MINSAN nakakagawa ka ng bagay na akala mo hindi mo kayang gawin.
Napatitig ako sa walang malay na Darius sa sofa.
Step 1. Patulugin si Darius, check.
Lumapit ako sa kanya habang tumatakbo sa utak ko ang plano ko para sa kanya.
Step 2. Hinawakan ko ang suot kong t-shirt habang nakatitig sa kanya at pinunit ko 'yun pati na rin ang short na suot ko. Ginulo ko ang buhok ko, sinugatan, kinalmot, at sinapak ko rin ng kaunti ang sarili ko para mag-iwan ng bakas na nanlaban ako.
Step 3. Hinila ko si Darius sa sahig at pinahiga roon. Inalis ko ang pang itaas niyang damit at binuksan ko ang zipper ng pantalon niya at binaba ng kaunti.
Step 4. Humiga ako sa sofa na para bang nagahasa.
Step 5. Hinayaan ko ang sarili kong malunod sa takot at kaba sa mga ginawa ko ngayon para maiyak ako.
Kapani-kapaniwala na...
Oplan: Maghiganti kay Darius at sagipin siya, mission accomplish!
Pero hindi ko alam kung gaano kabigat ang magiging kabayaran ng ginawa ko. Ang gaga ko.
-----
"ANO 'to?" Napatingin ako ng may nagsalita sa may likuran ko. Hindi na ako nakahiga sa sofa, nakaupo na ako habang nakayakap sa sarili ko. Kasi gusto kong...
Nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko ang papa ko, gulat na gulat siya sa nakita niya. Bakit siya nandito? Tuwing Biyernes ng gabi ang uwi niya dahil stay-in siya sa plantation. Kaya hindi siya ang inaasahan ko ngayon kundi 'yung dalawa. Sina mama at ate Say-say.
"Natalia..." hindi makapaniwalang tawag niya sa akin habang palipat-palipat ang tingin niya sa amin ni Darius...
Kitang-kita ko sa mukha ni papa ang pagkagulantang sa nasaksihan niya..
Umiyak lang ako. Umiyak ako sa katangahang ginawa ko. "Pa..." umiiyak na tawag ko sa pangalan niya. "Hindi to... magpapaliwanag ako-
Napatigil ako sa pagsasalita ng umungol si Darius at unti-unting nagmulat ng mga mata.
"A-ang sakit ng ulo ko..." rinig kong sabi ni Darius.
Hindi ako makagalaw sa sobrang kaba at takot. Ngayon ko lang na-realize kung gaano kabigat ang ginawa ko.
No.
Hindi...
Let me explain 'pa...
I want to shout It's a prank pero hindi gagana 'yun. Lalo na sa galit na galit na mukha ni papa.
"Gago ka!" Sigaw ni papa kay Darius. Mabilis ang sunod na galaw ni papa. Sinugod niya si Darius. "Anong ginawa mo sa anak ko?!" Galit na sigaw ni papa habang kinukuwelyuhan niya si Darius.
"Pa!" Sigaw ko. Mabilis na tumayo ako para pigilan siya pero dahil sa ginawa kong pagpunit sa shorts ko kanina, nahulog ito ng tumayo ako! Hindi ako makagalaw lalo ng lumingon si papa sa akin at nakita niya ang pagkahulog ng shorts ko.
"Huh?" Naguguluhang wika namam ni Darius. Napatingin siya sa akin at dahil sa kaba ng pagkakatingin niya sa akin, muling umagos ang luha sa mga mata ko. "Natalia..." tawag niya sa pangalan ko at tiningnan ako ulo hanggang paa. "Anong..." kitang-kita ko ang pagkagulat at pagkagulo ng itsura niya ng makita ako. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin, kay papa at sa sarili niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/139439724-288-k586515.jpg)
BINABASA MO ANG
Akin ka na Lang
ChickLitAkin ka na lang. Kasi kung akin ka, mamahalin kita at aalagaan kita ng sobra-sobra!