Steven's P.O.V.
Nasuka ako sa nakita ko, grabe pangalawang bangkay na to ngayong araw. At mas malala tong bangkay na to ehh, mas mabaho pa.
Halos nailabas ko na lahat ng nakain ko kaya nanghina talaga ako. Nagpunas na ako ng bibig at...
...may nakatutuk na baril pagkatayo ko!
Shit!!! hindi ko alam ang gagawin ko! Nakatalikod lang ako sa kanya at hindi ko man lang maigalaw ang ang kahit anong muscles ko.Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Nanigas na ako sa kinatatayuan ko ngayon.
"Taas ang kamay." -Sabi ng tao na may baril at Babae siya.
"Ha...?" -Ako
"Sabi ko itaas mo ang mga kamay mo at humarap ka sa akin." -Medyo pasigaw niyang sabi sa akin.
Itinaas ko naman mga kamay ko at unti unting humarap sa kanya.
"Hi!!!" -Nag aalangan kong bati sa kanya.
Ngumiti naman siya sa akin sabay kagat ng labi niya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Tumigil siya sa bag saka tumingin sa akin.
"Anong laman ng bag mo?" -Tanong niya sa akin.
"Ahm... ito...?" -Sabi habang ipinapaharap ang bag ko.
"Syempre yang hawak mo. May iba pa ba? ha?" -Sarkastikong sagot niya sa akin.
"Hahaha!!! Oo nga naman noh? Ahmm mga chocolate lang ang laman nito!" -Kinakabahang tugon ko.
"Patingin." -Siya
Hinawakan ko lang ang bag at tumingin sa may baril niya na nakatutok pa rin sa akin. At nung napansin niya iyon ay isinuksok na niya ito sa may bewang niya. Tapos ibinigay ko na sa kanya ang bag. Kinalkal niya ito at hinalungkat talaga sa loob.
"Pahingi ha. Gutom na kasi ako ehh!" -Sabi niya na parang nagpapacute siya.
"Oo naman ^_^!!!" -Sagot ko naman sa kanya.
Saka niya isinauli ang bag. Binuksan na niya ito at kumagat. Tumingin siya ulit at ngumiti sabay ng pagsingkit ng mga mata niya.
"Ako nga pala si Steven." -Pagpapakilala ko sa kanya at iniabot ang mga kamay ko.
Inabot naman niya ang kamay ko at nakipag shake hands pero kumakain lang siya. Inubos niya muna ang kinakain niya pero magkahawak pa rin ang mga kamay namin. Ayaw niyang bitawan, mahigpit kasi ang hawak niya. Malapit na niyang maubos at lulunukin na lang niya.
"Ako naman si Avril Jhane as in A-V-R-I-L J-H-A-N-E but just call me Aj na lang for short." -Pagpapakilala naman ni Aj.
"Ahh Aj... So..." -Ako
"San ka pala papunta?" -Aj
"Sa school, may tumawag kasi sa akin ehh. Try ko lang baka malay mo, para may makasama... tayo..." -Ako
"Haha! Talaga?" -Aj
"Ahh Oo!!!" -Ako
"Hahaha!" -Aj
"Ahhh!!! Bakit? May... nakakatawa ba? Sa sinabi ko?" -Ako
Bigla naman siyang sumeryoso at tumingin sa akin ng deritso. Natakot ako sa mga tingin niyang iyon. Ngumiti lang ako sa kanya at saka nagtanong ulit.
"Ehhh San ka naman galing?" -Ako
"Ako? Sa San Pablo West, malayo yun mula dito. Tuluy tuloy lang kasi ako sa paglakad mula noong may mga sundalong bigla na lang pinatay ang mga taga sa amin." -Aj
BINABASA MO ANG
A Life with Zombies
Action-Story Overview- This is a story between a conflicts of family rivalry in toping among best of the best performing chains of businesses nationwide. They are known to having the best services in terms of medications and health insurance to public...