Jessica's P.O.V.
Hi there ^_^ . Ako nga pala si Jessica, nabasa niyo naman siguro diba? hehe.
Nandito ako ngayon sa library ng school namin. Dalawang araw na ata kami dito ng kaibigan kong si Barvelyn. May nangyari kasi ehh, nakakatakot kaya dito na lang kami sa library pumirmi.
Buti nga at naka survive pa kami dito kahit na puro chichirya lang ang kinakain namin. Nakakuha kami ng pagkain noong siguro isang araw pa lang mula noong may mga umatake samin, doon sa may canteen.
Doon una kaming nagtago, doon kami nagpalipas ng gabi, kaya lang may mga dumating na sundalo nang kinaumagahan na.
Lalabas sana kami para humingi ng tulong pero nagulat kami sa nangyari.
Bigla na lang kasi nilang binaril ang taong lumapit sa kanila kaya ayun, nagtago na lang kami at noong wala na sila ay lumipat na kami sa mas ligtas na lugar dala ang ilang mga pagkain.
*FLASHBACK*
"Ohh diba, bagay mo yang cocktail dress na yan!" -Barvelyn
"Hehe Oo nga noh? Pero maganda ka din ohh!" -Ako
"Haha parehas tayong maganda, pero si Mechelle kaya makakapunta?" -Barvelyn
"Hay naku, ewan ko dun sa babaing yun. Kapag kasi hindi sasali si Steven ehh hindi na rin siya sasali." -Ako
"Kaya nga naman, ang shunga talaga ng babaing yun. Pero si Steven kaya sasali?" -Barvelyn
"Ewan, siguro?" -Ako
"Ahmm wait lang tawagan natin si Mech(Mitch) or Steven." -Barvelyn
"Sige!" -Ako
Habang kino-contact niya yung dalawa ehh nag-aayos naman ako ng sarili ko. Dadalo kasi kami sa Prom namin, excited na nga ako ehh. Mas masaya kung sasali din yung dalawa, di ko lang alam kung sasali nga sila ehh.
Nandito kami ngayon sa bahay namin, hindi nga sana ako dadalo ehh. Pero buti na lang at sinundo ako ni Barvelyn. Hindi kasi pumayag si Mama na dumalo ako sa prom kapag hindi ko kasama ang mga kaibigan ko.
Sinenyasan ako ni Barvelyn na bababa daw siya kaya nag-nod na lang ako. Hindi niya siguro macontact yung dalawa. Ilang minuto na kaming late dahil nga sa urong sulong kong sitwasyon.
Pero ngayon, sure na talaga na pupunta na kami. Nung naayos ko na yung sarili ko, tumingin muna ako sa salamin. Parang huling sulyap ba hahaha. Tumungo na ako sa pintuan pero tumigil ako saglit at may inisip.
"Hmmmm? Ano naman kaya ang nakalimutan ko?" -Sambit ko na lang sa sarili ko. Tumingin ako sa kabuuan ng kwarto AT hayun naalala ko na.
"Oo nga pala, yung laptop ko hehe!" -Sabi ko ulit sa sarili ko.
Pumunta ako sa may study table ko para i-check kung mayroon akong ikakagulat haha.
Binuksan ko na at bigla na lang nag pop-up sa may screen ang 'warning' kaya in-open ko yun kaya nakita ko ang map ko na may mga red na dots sa halos buong lugar at noong na zoom-out ko nababalutan na rin ang buong bansa.
A/N: May sariling gawang map si Jessica. Remember from past chapter? Nasabi ni Steven na Computer Angel si Jessica kaya lahat ng Application sa isang gadget ay alam ni Jessica.
BINABASA MO ANG
A Life with Zombies
एक्शन-Story Overview- This is a story between a conflicts of family rivalry in toping among best of the best performing chains of businesses nationwide. They are known to having the best services in terms of medications and health insurance to public...