Ikalima

130 8 0
                                    

NASA kwarto ako habang nag-iisip ng paraan para masabi ko kay Darius at ninang Susan ang nalaman ko kina Richelle at Gerald. Hindi ko kasi nasabi sa kanila dahil sa nangyari kagabi... Nakagat ko ang labi ko ng pumasok sa isip ko ang kinatatakutan ko. What if sinabi ko sa kanila ang balak ni Gerald at Richelle pero ayaw naman nilang maniwala sa akin? Anong gagawin ko?

Pagkatapos ako pa ang masasama?

Umiling ako. Ano bang iniisip ko?

Kung hindi sila maniniwala sa sasabihin ko, edi hindi ko na problema 'yun. Basta masabi ko sa kanila ang alam ko, okay na 'yun! Tama!

Kaya nagpalit ako ng damit at naghanda na para sa pagpunta sa mansion ng mga Sandoval. Lumabas ako ng kwarto pagkatapos. Ngunit napatigil ako sa paglalakad ng sumalubong sa akin ang boses ni ate Say-say...

"Sige-sige... bukas tayo magkita. Sa may canteen." Malambing na wika nito. Anak ng..

"Ate Say-say..." tawag ko sa kanya. Hindi niya ko narinig dahil busy siya sa pakikipag-usap sa taong kausap niya sa telepono. Uminit ang ulo ko. "Ate Say-say!" Malakas na tawag ko sa kanya. Muntik na niyang matapon ang telepono namin dahil sa gulat.

"Ikaw lang pala Natalia! Bakit naninigaw ka?!" Tanong niya at pinatay ang tawag niya sa kausap. Ah. Galit pa siya ah...

"Eh ang bingi mo eh!" Inis na sabi ko. "Sino na naman yang kausap mo?! Boyfried mo?!" Galit na tanong ko. Natigilan siya at nag-iwas ng tingin sa akin. Ay!

"Hindi ah..." mahinang sagot niya pero hindi naman makatingin sa akin ng diretso.

"Naku ate ha! Sinasabi ko sa 'yo. Nandito ka para mag-aral hindi makipaglandian. Isusumbong kita kay mama 'pag hindi ka tumigil sa kakalandi mo. Labhan mo 'yung mga damit namin kaysa makipaglandian ka diyan!" Inis na sigaw ko sa kanya.

Tsk.

Napaiwas lang siya sa sinabi ko.

Wala siyang sagot sa paninigaw ko? Aish! Kainis!

"May pupuntahan lang ako. Kaya ikaw muna ang bahala sa bahay namin..." sabi ko na langsa kanya.

"Saan ka?" Tanong niya.

"Huwag ka ng matanong! Maglaba ka na lang! O di kaya mag-aral ka. Sayang pinambabayad ni mama sa eskwelahan mo!" Wika ko at umalis na. Alam kong mali ang ginawa ko. Minamaldithan ko ang ate ko. Pero naman. Maldita rin 'yung ate Say-say ko. Sumasagot rin sa akin 'yun. Binu-bully nga ako noon or worst nakikipagsuntukan pa sa akin! Bakit mabait siya ngayon?! Malamang sa malamang, tama ang sinabi ko, na nakikipaglandian siya sa kausap niya! Tsk. Baka nakakalimutan niya na siya na lang ang pag-asa ng pamilya niya. 'Yung mga kapatid niya, kung hindi tambay, nag-asawa ng maaga at ang nakakainis pa, nagpapabuhay sa nanay at tatay niya. Kaya ayan, hindi sila umaasenso!

Tsk.

Iniwan ko na lang si ate at nagmamadaling pumunta ako sa mansyon ng mga Sandoval pero pagdating ko hindi ako pinapasok ni Cha-cha dahil wala raw ang amo niya.

"Saan pala sila?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam." Sagot niya. "Kaya umalis ka na. Shoo! Shoo!" Hindi ko pinansin si Cha-cha na ngayon ay pinapaalis ako na parang aso. Napaisip ako sa unang sinabi niya. Hindi nagpaalam sila ninang Susan sa pag-alis nila? Tapos kasama niya pa sina Richelle at Darius.

Wait... Baka sa Maynila ikakasal sina Darius at Richelle... Kaya umalis na sila papuntang Maynila. Kainis! Paano na 'to? Uuwi na ako? Para puntahan si mama at hingin sa kanya ang number ni ninang Susan at kahit yun lang... Kahit na matawagan ko sila o ma-text sa bagay na nalaman ko. 'Yun na lang ang tanging naiisip ko...

Akin ka na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon