CHAPTER 05

87 2 0
                                    


Night at Prom 9:45 pm


Barvelyn's P.O.V.


Hinatid ako ng lalaking nagsayaw sa akin kanina. Ang gwapooo nga niya ehh! Hehe! Hindi ko siya kilala kahit na 4th year na ako dito sa school hahaha.

Nang naupo na ako, hinanap ko syempre agad si Jessica. Kaso! Wala siya ehh! Saan kaya yun?


"Ahmm Anna! Nakita mo ba si Jessica?" -Tanong ko sa kaklase ko.

"Hindi ehh! Baka nag-cr lang siya!" -Anna

"Ganun ba?" -Ako


Hayys! Hindi man lang ako hinintay! Naiihi na rin kasi ako ehh. Makakain na nga lang. Kumuha na ako ng food sa table namin, syempre may baon kami. 

Nagcontribute kaming lahat para makabili ng food, pati na rin si Mechelle at Steven.

Aaaaaaaaaaaand? Speaking of Mechelle and Steven, wala pa din sila. Hindi na ata dadating yung mga yun ehh. Hmmm! 

Habang lumalamon ako dito may lalaking naka maskara na papalapit sa akin?

Teka? Masquerade party ba 'to? Tama ba spelling ko? Haha. Ok, moving on, Papalapit nga siya sa lugar namin. Bakit naman naka maskara ang isang to? Hindi ata na-orient ehh.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa umupo siya sa tabi ko. Tapos unti-unti kong naramdaman na hinawakan niya yung baba ko at isinara niya ang bibig ko. Grabe nakakahiya, nakanganga pala ako na nakatingin sa kanya.!

Sumandal siya sa upuan na feeling at home lang siya at ipinatong ang kanang paa sa isang upuan. Tumingin ako sa paa niya saka sa mukha niya. Nakatingala lang siya at parang pagod.

Teka sino ba to?


"Ahmm excuse me?..." -Ako

Tumingin lang siya sa akin at hindi sumagot.

"Hey Mr." -Ako

Nag-snap ako sa mukha niya tapos parang nagalit siya.

"Ano ba? Pagod ako! Kaya pwede ba? Tigilan mo ako, parang hindi mo naman ko kilala." -Siya

"Baaaaaklaaaaa! Ikaw pala yan! Hindi kita nakilala, ang gwapo mo!" -Sabi ko sa kanya.

Nagulat ako syempre, Talakan ba naman ako ng baklang to. Pero hindi ko siya nakilala ha. Infairness!

"Warning ha!" -Steven

"Hahaha totoo naman ahh! Bakit pala ang tagal mo?" -Ako

"Ehh kasi naman! Basta ganun na yun" -Steven

"Hay nako! Paano ko naman malalaman yung ganun na yun? Kung hindi mo sasabihin!" -Ako

"Kasi naman sa..." -Steven

"Teka nga? Alisin mo muna yang maskara mo, para kang ewan." -Pagpuputol ko sa sasabihin niya.


Tapos inalis naman niya agad. Grabe mas nakita ko ang kagwapuhan niya. o_0 Sayang niya talaga oh! Shiiitii ang cute niya lalo na yung mga mata niya parang nang aakit, parang siniseduce ako!!! ^_^


"...ya umalis na lang ako. Huyy ano ba? Nakakabwisit naman to oh!" -Steven

"Ayy hahaha! Ano nga ulit yun?" -Tanong ko sa kanya. Haha diko na narinig, ang gwapo niya talaga kasi ehh.

A Life with ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon