CHAPTER 23

40 4 0
                                    






Michelle's POV


1:00 pm

3rd day


KANINA pa namin hinihintay sina Steven at Barvelyn dito sa sasakyan. Mga kalahating oras na din siguro.

Kumain na nga kami ng nakuha nina Jasthen Louie at Angeline ehh. Pero syempre magtitira kami para sa dalawa. Pero sure akong may mga dala din silang foods.

Pero nasaan na nga ba yung dalawa? Mmmmmm? Sumunod na din kaya ako? Naiirita na din ako dito kay Skyjet ehh! Mas cold pa siya kay Steven, pakain ko na ata sa zombie ito ehh.


"Ano! Nahanap niyo na ba yung dalawa?" -tanong ko kay Jessica.

"Hindi pa nga ehh! Hanggang sa labas lang ng Mall ang naaccess ko na mga CCTV!" -Jessica

"Kaya nga! Ano kayang problema ng server dito? Sigurado bang Open line ang Government niyo dito?" -Emerlyn.

"Hindi ko din alam, baka may kung sino mang kumokuntrol na nito" -Jessica

"Kung ganon, bakit hindi natin matrack ang ginagamit niyang system!!! Kainis!!!" -Emerlyn

"Susubukan kong hanapin ang system nun!" -Jessica

"Hindi ko na siguro kailagang i-format ulit ang system ko, hay kainis talaga!" -Emerlyn

Hmp? Hindi ako nakakarelate sa pinag uusapan nitong dalawa na adik sa computer.

Wala naman kaming naririnig na kakaibang ingay, tsaka ang ang tahimik talaga sa paligid ehh. Hindi pa naman siguro sila nakita ng mga zombies o kaya sundalo.

"Saang mall ba kayo pumunta ? Masyado bang malayo ?" naiirita ko ng tanong.

"Baka naman pabalik na ang mga iyon" sabat naman ni Jasthen Louie

If i know, niligaw niyo na sila. Sabi ko na lang sa isip ko, pag sila hindi pa dumating within 2 hours, sisisihin ko na talaga sila.

Pero sana hindi nila ginawa iyon kasi malaki ang tiwala ko sa kanila. Kung sundan ko na kaya sila, urggh! Kinakabahan tuloy ako sa kanila.

"Sana nga pabalik na nga sila!" -Sabi ko in cold tone.





-Sky Arjie's POV-



Hindi talaga agad agad mapepredict ang ugali ng mga babae, itong si Mechelle kanina, tawa ng tawa at nangungulit at sobrang makulit talaga.

Pinagtutulungan nila ako ni Avril Jhane, pero buti na lang at nasanay na akong magtimpi pero mukhang hindi ko na kaya sa susunod. Muntikan na nga akong magsalita kanina ehh.

Nakakatakot din pala kung magseryoso itong si Mechelle, mas gusto ko pa siya... I mean mas gusto ko pa noong makulit siya.

Waaaaah bakit mas gusto ko yung kanina, I mean urgggh, ibig ko lang naman sabihin ehh, nakaka... nakaka bigla lang. Ganun !!

We've just meet a couple of hours ago! Pero bakit ganun? hahaha Nababaliw na ata ako! Hindi naman kasi ganito yung ugali ko dati ehh!

Hindi ako cold dati, hindi ko ugaling hindi pansinin ang isang tao mula noong nangy... ay wala wala. Naapektuhan lang ako ng mga pangyayari siguro.

Tumayo si Mechelle at lumabas ng sasakyan, tumayo naman din ako at lumabas ay kunwaring winawagwag ang damit para mahanginan ang katawan ko.


"Sinusundan mo ba ako?" -Mechelle

Tsk! hahaha? Ehh hindi kaya noh! Naiinitan lang talaga ako! Hindi ko siya sinagot.

"Ano? Hindi ka talaga nagsasalita? Magkano ba ang salita mo? Ha?" -Mechelle

Tsk! Ansungit niya, pero mas maganda siya pag fierce ang mukha niya. Uhmm ? Pansin ko lang! Hehe!

Umupo siya sa hood ng isang sasakyan. Tapos tumingin sakin! Whoahh! Ang astig niya!

"Susundan ko na ata sila!" -Mechelle

Hindi siya tumingin sakin, pero alam kong parang galit na siya, ganun kaimportante ang mga kaibigan niya. Hindi siya mapalagay.

Nakakapagtaka din, sila Jasthen Louie, dumating after almost 5 mins mula noong naka alis sila. Pero sila Steven, wala pa, eh kalahating oras na ang nakakalipas.

Tumayo ulit siya at mukhang may hinanahanap ! Then nakita niya ang isang water pipe na 1 meter ang haba.

"Susundan ko na sila!" Then naglakad na siya at lumapit sa sasakyan namin. Sasama din ako.

"Hey! Jessica!" then tumingin si Jessica kay Mechelle. "Saang mall sila pumunta?"

"Pumasok sila sa Pablo Mall" Jessica says then look at Jasthen Louie, then tumango si Jasthen Louie. "Wala akong nakikitang movement sa labas but i have no idea what's happening inside!"

"Okay, then, susundan ko sila!" Mechelle

"But wait, yo...." Jasthen Louie

"I'll go with her" then kinuha ko ang Baril ko at dalawang full loaded magazines. "We're fine, im sure! I'll take care of her!"

Then sinundan ko na siya, hinabol ko siya, hindi na niya ako hinintay! hmp! Determimado talaga siya. Pero tutulungan ko siya.

Mabilis siyang maglakad, pero kaya ko naman siyang sabayan, nakakapagod nga lang. Whoooo! Kapagod naman to kasama, nakakatakot din talaga siya kapag tahimik. Hahaha!

After minutes, nakarating na kami sa mall, bukas ang entrance gate nito! Bakit kaya? Sira na ba to? Sabagay, ilang linggo na siguro ito.

Naglakad nanaman siya. "Hey wait!" indi niya ako pinansin. Tss!

Dahan dahan siyang pumasok, nakikiramdam sa paligid, di ko alam kung natatakot siya o nago-observe! Hehe!

Nagpatuloy na siya at naglakad ulit ng mabilis. "Alam mo ba kung saan sila banda dito?"

Tumingin siya sakin at nag-ismid lang. "What do you think? Syempre maghahanap ako!" then dumeritso siya at dahan dahang nagmamasid sa paligid.

Sinundan ko lang siya at nakikiramdam din sa paligid. Sa tingin ko wala na sila dito. Siguro lumabas sila sa exit nitong Mall.







MICHELLE'S POV




Nakarating na kami sa foodcourt, malawak dito at malinis. Try ko kaya silang tawagin? Pero baka may ibang makarinig sa amin.

Bahala na! "Steven?" tawag ko sa kanya sa normal lang na lakas ng boses ko.

Napatigil si Skyjet sa pagtawag ko kay Steven, tinignan niya ako at mukhang nagalit sa ginawa ko. Medyo lumapit siya sa akin.

"Bumalik na tayo sa sasakyan, baka nandun na sila" Sky Arjie

"Hindi, Wala nga sila dito pero, wala din sila sa sasakyan, Nasa labas sila. Bilisan natin!" Sabi ko, im so sure of it.

Bumaba kami at lumabas sa exit, ilang hakbang pa at makakalabas na kami.





*takbo*





*takbo*






*takbo*





Ilang segundo pa at nasa labas na kami. "Wala din sila dito!" Sky Arjie

Naglakad pa ako, may naapakan ako, tinignan ko at nakita ko ang... Katana Case ni Steven!!!

"Nandito nga sila" mas binilisan ko pa ang lakad ko at nakita ko ang 3 zombie na mukhang may hinahabol sa isang kanto.

Sumunod lang din sa akin si Skyjet, sinundan namin ang mga zombie.

"Whaaaaaaat?" nagulat ako sa nakita ko. Sandamakmak na Zombieeeeee!!!

"Halika na, umalis na tayo, baka makita nila tayo!" but its too late. Nakita na nila kami.

Hinila ako ni Skyjet. "Tara naaaa!" pero inalis ko lang ang kamay niya sa braso ko.

Tinignan ko siya. "Lalaban tayo! Tsaka gusto kong makita ang pinagakakaguluhan ng mga zombing ito!"

Unti unti na silang lumalapit. Inihanda din ni Skyjet ang baril niya. Dalawa iyun at gusto niyang ibigay sakin ang isa, kaso hindi ko inabot ang binibigay niya.




*bang*




Nauna na siyang pumatay ng zombie, tss! Gusto ko na din pumatay ng zombie. Sige mga zombie lumapit kayo sakin.



*poogsh...pak...kiirrrkkk...*
(sorry sa sounds ^_^)



Isa isa ko na din silang pinalo gamit ang napulot kong tubo kanina. Aha ! Buti na lang ito ang dala ko.



*bang...bangbang....bang...*



Patuloy din siya sa pag baril ng nga zombie, ganun din ako. Kaunti lang sila at kayang kaya na namin.

Palo lang ako ng Palo sa mga zombies na iyan. May nga dumadating pa at mukhang mas dadami pa sila.

"Tigilan mo ang pagbaril, mas dumadami sila!" Mas dumadami sila sa ginagawa niya eh.

Tinignan niya ako at naiinis na itinigil ang pagbaril, mukhang naeenjoy na niya ehh! Naghanap din siya ng magagamit niya.

Lumapit ako sa pinagkakaguluhan nila kanina ehh wala naman.

May mga zombie pa ding lumalapit kaya patuloy lang ako sa pagpalo sa kanila sa ulo nila, tigasin din ang iba, hindi agad agad na namamatay.

Shemay! Apat na sila sa harap ko!

Tapos kelangang dalawang hampas ang ibang zombie bago mamatay.

Waaaaah! tapos biglang namatay ng magkasunod ang dalawang zombie sa harap ko.



*bogssh*



Hindi iyon tunog ng zombing napalo. Kundi parang tunog ng kumalabog na drum.



*poogsh...pak...kiirrrkkk...*



At kami naman ay patuloy sa pagpatay ng mga zombies. Kunti na lang at mauubos na namin sila.



*bogsshs...boggshs*



Hinanap ko kung saan galing ang tunog ng drum na iyon kaso hindi ko mahanap ehh, busy ako sa pagpatay ng mga zombies.



*poogsh...pak...kiirrrkkk...*



Patuloy din sa pagpukpok ng zombies si Skyjet, tumingin siya sakin "May something sa basurahan!" diko alam kung sigaw iyon o cold tone pa din. Hay nako.

Kinatok ko ang Basurahan at may kumatok din mula sa loob.

Pinatay na ni Skyjet ang huling Zombie at lumapit sakin. Kinatok ko ulit.

"Pakinggan mo!" -Sky Arjie

Binuksan ko ang basurahan at lumayo kami ng bahagya.


"Waaaaaaaaah!!!!" Pareho silang huminga ng malalim. Barvelyn at Steven.

"Barvelyn, Steven" niyakap ko sila, namiss ko ehh.


======

A Life with ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon