3rd Person's POV
8:30 AM
-Inside the chapel-
KARARATING lang nila galing sa pakikipagpatentero sa mga sundalo. Buti na lang at may mga dumating kundi maco-corner na ang grupo ni Steven. Nakaupo na sila Steven at ang apat na bagong dating ay nakatayo pa at mukhang ayaw pa pumasok. Oo apat sila.
"Ahhh ano pang hinihintay niyo? Come inside ! Baka may makakita pa sa inyo diyan." Hindi mapakaling pag-aaya ni Jessica.
Then pumasok nga silang apat at isinara ng isang kasama nila ang pinto.
"Ahhmm.. Salamat sa pagpapatuloy niyo sa amin. Ako nga pala si Jasthen Louie, at ito naman si Sky Arjie..." at itinuro ni Jasthen Louie ang isang lalaking matangkad at maputlang lalaki.
"Sky jet?" singit naman ni Mechelle. Sabay peace sign.
"Ahahaha..." tawa naman ng isang babae mula sa grupo ni Jasthen.
"Siya naman si Emerlyn, siya ang track dispatcher namin..." Pagpapakilala ni Jasthen sa babaeng may hawak na laptop case na nakasabit sa balikat niya. Matangkad din siya at simpleng babae lang.
"Track dispatcher?" Gulat na sambit ni Jessica at di makapaniwala sa kaniyang narinig.
"Oo, track dispatcher, ibig sabihin siya ang tumitingin ng mga ligtas na lugar kung saan kami pweding pumunta, and luckily, nakita niya na pumasok sila sa sementeryong ito..." then tumingin si Jasthen kay Steven upang tukuyin na sila ang nakita nila.
"Wow, parehas pala tayo..." masayang sabi ni Jessica na nakatingin pa kay Emerlyn.
"Parehas saan?" Nagtatakang tanong ni Jasthen.
"Parehas silang track dispatcher..." si Mechelle na ang sumagot "By the way, ako nga pala si Mechelle." then nag hi siya sa kanila.
"Oh hello Mechelle and???" then tumingin naman si Jasthen kay Jessica.
"Jessica..." sagot naman ni Jessica.
"Jessica... And lastly, ito naman si Angeline." pagtukoy naman ni Jasthen sa babaeng kasing tangkad niya lang din, hindi siya makikitaan ng kahit anumang emosyon.
"Hello sa inyong apat, kilala niyo na ako, pati si Jessica... Now ito naman si Steven..." then tinuro niya si Steven gamit ang paglahad ng kamay. "At ito naman si Barvelyn..." turo naman niya kay Barvelyn. "At siya naman ang kasama ni Steven...?" patanong na tugon niya kay Steven.
"Siya naman pala si Avril Jhane..." maikling pagpapakilala niya kay Aj.
Umupo na din ang grupo ni Jasthen at mukhang hindi pa komportable sa bago nilang mga kasama. Ganoon din ang nararamdaman ng grupo ni Steven, hindi din nila alam kung pagkakatiwalaan nila ang grupo ni Jasthen.
BINABASA MO ANG
A Life with Zombies
Action-Story Overview- This is a story between a conflicts of family rivalry in toping among best of the best performing chains of businesses nationwide. They are known to having the best services in terms of medications and health insurance to public...