Ikadalawampu't isa

78 6 0
                                        

Woah!

Tumingin ako sa cellphone ko na ikalawang beses na nag 360 degree ang ikot niya. Ini-off ko ang ringtone ko kasi ang ingay. Vinibrate ko na lang ang phone ko at ito nga ang nangyari. Walang tigil ang vibrate niya sa dashboard. Ibig sabihin ang daming message at tawag ang natanggap ko.

Amazing!

Ini-unairplane mode ko na ang phone ko at hindi ko inaasahan ang bagay na 'to. Dati 'yung network ng sim ko lang ang nag te-text sa akin, si mama, si papa, ate Say-say at 'yung delivery man ng shoppee ang tumatawag sa akin, ngayon ang dami na.

Aside kay Darius (feeling ko sa kanya 'yung unregistered number na nakita ko), nakita ko rin ang text ni mama, papa, ate Say-say, mga kaibigan ko na natatandaan lang akong kontakin kapag may gala kami o di kaya may kailangan sila sa akin, nakita ko rin ang name ni ninang Susan sa screen kanina.

Ang nakaka-amaze ay 'yung nabasa ko ang  missed call ni ate Nene at ni Cha-cha. Nakagugulat!

Si ate Nene kasi tinitext lang ako kapag may kailangan sa akin lalo na kapag magpapatulong siya sa isang bagay. Never siyang tumawag kahit na sobrang importante ang sasabihin o ipapagawa niya sa akin kasi ang pinapaload niya lagi ay 'yung para makapanood lang ng k-drama at maka-text. Ganoon rin si Cha-cha. 'Yun nga lang si Cha-cha, high tech, wala siyang pang text or tawag pero ang gamit niya para makontak ako ay messenger.... oh well, libre naman ang messenger ngayon... For gaming at panonood lang ng anime ang gamit ng phone ni Cha-cha. Kaya mapapatanong ka talaga 'anong nakain ng dalawang 'to at naisipan nilang tawagan ako?'

Kinuha ko ang phone ko at from vibrate mode, sinilent ko na siya. Nagsisimula na kasi akong mairita. Bakit kung kailan na ayaw ko na may mag text o tumawag sa akin, 'yun pa ang mga araw na ang daming nakakaalala sa akin. Anong ibig sabihin nito?

Napatitig ako sa phone ko. 'Yung unregistered number na ang sunod-sumod na nag me-message sa akin.

Lumingon ako kay Darius.

"Ilang beses mo ako tinawagan at tinext?" Tanong ko kay Darius. Pauwi na kami sa bahay nila. 30 minutes na ang lumipas ng umalis kami roon sa pier.

Tumingin si Darius sa akin.

"See it for youself." Supladong sabi niya at bumalik ang attensyon sa kalsada. Tsk.

"Mamaya ko na babasahin ang pinapabasa mo sa phone mo." Kailangan ko pang ihanda ang sarili ko. "Uunahin ko muna 'tong phone ko...." sabi ko. Sa wakas, kumalma na ang phone ko!

Wala ng hahabol na text or tawag?! Kasi magbabasa na ako! Mag fo-focus na ako sa pagbabasa!

Huminga ako ng malalim bago buksan 'yung message app ko-

Wait lang!!!!!

Hindi ako pa ako ready!

Lumingon ako sa katabi ko. Babasahin ko ang mga mensahe na katabi si Darius?!

Parang... ang awkward!

Lumingon si Darius sa akin saglit. "Akala ko ba uunahin mo basahin ang nasa phone mo..." sabi niya.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Sa bahay na lang pala." Sagot ko.

"Hmmm..."

"Kailangan ko ng privacy!" Angal ko! Hindi ko alam ano ang mga mensaheng naghihintay sa akin! Baka mamaya may mabasa ako na magpapangiti, magpapaiyak or magpapabaliw sa akin! Ayokong makita ni Darius ang itsura kong 'yun! Nakakahiya!

Tumingin ako sa phone ko.

Pero may gusto akong i-check.

Ilang beses ako tinawagan ni Darius.

Akin ka na LangMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon