CHAPTER 28

33 3 0
                                    





3rd PERSONS POV



NASA sasakyan na silang lahat at handa ng umalis. Naririnig pa din nila ang mga sundalo na bumabaril. Si Barvelyn na ang may hawak ng manibela at paalis na sila.


Wala silang ibang daan kundi ang entrance gate ng CMCO. Pero makakasalubong nila ang sandosenang zombies sa harap ng compound. Kaya naghanap na silang lahat ng pwedi nilang hawakan para hindi ma-out balance.


"HUMAWAK NA KAYOOO....!!!" sigaw ni Barvelyn sabay sa pagpapaharurut niya ng sasakyan.


Medyo napasigaw naman ang iba sa kanila at ang iba naman ay naka handa pa din para sa pweding mangyari sa kanila.



*blagg!*




Tumilapon ang dalawang bakal na gate ng CMCO at pati na din ang ibang zombies. Binuksan ni Sky Arjie ang bubong ng sasakyan at nagsimulang bumaril ng mga zombies.



*bang...bang*



Napayuko silang lahat kasi nabasag naman ang bintana sa likod ng sasakyan. Walang natamaan sa kanila. At nakita nilang may humahabol sa kanila.


"Ahh guys... guys... may mga sundaloooo...!" tarantang sigaw ni Avril Jhane.


"Yumuko kayong lahaaaaaaat!" sigaw din ni Jasthen Louie.


"Palit tayo ng pwestoooo!" sabi ni Steven kay Avril Jhane. Kaya pinilit nilang gumalaw habang si Sky Arjie naman ay bumabaril sa taas.


"Guys ihanda niyo ang mga baril..." Jasthen Louie


Pumunta din si Jasthen Louie sa dulong parte ng sasakyan katabi ni Steven.



*bang bang bang...*



Nakikipagpalitan din ng putok ang mga sundalo. Pero maswerte sila at walang natatamataan sa kanila.



*bang bang... bang bang....*




Sunod namang nakipagputukan si Sky Arjie sa taas at ganun din sina Steven at Jasthen Louie.


"Guys yumuko lang kayo..." paalala ni Jasthen Louie


"Magbigay kayo ng extra na baril..." dagdag din ni Steven.


Si Mechelle na ang kumuha ng baril sa bag at pinuno ito ng bala tsaka inabot kay Jessica na inabot naman kay Steven at Jasthen Louie.


Kumuha din si Avril Jhane at ibinigay kay Sky Arjie nang magrequest ito.


Samantala si Angeline naman ay nasa tabi ni Barvelyn at bumaril ng mga zombies na humaharang sa daan nila. Nasa parte pa sila na residential area kaya maraming naninirahan dito at KAYA naman ay maraming zombies.



*bang. bang. bang. bang"




Hanggang ngayon ay hindi pa nila napapatamaan ang mga ibang sundalo kaya hindi pa sila tinitigilan.


"Ito na siguro ang kelangan niyo..." sigaw ni Mechelle at iniabot ang isang bazooka.


Kinuha iyon ni Steven at itinapat sa sasakyan ng mga sundalo...


"Guys liliko tayooooo..." bigla namang sigaw ni Barvelyn, kaya na-out balance silang lahat maliban kay Barvelyn at Angeline.


Aksidente namang naiputok ni Steven ang bazooka at tumama ito sa isang bahay na siyang lumikha ng malakas na pagsabog.


"Aaaaaaaah! Sayang!" sigaw naman ni Mechelle.


"Sorry!!" Steven


"Sorry guys!!" Barvelyn


"Ayos lang yan, may baril pa naman tayo!" Jasthen Louie


Patuloy pa din sila at umayos ulit at pinaghandaan ang mga sundalo.


Ilang segundo pa ay... lumabas na mula sa usok ang sasakyan ng mga sundalo at agad silang bumaril.



*babang bangbbsbgsbsjsnsvsjhw*



Ngayon ay mas mataas ng kalibre ng baril ang gamit ng mga sundalo.


"May isa pang bala ang bazooka..." sigaw ni Mechelle.


Agad na kinuha iyon ni Steven at naghihitay ng magandang tyempo para pakawalan ito.


"Barvelyn ayusin mo muna ang pagdrive mo... at yumuko muna kayong lahat..." Steven


Mula sa pagewang gewang ay naging banayad ang takbo ng sasakyan pero nasa 95kph ang takbo nito.











1...
















2...



















*BOOOOOOGGGSHHSS**











Tagumpay sa pag-asinta si Steven at tuluyan ng sumabog ang sasakyan ng sundalo. Kaya naging Kampante na silang lahat. At nag...


"Yeeeeheeeeey...!" lahat sila.



"Ah guys!!!!!!!!..." saad ni Sky Arjie mula sa taas. "Marami pa sila...!"


"Waaaaaat?" Mechelle & Avril Jhane


Napatingin naman silang lahat sa likod at sunod sunod na lumabas mula sa usok ang mga sasakyan ng sundalo, hindi pa nila alam kung ilan sila kasi mas binilisan ni Barvelyn ang sasakyan.


Muling naghanda si Mechelle ng mga baril at maging sina Steven at Jasthen Louie ay naging alerto din. Si Sky Arjie naman ay umupo na sa loob at pumwesto din sa bandang likod ng sasakyan.


"Guys pano na tayo ngayon??? Saan tayo dederitso???" kinakabahang tanong ni Avril Jhane


"Wag kang kabahan, matatakasan natin sila..." confident na sagot naman ni Sky Arjie.



*bang. bang....*



Napayuko silang lahat kasi nagsimula na namang magpaputok ang mga sundalo. Ngayon ay handa na ding bumaril sina Steven, Jasthen Louie, at Sky Arjie.


*bang bang...bang bang*


Nagsimula ulit silang makipagpalitan ng putok ng baril. Sinigurado na ni Steven na sa bawat pagkalabit niya sa gatilyo ng baril ay may matatamaan siya.


Napatingin naman ang katabi niyang si Jasthen Louie kay Steven kasi napansin niyang bumagal siya sa pagbaril, nakita din niya si Sky Arjie na nasa tabi na ni Steven.


"Guys asintahin niyo ang gulong" maikling tugon ni Jessica mula sa likod nila.


Napaisip naman silang tatlo at agad na sinunod ang sinabi ni Jessica, pero nahihirapan sila kasi bukod sa magulo mag drive si Barvelyn ay magulo ding magdrive ang mga sundalo.


"ILAAAAAAAG..." sigaw naman ni Jasthen Louie. "UMIWAS KA BARVELYN!!" dugtong pa niya.


Kaya naman halos magkadikit dikit na sila sa isang sulok nang biglang iginilid ni Barve ang sasakyan.


Sumabog ang bomba sa gilid nila at nabasag ang mga salamin ng sasakyan sa kanang parte.


"Aaaaaaaaaah!" sigaw ni Mechelle at Avril Jhane.


"Guys bilisan niyo, mawawalan na tayo ng gasolina!" sigaw din ni Barvelyn mula sa harap.


Mas inigihan pa nila ang pag baril sa mga sundalo. Sa ngayon ay may tatlong sasakyan ng sundalo ang sumusunod sa kanila.




*bang.bang.bang.bang*




Nagpaputok na naman ang mga sundalo. Patuloy lang din sa pag drive si Barvelyn, at mas binibilisan pa niya. Malapit na sila sa highway kung saan wala na silang gaanong malilikuan.




*bang...bang...*




Sumemplang ang isang military car at sumabog, pero may ilang nakaligtas na sundalo doon.


May kasunod pang pagsabog kasi nabangga ito ng sumusunod na military car.


Sa ngayon ay dalawa na lang ang sumusunod sa kanila.


"Kumapit kayo, liliko tayoooo...!" sigaw ni Barvelyn.


Nakahanda naman sila kaya hindi sila gaanong natumba.


"Guys anong plano natin? Mawawalan na tayo ng gas???!" Tarantang tanong ni Angeline.


Lumiko ulit si Barve ng walang pasabi kaya nagkandagulong gulong sila sa loob.


"Aaaaaaah! Grabe ka namaaaan Barve!" sigaw ni Mechelle.


"Umalis na tayo dito habang hindi pa nakakaliko ang mga sundalo!" Barvelyn


Hindi na sila nagdalawang isip at bumaba na sila agad agad sa sasakyan. Dali Dali nilang kinuha ang mga gamit nila sa Van at pumasok agad sa isang bahay.




*BOOOMSHHS!!!*




Saktong nakapasok na silang lahat sa gate nang sumabog ang sinakyan nilang Van.


"Anong sunod nating plano ?" Mechelle


Pumwesto silang lahat sa likod ng pader at nakaharap sila sa bahay.


"Ahhhh, hindi natin sila pweding takbuhan forever kasi wala namang forever!!" Barvelyn


Napatingin naman silang lahat sa kanya, at nag peace sign na lang siya '^_^V'


"Pumunta tayo sa bakuran ng bahay, siguradong maghahanap sila!" Steven


Agad naman silang tumakbo ulit, nauna si Jasthen Louie at Steven at nahuli naman si Sky Arjie.


Narinig nila ang pagdating ng military car, at huminto ito sa tapat nila.


Habang sila ay patuloy sa paglakad. Itinaas ni Jasthen Louie ang kamay niya na senyales para huminto.


"May dalawang zombies!!" bulong niya sa kanila.


Syempre kanya kanya silang reactions.


Mechelle & Avril Jhane -- O_O (shocked)
Barvelyn & Angeline -- O.O? (questioned)
Jessica & Emerlyn -- O,O! (Nervous)
Jasthen Louie,Steven,& Sky Arjie (--__--) (Bored)


Nauna na si Steven at inihanda niya ang katana niya. Nakita siya ng mga zombie kaya agad siyang inatake.



*Shhhppt...Shhhppt..* (slashed sound)


Dalawang slice lang at tapos na ang dalawang zombie. Sumenyas naman siya at napagpatuloy na ulit sila sa pagpalakad.



=====

A Life with ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon