"OH, himala!" Napatingin ako sa gilid ko nang may bigla na lang magsalita. Napagiwi ako ng makilala ko kung sino 'yun. Oh, 'yung lalaking walang alam sa akin pero alam ko ang lahat sa kanya. Anong ginagawa niya rito?!
Si Darius Sandoval.
Tirador yan ng mga chicks sa lugar namin. Minsan lang umuwi sa lugar namin ang lalaking 'to dahil sa Maynila siya nag-aaral, pero kapag umalis siya, ang daming umiiyak na babae at naghihintay sa pagbabalik niya.
Don't get me wrong. Hindi ako isa sa mga admirer niya. Madami lang talaga akong alam sa lalaking 'to pati na rin sa pamilya niya. Inaabangan ko lang talaga ang mahahalagang araw sa buhay nila, namely birthday at kung ano-ano pa. Para saan? Syempre para kumain sa kanila. Ang bongga kaya sa kanila kapag may okasyon. Ang daming handa, mayaman kasi ang pamilya nila. At minsan, kapag tinamaan ako ng hiya, pumupunta ako sa kanila na may dala na kahit na ano at ginagamit ko 'yung kaalaman ko tungkol sa mga gusto nila para may maidala naman ako kahit na maliit na regalo. Nakapag bigay na nga ako ng bato sa nanay niya eh. Alam mo kasi, bata pa ako noon, kaya kahit ano pang ibigay ko na regalo kahit na walang kwenta they will find it cute. People, I'm a professional makikain tuwing birthday at pyesta!
Pero may nalaman akong ikiniyanig ng mundo ko. Magkaibigan pala ang mama ko at ang mama niya. So pwedeng presence lang ni mama ang dalhin ko kapag pumunta ako sa bahay nila para makikain.
Nakakainis! Feeling ko nabudol ako! Nasayang ang effort ko sa pag-iisip ng mga walang kwentang regalo.
"Hindi yata kita nakitang nakikipaglaro sa mga kaibigan mo ngayong araw!" Natatawang saad ni Darius.
Huh?
Ano raw?
Hindi ko masyadong narinig ng maayos ang sinabi niya dahil nasa taas siya ng puno at ako naman ay may iniisip habang naglalakad sa damuhan.
Pero nakarinig ako ng 'makipaglaro'.
Gusto niya bang makipaglaro sa akin?
Abnormal siya? Walong taon kaya agwat ng edad namin. 11 years old ako, siya 19. Ayokong makipaglaro sa kanya baka kapag nakipaghabulan ako sa kanya, kapusan siya ng hangin sa sobrang pagod. Mamatay pa siya.
Tsk.
Ayokong mangyari 'yun! Papatayin ako ng mga admirers niya!
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. "Inaway mo naman 'yung mga kaibigan mo?" Mabilis na tumingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Ano bang tingin sa akin ng lalaking to, palaaway?
Tumingala ako sa kanya.
"Hindi ako nang-aaway ah." Klaro ko sa kanya. Wala kaya akong inaaway. Ah baka narinig niya ang tungkol kina Warren. Tsk, "Sila 'yung unang nang away sa akin kaya lumaban ako. Atsaka ayoko na ring kalaro 'yung iba. Masyado silang judgemental." Sagot ko.
Tsk.
Nakakainis! Naalala ko tuloy kung bakit mag isa ako ngayon! Mga pangit na 'yun! Kung ano-ano ang pinagsasabi nila sa akin?! Kesyo daw na kapag nakipaglaro sila sa akin sila naman 'yung aawayin ng mga pesteng pangit na kaibigan ni Warren. Tinutukso pa ako ng mga pangit na abnormal daw ako! Si Ronald naman na bestfriend ko, na tanging always go sa mga gusto ko, iniiwasan ako!
Siguro pinagsabihan siya ng nanay niya na 'wag ng makipagkaibigan sa akin. Pagkatapos kasi noong nangyari doon sa private property ng mga Sandoval, pinagalitan si Ronald at hindi na niya ako pinansin sa school man o dito sa lugar namin.
BINABASA MO ANG
Akin ka na Lang
Chick-LitAkin ka na lang. Kasi kung akin ka, mamahalin kita at aalagaan kita ng sobra-sobra!