Ikalabing-isa

107 8 0
                                    

"PANANAGUTAN ko po si Natalia. Pakakasalanan ko po siya." Ramdam ko ang pait ng boses ni Darius ng sabihin niya 'yun. Hindi man halata sa boses niya pero alam ko. Alam ko kaya ang totoong rason kong bakit niya ako gustong pakasalanan.

Napayuko ako. Ano bang inaasahan mo, Natalia? Klinaro naman niya siguro noong huli kayong nag-usap na hindi ka niya magugustuhan o mamahalin. Ang kasal niyo ay... nakagat ko ang labi ko.

"Menor de edad pa si Natalia... Kaya paano..." si mama ang nagsasalita. 'Yun talaga ang problema niya?

"Kinausap na namin ang abogado namin about that. Diba mag ei-eighteen na si Natalia sa susunod na linggo...

Ah... Tama. Debut ko na pala next week. September 10. Hindi ko iniisip ang bagay na 'yun. I mean. Sinabi ko na kay mama, January pa lang ngayong taon na kakain lang kami sa isang eat all you can na restaurant 'yung may libreng pa-cake sa birthday celebrant. Ayoko ng may pa eighteen candles pa. Masyadong hassle at sobrang magastos. Mas mainam pa na ibigay nila ang pera sa akin kasi gusto kong mga travel na mag-isa... tsk. Sana hiningi ko na lang talaga ang pera na 'yun ng advance.

"Pagkatapos ng birthday niya. September 11 o  sa 12..." si ninang.

Nag-angat ako ng tingin.

"Kahit sa birthday ko na lang..." nakangiting sabi ko. Nagulat sila sa pagsabat ko. Eh? Kasal ko ang pinag-uusapan nila. Kaya anong nakakagulat? Dapat sumali ako sa usapan nila.

Hindi niyo kailanman hiningi ang opinyon ko kaya sumabat na ako. Hindi niyo ako tinanong kung gusto ko, kaya heto, sinasabi ko ang gusto ko.

Tumitig ako kay ninang Susan at tito Dawin.

Anong klaseng magulang sila, hinahayaan nila ang anak nilang gawin ang bagay na 'to... oh well, minsan ang anak talaga ang may problema, tulad ko. Kasi kung alam ni mama o ni papa ang gagawin ko ang bagay na 'yun noong gabing  pumunta si Darius sa bahay namin baka hindi siya umalis at baka binugbog niya pa ako.

Pero ang unfair lang kasi!

Nagkusang loob na tumulong ako. Pero ano?! Anong nangyari?! Naikuyom ko ang kamay ko. Hindi naman ako umaasa na suklian nila ang tulong na binigay ko sa kanila. Ang sa akin lang ay kahit naman kaunting ano lang oh... Huwag na nilang ituloy 'to. Ayokong ikasal kay Darius. Lalo na kung 'yun ang rason niya... 

I'm angry! Alam kong may kasalanan ako pero hindi ko 'to deserve!

Pinangarap kong ikasal. Gusto kong magpakasal sa lalaking mahal ko at mahal ako.

Pero ngayon... Ikakasal ako sa isang taong napakahalaga sa akin pero ang rason niya kaya alukin niya ako ng kasal ay para sirain ang buhay ko... Bwisit!

"I mean para isang handaan lang..." nakangiting sabi ko sa kanila. Pero ang totoo, parang dinudurog ang puso ko ng sabihin ko 'yun. Marami akong plano sa araw na 'yun. Iimbitahan ko si Ronald at Cha-cha. Magsasaya ako buong araw. Gagawin ko ang mga bagay na hindi ko nagawa noong wala pa ako sa legal na edad!

Tumingin silang lahat sa akin.

Eh?

Gusto kong tumawa ng makita ko ang mga gulat nilang mukha. Hindi ko tiningnan si Darius, ayokong makita ang mukha niya. Kasi naman pagkatapos ng kasal namin, araw-araw ko ng makikita ang mukha niya.

I smirked.

Napag isip-isip ko, napakatanga ko! Sinira ko ang buhay ko sa isang lalaki na hindi ako mamahalin! Na para sa kanya isa lang akong pampalipas oras habang ako nang panahong 'yun, siya ang mundo ko!

Mas pipiliin niyang paniwalaaan ang babaeng gusto siyang saktan kaysa sa babaeng prinotektahan siya at...gaga!

"Ah hindi ba kayo mag ce-celebrate..." hindi natuloy ang sasabihin ni ninang ng mas ngumiti ako.

Akin ka na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon