CHAPTER 30 - Last Chapter for Part 1

65 3 0
                                    





3rd Persons Point of View




"Anong gagawin natin?" Nanghihinang tanong ni Angeline.


Bakas sa mukha nito ang pagod at halatang nanghihina na din, akala niya ay katapusan na niya kanina pero nailigtas pa din siya ng itinuring na niyang mga kaibigan.


Mayroon kasing Zombie sa loob ng kwartong napuntahan nila kanina at nagulat na lamang siya nang sunggaban nila ito.


"Sa ngayon ay dito muna tayo." Walang emosyong sagot ni Jasthen.


"Natatakot ako!" Usal naman ni Emerlyn.


"Shh... wag kang matakot, nandito lang kami." Kahit na nahihirapan na si Angeline ay nagawa pa rin nitong damayan si Emerlyn.


Kahit na dalawang araw pa lang silang magkakasama ay magkakalapit na ang mga loob nila, nagkaroon na sila ng tiwala sa isat-isa at nakabuo na ng magandang samahan.


Nakaupo lang sila ng tahimik at wala ng nagtangkang magsalita pa, hindi din nila alam ang gagawin nila sa mga oras na ito, balot na balot sila ng takot.


Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsalita si Mechelle, "Feeling ko kasalan ko 'to." Sabi niya sa malungkot na tono. "Kasalanan ko kung bakit..."


"Wag kang ganiyan, wala kang kasalanan!" Putol sa kaniya ni Barvelyn at lumapit ito sa kaniya at niyakap.


"Oo Mechelle, wala kang kasalanan!" Lumapit din si Jessica at nagyakapan silang tatlo, nakatingin lang sa kanila si Steven at walang balak na lumapit sa mga kaibigan niya.


"Lika na dito baks!" Tawag sa kaniya ni Jessica at natawa. Napailing lang si Steven pero lumapit din lang ito sa kanila.


Nakaupo sila sa isang malinis na kwarto, puti ang pintura ng mga pader nito, mahahalata mo ang pinto kasi mayroon itong doorknob, kung wala ay hindi mo talaga mahahalata dahil na rin sa mga linya na halos isang metro ang layo sa isa't-isa pero may isang malaking salamin.


Habang nagre-reunion sila ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng naka doctor outfit. Nasa 5"6 ft ang height nito at mukha namang mabait.


"Ligtas na ang mga kasama niyo." Sambit nito tsaka ngumiti sa kanila. Pinasadahan niya ng tingin ang mga bata sa harap niya.


Ang tinutukoy nito ay sina Sky at Aj, wala pa ding nagtangkang kumausap dito. Mayroon itong dalawang kasamang sundalo sa likod nito na nakabantay lang, isang lalaki at isa ding babae.


Nahuli na sila ng mga sundalo kanina, wala na din silang ibang tatakbuhan at binomba sila ng Tear Gas kaya wala na talaga silang kawala.


Nagising na lamang sila sa loob ng kwartong ito pero hindi nila kasama sina Sky at Aj. Malamang ginamot na sila ng mga ito.


"Sundan niyo ako, pwedi naman kayong magtanong kung anong gusto niyong malaman." Usal ulit nito at tumalikod na.


"Nasaan kami?" Tanong ni Emerlyn na nakaupo pa din.


"But of course, ung pwedi lang namin sagutin." Humirap itong muli sa kanila at ngumiti, pero tumalikod ulit at pinagpatuloy ang paglalakad. "I know you're hungry." Pahabol pa nito.


Tumayo na sina Emerlyn, Jasthen, at huling tumayo si Angeline pero napatingin ito kina Steven, Barvelyn, Jessica at Mechelle. "Tara na" Pag-aya niya sa mga ito at hinila si Jessica.


Wala na silang nagawa, sumunod na din lang sila, "May mali dito!" Bulong ni Steven na tama lang para marinig ni Barvelyn, Jessica at Mechelle, sumulyap lang si Angeline at ngumiti sa kanila.


Dinig nila ang pag-uusap nila Emerlyn at ng Doctor na di naman ganoon kalayo sa kanila. Tahimik lang na nakasunod sila Steven, nakikisama lang sila kasi mayroon mga nagbabantay na sundalo sa bawat corridor na nadadaanan nila.






Stevens POV


Hindi ako maaaring magkamali, nandito kami sa mismong base ng Illipsis Company, kaparehong-kapareho ng uniform ang mga sundalong dumukot sa mga magulang ko, at nakita ko din parehong logo sa mga uniform nila na nandito.


Ngayon ko lang mas nakumpirma, pati sa lab gown ng babae, mayroong tatak ng tatlong bilog, alam kong Illipsis nga iyon, pero bakit kami? Bakit nila kami kailangan? Anong kailangan nila sa amin?


Tinignan ko ang mga kasama ko, "May mali dito!" Bulong ko na sakto lang para marinig ng tatlo kong kaibigan. Hindi sila kumibo, alam kong alam nila, hindi din kasi sila kumikibo eh.


Madaming pasikot-sikot dito sa lugar na ito, tila isang malinis na Maze, napakapag-padagdag din ang kulay puting pintura nito sa paligid kung gaano ito kalinis.


Halatang restricted area ito dahil sa dami ng mga sundalong nakakalat sa bawat sulok ng corridor. Nakita kong nakahinto ang Doctor, kasama sina Emerlyn at Jasthen.


"Okay lets proceed." Usal ng doctor, kami lang pala ang hinihintay. Tumama ang tingin namin ng Doctor, ngumiti lang ito sa akin, kaya ibinaling ko na lang sa iba ang tingin ko.


Pumasok sa isang Elevator, umandar ito pababa, alam kong pababa ang takbo nito, ibig sabihin nasa itaas kami? Pero bakit wala akong nakitang kahit isang bintana man lang? Maging sa kwarto namin ay walang bintana.


Nagkwenkwentuhan pa din sila pero wala akong interes sa mga pinag-uusapan nila, napatingin ako kay Barvelyn na nakatingin pala sa akin, tila may gusto siyang sabihin.


Tumigil na ang Elevator at tila nagmadaling lumabas si Barvelyn at nabangga pa nito ang doctor, napakunot tuloy ang kilay ko.


"Ahh, sorry po, naiihi na po kasi ako eh." Excuse nito tsaka tumingin sa akin, may kakaiba talaga eh.


"Ahh ganoon ba?, sige papasamahan kita." Nakangiti pa din ito, tsaka tumingin sa babaeng sundalo, tinanguan niya ito. "Baka gusto niyo ding mag-CR?" Tanong nito sa amin, pero ang sumama lang ay si Emerlyn.


Umalis na sila Barvelyn at Emerlyn kasama ang babaeng sundalo, naglakad kaming muli hanggang sa nakarating sa isang pinto nanaman. Maya-maya ay nagbukas ito at tumambad sa amin ang isang mahabang mesa na punong-puno ng pagkain.


Namangha sila sa kanilang nakita, takam na takam at parang hindi na makapaghintay na lumamon. Pero mayron akong masamang kutob dito, tila may bumabagabag sa akin.


"Its all yours" Nakangiting sambit sa amin ng doctor.


Naglakad na kami papunta na sa lamesa, umupo ako sa pangalawang upuan at nang uupo na sana si Jessica "Diyan si Barve." Sabi ko, nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya umupo ito sa kabila na katapat ko lang naman.


"Grabe ang daming pagkain!" Tuwang-tuwa na sambit ni Jasthen na excited kumuha ng mga pagkain.


Ilang araw pa lang nang nagsimula itong hindi ko alam kung ano man ito, pero bat parang isang taon na akong hindi nakakakain ng ganitong mga putahe.


Natakam din ako bigla nang maamoy ko ang amoy ng lechon kawali, parang naglaway bigla ang bibig ko. Di ko na pinigilan pa aking sarili at kinuha ko na balat ng Lechon Kawali.


Habang kumakain ako ay nakita ko ang iba pang plato na may lamang lechon kawali, shems!!! Marami pa pala.


Maya-maya ay dumating na si Barve at pinaupo ko siya sa aking tabi, tumingin ako deritso sa mga mata nito at tumgin lang sa paligid.


Oo nga naman, baka hindi kami makakain kapag nahuli kaming nag-uusap tungkol dito sa lugar. Ibig sabihin may impormasyon na siya tungkol dito.


Habang kumakain, "Paabot nga nung ulam." Utos nito, kinuha ko naman iyon at nagsandok.


Pero habang nagsasandok siya ay kinakalabit niya yung hita ko kaya ibinaba ko ang kamay ko, parang may ibibigay siya sa akin eh.


"Are you enjoy the foods?" Tanong ng doctor na mabilis na pumunta sa harap namin. Hindi naibigay ni Barvelyn yung ibibigay niya sana sa akin.


Sumang ayon naman ang iba na halata namang nage-enjoy talaga kumain, ngumiti lang ako at nginitian niya din ako.


Ibinalik ko na ang ulam, baka mahalata na niya kung magtatagal pa ito sa amin.


Hindi na nakakuha ng tyempo si Barvelyn para ibigay sa akin ang ibibigay niya, hindi naman pweding magpa-abot pa siya sa akin nag ulam eh hindi pa naman niya nauubos ang pagkain niya.


Pumunta ulit sa harap namin ang doctor at may hawak itong wine glass.


Nagulat na lang din ako nang may sumingit sa gilid ko para lagyan ng wine ang baso sa harap ko, nang matapos ito ay "Thanks!" at ngumiti ako sa kaniya.


Hinintay niyang malagyan lahat ng baso namin tsaka ito muling nagsalita, "You are all survivor of this disease na mabilis kumalat, hindi lang sa bansa natin," Gumilid siya at may nag-Flash na images, napatingin ako sa taas at nakita ang isang projector. "Kundi sa buong mundo!" Dugtong nito.


Lahat kami ay napatingin lang sa kaniya, so hindi lang pala sa lugar namin, kundi pati din sa buong bansa, and worst? Sa buong mundo pala!


Lahat ay nagulat sa nalaman nila.


"Lets cheers for your survival!" Itinaas nito ang kaniyang baso at itinaas din nila ang baso nila, after seconds, itinaas ko din lang ang baso ko kasi tumingin siya sa akin.


Uminom siya at sunod namang uminom ang iba, nag 'Ahh' pa ang iba, inamoy ko ito at hindi naman ganoon katapang ang red wine na ito.


Tumingin ako sa kanilang lahat, pero nakatingin lang sila sa doctor na nasa gitna nanaman. Tumingin ito sa akin, kaya iinom na din ako.


"Ahhh...!" Daing ni Angeline at tila nahihilo ito, malapit na sa bibig ko ang wine pero ibinato ko ito sa kaniya.


"May lason ang wine!!!" Sigaw ko sa kanilang lahat.


Pinagpag niya lang ang damit niya at nakangiti pa din, ibinaba ni Barve ang baso niya ganoon na din si Mechelle pero si Jessica ay nakainom na, at sumubsob na ito sa mesa.


Tumayo ako pero bigla na lang nanginig ang buong katawan ko at napaluhod, nahihirapan ma'y tumingin ako sa likod ko at nakita ang isang sundalo na kinukryente ako.


"Steven!!!" Sigaw ni Mechelle


Ahhh fck, hilong-hilo na ako, sobrang lakas naman ng voltage nito, marahil ay dinagdagan pa nila ito.


Lumapit sa akin si Barve ay niyugyog ako, "Hey wake up! Wake up!" Utos niya sa akin, hindi ko na kaya, sobrang bigat na ng pakiramdam ko.


Hindi ko na kaya---








3rd Persons Point of View



Nakangiti lang ang doctor, kilala niya kung sino ang mga batang ito at kilala niya din ang mga magulang ng mga ito.


"Anong ginawa mo?" Sigaw na tanong ni Mechelle


Pumasok ang iba pang mga sundalo at binuhat ang mga kasama nilang walang malay.


"Bitawan niyo siya!" Sigaw ni Barvelyn nang makita niyang binuhat ng mga ito si Jessica. Pero hinawakan siya ng mga sundalo.


"Bitawan niyo ako!!! Ahhh!!!" Galit na sigaw ni Barvelyn.


"Just don't fight back, okay?" Mahinhing utos ng doctor sa kanila.


Akmang lalapit na sana si Mechelle sa doctor ay sinampal siya na dahilan para medyo mahilo siya, tumingin siya dito, "Ikaw? Traydor ka!!!" Sigaw ni Mechelle.


"Nice job my girl, i know you won't disappoint me this time." Ngumiti ito at lumapit naman ang babae sa kaniya.


"Dalhin niyo na ang mga 'yan!" Utos ng doctor sa mga sundalo at dinala na silang lahat.



***

A Life with ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon