3rd Persons P.O.V.
Kasalukuyang dumadaan si Steven at si Barvelyn sa ibabaw ng kisame kung saan dumadaan din ang hangin ng Aircon o kaya naman ay Airvent.
At bawat butas na nadadaanan nila ay isang classroom din ang katapat. Hanggang sa nakarating sila sa may dulo kung saan ay CR na ang bababaan nila.
Nauna ng bumaba si Steven at bigla na lamang siyang napayuko nang may biglang nagpapaputok sa kanya.
Hindi makakapasok ang mga taong bumabaril sa kaniya dahil sa naka padlock ang unang pinto kung saan ay masasarhan ang kabuuan ng CR.
Si Steven ay hindi na bumalik pang umakyat at inutusan na niyang bumaba na lang sa ibang Classroom si Barvelyn.
Hindi na rin lang nagdalawang isip si Barvelyn sinunud na lamang niya si Steven dahil sa alam din niyang makakaya na niya ang sarili niya.
Samantala, ang mga tao namang bumabaril sa kanya ay nakapasok dahil sa pinaputukan nila ang padlock. Ngayon ay nasa labas na sila ng Mens Room, binuksan nila ito at nahuli ang isang lalaki.
Agad nila itong binaril at sabay ng pagbagsak ng lalaking binaril nila ay siya namang pag sindi ng ilaw at ng lahat ng ilaw sa buong School.
Si Steven ay nasa Girls Room. Narinig niya ang pagmamakaawa ng lalaki hanggang sa ito ay binaril nila.
At nagulat na lamang siya nang nakaroon ng kuryente, mas kinabahan siya dahil sa mas madali na siyang makita ng mga armadong tao.
Sunod nun ay narinig niya ang yapak ng mga tao papunta sa Girls Room. Ngayon ay mas kumakabog ang dibdib niya.
Naging alerto na ngayon si Steven, inaabangan niya ang pagpasok ng mga tao sa pinagtataguan niya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang harapin ang mga armadong tao na walang ibang ginawa kundi ang pumatay.
Hanggang sa nasulyapan ng kanyang mga mata ang isang maliit na bintana. Nagkaroon siya ng ideya, doon na lang siya lalabas.
Nagmadali siyang pumunta sa dulo at pumatong sa may toilet bowl. Napatingin siya sa pagkalabog ng pinto, binuksan niya agad ang maliit na bintana at pilit na lumabas.
Bumagsak siya sa mga bato sa likod ng Building kung nasaan siya kanina. Yumuko siya at naglakad sa bawat likod ng mga classroom. Hinahanap niya kung saan bumaba si Barvelyn, nakikita din niya ang mga armadong tao na umiikot ikot at naghahanap pa ng mga buhay na tao.
Samantala, si Barvelyn naman ay nasa may second floor, lumabas siya kung saan naka install ang aircon. Medyo nahirapan lang siyang sirain ito kanina.
Pumasok siya sa may bintana ng isang classroom at lumabas uli sa kabilang bintana kung saan ang corridor. Noong nasa corridor na siya ay bumaba siya sa tapat ng Exit Gate, at bigla na lang nagkailaw kaya agad siyang pumasok sa may unang kwarto na napuntahan niya.
Noong nakapasok na siya sa unang kwarto ay ramdam na ramdam niya ang kabog ng puso niya, bigla ba naman kasing magka ilaw edi baka makita pa siya.
Bumalik siya palikod hanggang sa nakarating sa Exit Gate, wala pang nagbabantay doon at kasalukuyan pa lang silang busy sa pagche-check sa bawat Classroom.
Pumasok siya sa may Canteen dahil nakita niyang bukas ito, hindi gaanong makalat at walang namatay dito.
Nagpalinga linga siya sa gilid niya at naghanap ng pwedeng matataguan. Naglalakad siya ng biglang may sumitsit sa kanya, Napayuko siya at hinanap kung saan nanggagaling ang pagsitsit sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Life with Zombies
Action-Story Overview- This is a story between a conflicts of family rivalry in toping among best of the best performing chains of businesses nationwide. They are known to having the best services in terms of medications and health insurance to public...