends namin nila Cha-cha at Kid na walang ibang ginawa ngayong sembreak kundi humarap sa cellphone buong araw. Puro facebook, twitter at instagram lang ang ginagawa sa buhay! Nabasa siguro nila ang post ko kaya heto ginugulo ako.

Pero sorry na lang kayo! Hindi na tayo magkalevel!

Hmph!

Atsaka mga bwisit kayong mga kaibigan! Naalala niyo lang ako kapag may chika ako! Hmph talaga!

Busy si Cha-cha at kung mabasa man niya ang post ko ('yung pa-flowers ni Darius), agad na pupunta yun rito. Kahit na may tsismis na hindi matutuloy yung sasalihan niyang contest, hala ayun practice pa rin sila ng practice. Stay-in nga sila roon sa coach nila para iwas virus. Si Kid naman, blinock ko kaya ang gaga! Kaya hindi niya ako matatawagan! Takot rin ng baklang 'yun na pumunta rito! Alam niyang sasakit lang ang katawan niya dahil sa akin!

Tumingin ako sa phone ko.

Kinuha ko ang phone ko at ini-off 'yun.

Nakakairita na!

Bahala kayo jan!

Sinuklay ko ang buhok ko at ready ng bumaba.

Nakita ko agad si Darius na nasa sala. Nakaupo lang siya roon sa sofa at tulala.

"Yo!" Tawag ko sa kanya.

Ngayong nakaligo na ako, medyo nabawasan ang pagka-hyper ko. Kaya masasabi kong back to normal na ako!

Mabuti na lang siguro na nabasa ako kaya napaligo ako ng hindi oras. Nakakatakot kasi ang pagka hyper ko. Minsan kasi napapa trouble ako dahil doon!

Lumingon si Darius sa akin.

Nagulat si Darius ng makita ako.... No... Sa suot ko...

Bumaba kasi ang tingin niya sa suot ko.

Bakit?

Napatingin rin ako sa suot ko.

Masyado na bang abuse ang pajama ko? Five years ko ng gamit to eh. Pero wala namang mantsa... Atsaka hindi ko pinapainitan kapag sinasampay ko siya kaya hindi na fade ang kulay ng pajama ko.

Hindi rin 'to manipis. Kaya anong problema?

Iniisip niya ba na ang sinusuot kong pantulog ay yung mga lingeree? Kaya hindi niya ako ini-expect na magsuot ng ganito? Kung 'yun nga. Ew! Sorry, never akong magsusuot ng ganoon. Sa likot kong matulog, magmumukha lang akong sira! Last ngang suot ko ng ganoon, kinabukasan, hindi ko na siya suot, nakahubad na ako.

Hmmm... Pero... Baka magbago ang isip ko. Baka magsuot ako ng ganoon kapag twenty-five na ako. Lalo na kapag nakapag-asawa na ako. Sabi kasi ng mga kaibigan kong babae, isa raw ang pagsusuot ng sexy na pantulog sa dahilan ng successful na marriage.

Tsk.

Totoo ba talaga 'yun?

Parang hindi naman.

Akin ka na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon