Ikadalawapu't siyam

73 3 0
                                    

Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang sinabi ni Darius sa akin. Ang dami niyang sinabi pero tumatak sa isipan ko ang sinabi niyang mahal niya daw ako.

Napakurap ako nang mag blur sa paningin ko ang vase na may rose, 'yun bigay sa akin ni Darius. Nakalagay 'yun sa gitna ng mesa nila Darius sa kusina. Kanina ko pa 'yun tinitigan habang binalik-balikan ang mga nangyari kanina. 

Pasimpleng napatingin ako sa gilid ko ng umupo si Darius sa upuan sa may right side ko. May dalawang bakanteng upuan sa gitna namin.

Wah!

Tumingin sa akin si Darius pero mabilis lang!

Napalunok ako.

Muling tumingin ako sa kanya. Pero ang 'simpleng sulyap' ko sa kanya ay natuloy sa pagtitig.

Mahal daw ako ng lalaking 'to.

Mahal...

'Di nga?!

Impossible!

Kailan?!

Hindi ko naman naramdama-well, napapansin ko, lately, iba ang pakikitungo niya sa akin. Naramdaman kong love niya ako pero syempre ayaw kong maging assumera, patay malisya lang ako. Dinededma ko lang ang ideyang 'yun pero sinabi niya.. Sinabi ni Darius na mahal niya ako.

"Kung may gusto kang sabihin, say it."

Wahhh!

Nahuli niya- No! Naramdaman niya ang pagtitig ko sa kanya kaya tumingin siya sa akin at nahuli niya akong nakatitig sa kanya!!!

Bwisit!

Kinurot ko ng lihim ang tagiliran ko.

Masakit.

Hindi ako nanaginip.

Ayoko man isipin pero, bwisit! Pumasok sa utak ko na baka ang mga letcheng helping fairies ay nakipag-mate sa mga illusionary fairies kaya nakalabas sila ng bagong breed ng fairies. Kaya sila ang may kasalanan sa mga nangyayari ngayon! Natalsikan daw kasi ako ng fairy dust ng mga new breed of fairies na 'yun! Kaya heto, tinutulungan nila akong maging totoo ang mga ilusyon ko na gusto kong mangyari sa totoong buhay!

Argghhhh!

Sumasakit ang ulo ko sa pinag-iisip ko!

Feeling ko kailangan ko ng mag seek ng mental hospital dahil sa pinag-iisip ko!

Natanong ko tuloy sa sarili ko, paano ako naging first honor?! First honor ba talaga ako?! Bakit may ganito akong utak?! Bakit ganito ako mag-isip!?

Sorry sa mga tinalo ko sa pagiging first honor!

Huminga ako ng malalim.

Okay, Natalia.

Gamitin mo ang katalinuhan mo.

Ipakita mo kung bakit first honor ka sa school niyo!

Hindi dahil magaling ka lang mag memorize kaya na-honor ka, magaling ka rin sa critical thinking, okay!?

"Kailan?" Mahinang tanong ko pagkalipas ng ilang segundo-errr parang ilang minuto na yata akong tahimik.

Gusto ko pang sapakin ang sarili ko!  Masyadong broad ang tanong ko! Kailan? Anong klaseng kailan?! Baka isipin ni Darius na ang tanong ko ay 'kailan niya napansing nakatitig ako sa kanya?' Argh!

"Kailan nagsimula ang feelin-pagkagusto mo sa akin?" Mahinang tanong ko. Namula ako! Waaahhh!!! Hindi ako makatingin sa kanya. Higit sa lahat hindi ko masabi ang salitang 'mahal'! Nag settle na lang ako sa word na gusto! Damn it!

Akin ka na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon