STEVEN'S POV
PAGDATING namin sa loob ay nadako kami sa may gymnasium, malawak dito at malinis.
Wala kaming nakikita na may bahid ng kahit anumang karahasan dito sa lugar na ito. Walang bahid ng dugo o kahit anumang gasgas sa flooring.
Makinis pa din at makinang ang mga granite tiles neto. Hindi ko lang alam kung anong nangyari dito.
Maraming nagkalat na sundalo sa paligid ng school. Ito ata ang ginawang base ng mga sundalong ito.
"Hmm ? Anong gagawin nga pala ulit natin dito ?" -Avril Jhane
Napatingin naman ako sa kanya at nagkibit balikat siya sabay taas ng dalawang kilay.
"Hahanapin ko ang mga kaibigan ko dito" -Ako
"Akala ko ba ? ahhhh... may natanggap kang tawag ?" -Avril Jhane
"Ay oo nga pala, hehe ! Sa tingin mo ba, anong pwedeng gawin ng mga sundalo dito sa school?" -Ako
"Ewan ko, siguro, ahhh ! gagawing base or pentagon ba ang tawag ?" -Avril Jhane
Umupo ako, nandito kami ngayon sa pinakataas na part ng bench kung saan kita ang buong gymnasium.
"Hmmm ! Kung ganun ? Bakit naman dito pa ? Pwede naman sa Football field sa likod ng City Hall" -Ako
"Aba ewan ko sayo ahh... Uhmm ! Mag libot na lang tayo ahh..." -Avril Jhane
"Pahinga muna tayo, pengeng pagkain nga!!!" -Ako
Umupo din siya sa tabi ko at binuksan ang kanyang bag, kumuha na lang ako ng pagkain dun at binuksan at kinain na.
Habang ngumunguya ako, napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sakin. Nag-smile ako sa kanya.
Tas inirapan niya ako.
"Mmm ?? bakit ??" -Tanong ko sa kanya.
"Wala naman ! Naalala ko lang si.. uhmm wala, basta wala!!" -Avril Jhane
Umiwas siya ng tingin tas kumuha ng pagkain at kinain din agad.
"Sino nga ? Mama mo ? Papa mo ?" -Ako
Tumingin naman siya agad sakin.
"Ahh Oo si mama at papa ko !" -Avril Jhane
"Uhmm !! Ano naman ang ?? Nangyari ??" -Nag aalangan kong tanong sa kanya.
"Basta na lang silang binaril, Pagkababa ko ng hagdan namin, naabutan ko na sila doon na nakahandusay" - Malungkot na pagkwento ni AJ.
"Ahh sorry !!! Natanung ko pa kasi !!!" -Ako
"Tapos kinuha sila !" - AJ
"Ano ?" -Nagkatinginan kami ni AJ.
"Tara na, baka may makarinig pa sa atin dito" -Aj
"Mabuti pa nga" -Tumayo na ako at nagsimulang maglakad.
Hindi na siya nagsalita pang muli. Siguro nga naalala niya ung pagkawala ng mga magulang niya at sariwa pa ito sa isipan niya.
Patungo kami ngayun sa likod ng gym, habang naglalakad tumitingin tingin ako sa kanya, nasa likod ko lang siya, bakit ba ?
Hinintay ko siya, pero tumigil din siya.
BINABASA MO ANG
A Life with Zombies
Action-Story Overview- This is a story between a conflicts of family rivalry in toping among best of the best performing chains of businesses nationwide. They are known to having the best services in terms of medications and health insurance to public...