It's almost one month nang magsimulang masira ang sangkatauhan, namatay ang higit sa kalahating bilang ng papulasyon, halos lahat ay naapektuhan na ng epedemya na mabilis na kumalat sa pamamagitan lang ng pagkagat ng mga taong naapektuhan na, parang rabies lang ng aso. Pero hindi tulad ng rabies, ang virus na ito ay wala pang lunas, narinig ko ito mismo sa mga doctor na nage-eksamin sa amin.
Sabi nila immune daw kami, kasi hindi kami basta-basta naapektuhan na lang, hindi katulad ng ibang tao na k ahit hindi nakagat ay bigla-bigla na lamang nagkakasakit hanggang sila ay mamatay at maging zombie. Kaya daw sila nagkakasakit ay nasa hangin na ang ang virus, at nakapasok na ito sa amin kaya't kailangan ay hindi kami mamatay. Kung malakas ang resistensiya ng katawan namin ay malalabanan nito ang virus, pero kung mahina ka, mamatay ka.
Nakasakay ako ngayon sa kotse ng taong nagligtas sa amin, hindi ko siya kilala at hindi pa din kami nagkakausap. Kanina pa siya nagda-drive at ni hindi ko man lang alam ang pupuntahan namin. Kami lang dalawa ang magkasama at wala akong alam kung nasaan na ang mga kasama ko, pero alam kong ligtas sila. Nakatakas kaming lahat mula sa laboratoryong iyon, dahil na din sa tulong niya.
Kung hindi lang sumabog ang building na iyon ay hindi sana kami nagkawatak-watak, magkakaiba kasi kami ng kwarto doon sa laboratory kaya hindi kami kaagad nagkita-kita at nagkasama-sama. Sakto namang dumating ang mga backup nilang sundalo kaya't hindi na kami nakasakay lahat sa iisang sasakyan, nagkaniya-kaniya na lang kami at napagkasunduan na magkita sa iisang lugar pero hindi ko narinig ang lugar na iyon kaya't maging ang kasama ko ngayon ay hindi din niya alam kung saan kami pupunta.
Isa pa, mas magandang nagkahiwa-hiwalay kami kasi kung hindi, hindi mahahati ang bilang ng sundalong huhuli sa amin, naging madali ang pagtakbo namin sa mga sundalo kanina kasi kakaunti lang sila at dahil na din sa baril ng kasama ko ay natamaan ko din sila kahit papaano. Hindi ko lang alam sa mga kasama ko pero sana ay ligtas sila, sana ay makita ko pa sila, pero sigurado akong makikita ko pa sila.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana sa gilid ko habang ang kasama ko ay patuloy na nagdadrive, alam kong patingin-tingin siya sa akin dahil nakikita ko siya sa peripheral vision ko. Ngumingiti-ngiti din ang loko na parang may iniisip na kakaiba, hindi ko na lang siya pinansin dahil una, hindi ko siya kilala, pangalawa, pagod ang katawan ko.
Magi-isang oras na siguro at tuluyan na siyang tumigil sa pagda-drive. Nakarating kami sa medyo magubat na kalsada, maganda ang paligid at ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin dahil medyo nakababa ang bintana sa gilid ko.
Dumaan ang halos limang minuto at hindi siya gumagalaw kaya naman napatingin na ako sa kaniya. Nakahawak pa rin siya sa manibela ng sasakyan at naglalaro ang mga daliri niya rito, tumingin siya sa akin at nagtama ang mga mata namin pero agad-agad siyang umiwas at tumingin sa harapan, kaya naman napatingin din ako sa harapan. Sa di kalayuan ay parang isang maliit na siyudad, mga establisyementong wasak-wasak na at maruming kapaligiran. Sa kalsada ay puno ng zombies. Nakakatakot.
"Ahmm..." Narinig ko siyang nagsalita pero hindi niya itinuloy ang sasabihin niya. Kaya naman napatingin ulit ako sa kaniya. Kahit hindi ko siya kilala ay magaan ang loob ko sa kaniya hindi tulad ng iba na masama na agad ang pakiramdam ko kahit hindi ko pa nakikilala, hindi tulad sa kaniya, alam kong mabait siya at alam kong mapapagkatiwalaan ko siya.
"S-Salamat nga pala sa pagligtas mo sa amin." Hindi ko ugaling magsabi ng pasasalamat pero nasabi ko iyon sa kaniya. Nagkatinginan ulit kami at nasilayan ko ang matamis niyang ngiti. Hindi ko pa pala nasasabing sobrang gwapo ng lalaking ito, nagpipigil nga lang ako ng ngiti eh. Pero ngayong may pagkakataon ng ngumiti ay hindi ko na ito sinayang, nginitian ko na din siya. Hehehehe.
"Wala iyon, ahhh... Nga pala, wala ng gas 'tong sasakyan." Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa speedometer, katabi noon ay ang gas na 'empty' na. Kaya pala tumigil na siya sa pagda-drive, ang sasakyan na pala ang sumuko.
"Ako nga pala si Christian, Cris na lang for short." Wika nito at inabot ang kamay nito para makipag-shake hands. Inabot ko naman iyon saka ko sinabi ang pangalan ko.
"Ako naman si Steven, Vin na lang din kung gusto mo." At muli kaming nag-ngitian, di ko alam pero ang saya ko ngayon. Masaya din naman ako dati pa, pero kakaiba itong saya ko ngayon eh, ang saya saya, sobrang saya, HAHAHAHA
Ngayon ko lang din natitigan ang mukha niya, ang gwapo niya talaga, moreno at makinis ang balat, malago ang kilay, nakatayo ang buhok, maputi at pantay-pantay ang mga ngipin, matangos din ang ilong, medyo husky ang boses, halatang malaki ang katawan kasi sumasayad ang pagkaka-hulma ng dibdib niya sa suot niya eh, matangkad din siya, hanggang tainga o ilong niya lang ata ako.
Hindi ko masyadong napansin ang mga ganitong feature niya kanina kasi naman busy sa pakikipaglaban. Pero ngayon kasama ko siya at kami lang dalawa ang magkasama, nakakatindig balahibo, sana hindi niya mapansin iyon.
"Ahmm anong susunod nating gagawin?" Bigla naman akong natauhan ng magsalita siya at nakita ko ang mga kamay namin na magkahawak pa.
Nabigla ako kaya binitawan ko na ito at humarap na lang sa ibang direksyon. Nakakahiya, matagal ko na palang hawak ang kamay niya, baka pinisil-pisil ko pa ito? Nako nako Steven! Nakakahiya ka!!
"Since wala naman ng gas ang sasakyan na 'to, maghanap na lang muna tayo ng makakain, gutom na kasi ako eh!" Wika niya with matching himas-himas sa tiyan para ipakitang nagugutom na talaga siya.
Huminga naman ako ng malalim at muli ko siyang hinarap. Kinakabahan ako sa kaniya, bakit ba nakaka-initimidate siya?
"Sige, maghanap muna tayo ng makakain kasi gutom na din ako eh." Tugon ko naman sa kaniya.
Binuksan na niya ang sasakyan at nauna nang lumabas, binuksan ko na din ang pinto sa tapat ko bumaba na ako. Pag-angat ko ng mga paningin ko ay bigla na lamang nandilim ang paningin ko at napasandal ako sa hood ng sasakyan ng wala sa oras.
"Hey hey, careful!" Agad namang sumaklolo si Christian sa tabi ko. Pumwesto siya sa likod at parehong hinawakan ang mga balikat ko.
"Ahm, siguro hintayin mo na lang ako dito, ako na lang ang maghahanap ng makakain." Suhestiyon niya.
Tinignan ko siya kaya pumwesto na siya sa gilid ko. Kita ko naman ang mukha niyang nag-aalala, nakayuko siyang nakatingin sa akin since mas maliit ako sa kaniya. Huminga muna ako ng malalim sabay pikit saka ko siya sinagot.
"Sigurado ka ba?" Tanong ko sa kaniya. "Okay lang naman ako, medyo nahilo lang ako, minsan na lang ulit kasi ako makatayo eh!" Dugtong ko pa.
Sa laboratory kasi, puro na lang ako nakahiga, parang isang gulay na walang lakas tumayo. Hindi ko alam kung ano-anong mga gamot ang itinurok sa akin para ako ay maparalisa. Kaya malaya silang pag-eksperimintuhan ako, siguro ay ganoon din ang nangyari sa mga kasama ko sa kanila. Halos minsan ko lang din sila makita, nakikita ko lang sila kapag dinadala kami sa incubator para alisin ang mga malay namin.
"Mas mabuti kung dito ka na lang, kaya ko naman mag-ingat eh!" Sambit nito muli at binaliwala ang sinabi ko. Sa totoo lang parang bibigay na din ang katawan ko eh, nahihirapan na ako. Siguro nga mananatili na lang ako dito sa sasakyan.
Tinanguan ko na lang siya at nagpunta na akong muli sa loob ng sasakyan, nakaalalay naman siya sa akin hanggang sa makasakay akong muli sa sasakyan, nang makaupo na ako ay siya na rin ang nagsara sa pinto at naglakad na siya palayo.
"Christian!" Pagtawag ko sa kaniya, ibinaba ko ang bintana ng sasakyan bago itinuloy ang sasabihin ko. "Mag-iingat ka!" Dugtong ko, ngumiti naman siya at ipinagpatuloy na ang paglalakad.
###
Pls. Add my Facebook acct https://www.facebook.com/jhenny.ghil
Search -Stanley Arstrid-
BINABASA MO ANG
A Life with Zombies
Action-Story Overview- This is a story between a conflicts of family rivalry in toping among best of the best performing chains of businesses nationwide. They are known to having the best services in terms of medications and health insurance to public...