CHAPTER 10

70 3 0
                                    





Mechelle POV



NAKARATING na ako sa school, pero syempre hindi pa ako pumasok noh ! Nandito pa lang ako sa labas nagmamasid at gumagawa ng plano.



"Saan ba ako dadaan ?"



Lahat ata ng sulok ng school ay puno ng sundalo. Patay na ata lahat ng mga tao sa loob ehh !



Kinakabahan tuloy ako, baka kung anong nangyari na sa mga kaibigan ko, huhuhu !



"Michelle wag ka muna magdrama please ! Hindi mo pa sila nakita at magaling sila"



Sabi ko sa sarili ko, oo kaya nilang mabuhay, magaling ata sila at alam ko ang mga pagkatao nila.



"Halla saan kaya ako papasok ?"



Naglakad pa ako ng naglakad sa gilid ng school. Malapit na ako sa exit gate kaso mukhang may tao na doon. Kaya bumaba ako sa may kanal, buti na lang walang tubig ito.




"Hmmm ! Akyat na lang kaya ako sa pader tutal 4ft lang ata yan ehh !"



Tumayo na ako ng dahan dahan at tsaka pumwesto sa may pader, tinignan ko ulit ung mga tao dun at hindi naman nila ako napapansin dito.



Sinusubukan ko ng akyatin at mukhang mahihirapan ako hehe ! Kasi naman madulas ehh tsaka naka high heels pa pala ako.



Pero ayaw ko din namang mag paa noh ! Kaya pinilit ko, hayan na, naipatong ko na ang paa ko at... at... at hindi ako makagalaw shockingly ! Nanginginig ang mga braso ko !!!



"yaaaaa....! ke...la...ngan... kong... isam...pa... yung... isang... paa... kuuu!"



Grabe ang hirap ! whooo!



Buti na lang at naka akyat din ako. Nanginig talaga braso ko, madulas ung semento kasi luma na.



"Hahahaha grabe natatawa ako sa sarili ko ! Ngayun naman kelangan kong bumaba at baka makita nila ako at tsugihin na ng tuluyan !"




Tumalon na ako pababa. Mababa lang naman ito ehh hehe ! Pero nahirapan ako.



Pagkatalon ko ay yumuku ako, at sumilip sa may classroom. Andun sila oh nagbubuhat ng mga ??? bangkay !!!



Maygaad !!! Mga bangkay !!!



Hihimatayin ata ako neto ehh. Pero huwag muna ! Kelangan ko muna hanapin ang nga kaibigan ko.



Alam ko sa sarili ko na buhay pa sila !



Naglakad lang ako ng naglakad at sinusundan ang daan sa bawat likod ng isang classroom, madamo dito at nakakatakot baka may ahas at bigla na lang akong tuklawin.



*lakad*   *lakad*



Nakarating na ako sa may, CR ata to ehh ! At bukas yung binata niyang maliit.



"hmmm ! aakyatin ko ba to ?"



Ang taas kasi ehh, kahit na may alam akong mga paraan kung paano umakyat ehh tinatamad ako.



Sumilip ako sa may gilid ng pader kung saan ay dulo na ng building at nagulat ako ganto ang istura ko ohh 0_0



"buti na lang hindi ako umakyat ! hihi !"



Nandito na pala ako sa may pinakalikod ng school kung saan may isa pang court hihihi ! peace tayow !



Hay nako, buti na lang talaga at hindi ako umakyat, kundi nagpakahirap lang ako.



Naglakad na ako papunta sa may court, walang mga benches dito kasi hindi naman dito ginaganap ang mga ball games, dito lang ipinapatayo ang mga booth's, tulad ng photo both, marriage booth, kissing booth at kung ano anong pang mga booth na yan kapag foundation week lang naman.






By the way, moving on, naglakad ako sa may corridor papuntang harap ng school. Dito ako sa may bandang gitnang bahagi ng school, sa school kasi parang square na uhmm mahaba hihi nakalimutan ko na un ehh !!!!




Sa square na mahaba, gumawa kayo ng dalawang guhit sa may gitna, edi tatlo na sila diba ? kasali ung dalawa sa gilid niya. Yung tatlo na yun ang building tapos ako naman ay nasa gitnang bahagi at yung gym naman ay nasa harapang bahagi...



Teka bakit ba ako nagi-sketch ? haha ! Nakarating na ako sa may school canteen. At ito ay nasa gitnang bahagi ng school, sumilip ako sa may loob.



Lahat may ilaw pero mga dim light lang, ung kulay yellow na bilog na bumbilya ? Ganun yun ehh.



Tapos sa school canteen ay isang ilaw lang tapos nasa gilid pa, kaya hindi niya nasisinagan lahat.



"uhmm ! pasok kaya ako dito !"


Wag na baka ma-corner pa ako ng mga sundalo diyan na rumuronda. Tapos agad akong tsugihin.



"waaaaaaah ! hindi pa ako handa !! hindi pa ako nakakapagpaalam sa mga kaibigan kuuuu!!!"




Hay nako tama na mga yan, baka may makakita pa sa akin.




Naglakad pa ako at papunta na ito sa may likod ng stage ng gym namin. Tutuloy ba ako ? Oh hindi na ? Natatakot ako ehh, mag isa ko lang tapos hindi pa ako sigurado sa makikita ko diyan.





*bang* ... *bang*



Agad akong napayuko nang marinig ako ang dalawang magkasunod na putok ng baril. Hindi ko alam kung nasaan sila kaya agad kong binato ng basyo ng sotfdrinks ang ilaw sa may corridor.



"anong nangyayari jan ?" - guy1



"may nakita akong babae, tumawag ka ng back-up natin" - guy2



Pero hindi pa lang sila nakakatawag ay may mga dumating na, at agad may sinenyas ang isang lalaki gamit and dalawang daliri.



Alam ko ang ibig sabihin nun, papaikutan nila ako. Kelangan ko ng umalis.


Marami pang ilaw sa Corridor na ito, baka makita nila ako, paano na yan???


Halos pagapang na akong gumalaw papunta sa may hagdanan pataas para makatakas. Wala na kasing ibang paraan ehh!


Naririnig ko ang mga mabibigat na yapak ng kanilang mga paa na papalapit na sila sa lugar ko.



*zzzsssst*




Narinig kong gumalaw ang isang CCTV camera.



Sino kaya ang kumukontrol niyan ?



Kelangan ko ng makapunta sa may hagdanan para maka akyat na ako. Kaso nga lang may ilaw.



*tsag*



Napatingin ako sa may likod ko at nakita ko ang isang tatlong sundalo na papalapit na sa akin.



*bang*




Pinaputukan nila ang isang emergency light na bigla na lang kasing umilaw sa may tapat nila.



"shemaay naman oh !"



Kinakabahan na talaga ako, baka maab...



*tssibb*



Ngayun naman ay namatay ang ilaw sa may buong corridor, aha ! may pagkakataon na ako.



Hindi ko na ito sinayang at agad akong tumayo at mabilis na nakaakyat sa may hagdan papuntang 2nd floor ng building na ito.



"siguro nga buhay pa sila!"



Maluwag sa loob ko na nasambit iyo at naka ngiti pa. Malaki ang posibilidad na si Jessica ang kumukuntrol ng mga ilaw kanina.













3rd PERSON'S  P.O.V



Nakatakas si Michelle sa mga sundalo na humabol sa kanya, ngayon naman ay nasa taas na siya ng building at kelangan na lang niyang lumipat sa isa pang building dahil alam niya hahalungkatin nila ang buong building kung saan siya nakita.



Pero paano niya ito magagawa kung magkakahiwalay ang tatlong classroom buildings.



Ang isang paraan lang ay ang bubong ng GYMNASIUM nila. Pero kung gagawin niya ito ay maaring matunugan siya at mas mahihirapan.



Ngayun ay naglalakad na siya papunta sa may 3rd floor ng building. Nandoon sa building na iyon ang COMPUTER ROOM.



Doon siya papunta ngayon dahil alam niya na minomonitor siya ng isang tao, kasi nakikita niya ang mga CCTV cameras na dumideritso sa kanya.



Ngaun ay nasa 3rd floor na siya, kelangan na lang niyang hanapin ang COMPUTER ROOM. Madalas sila ditong tumambay, silang magkakaibigan.




Palagi silang gumagamit ng Computer lalo na si Jessica, dahil nga siya ay isang 'COMPUTER ANGEL' pero ang bansag naman sa kanya ng mga taong may ari ng mga buildings ay 'COMPUTER VIRUS' dahil sa palagi niyang nahahack ang mga system nila.



Walang nakakatuntun ng totoong katauhan niya maliban lang sa mga kaibigan niya. Naka ilang reports na ito sa kanilang lugar pero di nagtagal ay pinabayaan na nila dahil wala namang masamang nangyayari.



Minsan nga ay nakakatulong siya, tulad na lang may nakawang nangyari sa isang bangko, pinatunog niya ang alarm sa buong building at isinara ang ilang mga daanan para macorner ang mga suspect.



Mas mabilis siyang gumalaw kesa sa opisyal na nagbabantay ng CCTV Cameras.






MOVING ON, si Michelle ay nasa loob na ng computer room. Agad niyang sinecure ang buong lugar, nilock ang pinto at mga bintana na gawa sa makapal fiber glass, tsaka niya ibinaba ang isang makapal din na kurtina.



Nagulat na lamang siya ng bigla na lang sumindi ang isang computer monitor.



Hinintay niyang matapos itong mga scan.



Umupo na siya sa may harap nito. At hinihintay pa din bago makumpleto ang pag scan nito.


"64% na siya, bilisan mo pa!"


Bigkas niya sa sarili niya.



Ilang segundo pa ay nagbukas na ito at tumambad sa kanya ang kakaibang monitor, hindi kasi ito gaya ng ibang normal na computer na lalabas ang mga applications at icon at wallpaper.



Pero ito ay black at madaming lumabas na kung anong mga sentence.



01:14:32 - Starting Server
01:14:34 - Connecting...
01:14:34 - VPN initializing...
01:14:35 - Connection Status
...



At madami pa (tinamad si author)



Ilang saglit pa ay may nag-pop-up na isang box at 'connecting...' ang nakalagay.



Patuloy pa ding hinihintay ni Michelle kung anong lalabas dito.



Bigla na lang may nagsalita at kinakausap siya...



...Siya ay si Jessica...



===


A Life with ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon