SEASON 2 - Prologue

33 2 0
                                    


(Television News Reports)

"A deadly virus came out..."

"It's spreading all over the country..."

"One man reported eating a flesh of alive person..."

"CDC refuse to give statement about the viral disease..."

"Hundreds of people gathered in front of the Government Hall to protest about shutting down the whole city and prohibiting them in getting out of the city..."

(Radio News Reports)

"Umabot na sa kalahating milyon ang apektado..."

"Hindi pa malaman ang sanhi kung saan nanggaling ang Virus..."

News Anchor 1: "Eh hindi nga natin alam kung pano yan nagsimula..."

News Anchor 2: "Kung ako sa'yo maghahanap na ako ng mga kakailanganin kong gamit, mga pagkain at kung ano ano pa tsaka ako magtatago..."

*zzztt*

Almost one month na nang magsimula ang ganitong trahedya sa bansa, o baka naman pati sa buong mundo? Hindi ko alam, basta ang alam ko ay may virus na kumakalat.

Hindi ko alam kung anong virus iyon kasi wala naman akong ideya tungkol sa bagay na yan. Pero alam kong may kinalaman ang mga magulang ko diyan, pano ko nalaman?

Simple lang, may naiwang journal ang papa ko dito sa bahay ng Lolo't Lola ko, parents ng papa ko, it has to do with some Illipsis chuchu na hindi ko naman maintindihan kasi ngayon ko lang naman nakita ang mga bagay na iyan.

Simula nang magka-virus outbreak, hindi na ako nakaalis-alis dito sa bahay, syempre ilang araw at linggo ko din iniyakan ang pagkamatay ng Lolo at Lola ko, sila na lang kasi ang mga kamag-anak na kakilala ko.

Wala naman silang nababanggit na ibang tao o kapamilya, hindi din nila nababanggit ang mga magulang ko sa akin, basta ang sabi nila isang trahedya daw ang nangyare at milagro na daw kung ituturing ang pagkabuhay ko mula sa trahedyang iyan.

At dahil kontento na din naman ako sa kanila ay hindi ko na sila pinilit pang magkwento sa akin, pero may kulang pa din sa pakiramdam ko, iyan ay ang kwento tungkol sa mga magulang ko.

Kahapon nang umiiyak ako, naalala ko ang isang sekretong kwarto na kung hindi mo hahanapin ay hindi mo talaga makikita, aksidente ko lang na nakita iyon dati at napagalitan pa ako ni Lolo nang pinilit kong buksan ang pintuan nito.

Dala na din siguro ng mga pangyayari kaya sumagi sa isipan ko ang kwartong iyon, napa-paranoid na siguro ako, saan kaya ako pupunta? Saan kaya ako magtatago? Mga ganiyang katanungan kaya kung ano-ano na ang pumasok sa isipan ko.

Hahaha!

Gamit ang bakal na tubo, pinilit ko na talagang buksan ang kwartong nasa likod ng shelf kung saan nakalagay ang iba't ibang uri ng tools sa basement.

Namangha ako sa nakita kong kwarto, ni minsan ay hindi pa ako nakapasok sa parteng ito ng bahay, minsan nga sinundan ko si Lolo na pumunta dito pero nahuli ako ni Lola kaya pinagalitan din niya ako. Simula noon ay hindi ko sila natyempuhan pang pumunta pa dito muli.

Para itong science laboratory kagaya sa pinapasukan kong eskwelahan. Pero this time, mas makatotohan na ang mga gamit dito, hindi ko alam ang mga tawag dito sa mga bote dito, pero alam kong hindi na nila ito ginagamit pa. Kasi naman walang laman at halatang luma na ang mga makina dito at hindi na gumagana pa.

Since wala naman na akong mapapakinabangan dito, aalis na lang ako at susubukang hanapin ang mga magulang ko.

Palabas na sana ako nang may mahagip ang mga mata ko, sa may bandang bookshelves, sa baba nun ay mga files na maayos na naka-sort out.

Hindi ko alam kung ano ang mga ito at wala akong balak alamin pero may isang file holder ang nakatawag sa aking pansin.

"To Christian Harrison" I don't know but i have a bad feeling about this, or is it just me? Arrrggghhh!

Kinuha ko ang kahon at nakita ko ang isang sobreng naka-ibabaw, sulat ito para sa akin, "Babasahin mo lang ito kapag patay na kami, from Emillio and Martina."

Muling bumugso ang emosyon sa katawan ko, hindi ko na napigilan pang umiyak ulit. Ang sakit sakit, sobrang sakit sa dibdib, na ang mga taong nagpalaki sayo ay mamamatay sa hindi inaasahang pagkakataon. "Mahal na mahal ko kayo, Lolo Lola"

-----


Illipsis 4th outpost

Nakataas sa Red alert ang buong building nang may isang grupo ang sumalakay at nagpasabog sa south gate ng compound. Hindi pa nila natutukoy kung sino ang sumalakay sa kanila at hindi pa nila ito nakikita, kasalukuyan pa itong pinaghahahanap.

Sa loob naman ng building ay nagmamadali ang mga doctor na isagawa ang isang proseso kung saan kukunan nila ng dugo ang mga taong sa tingin nila ay immune sa kumakalat na Virus.

"Dr. Vellarga, wala na tayong oras para diyan, iwan niyo na iyan, kailangan na nating umalis ngayon din!"

Pinakinggan niya ang paligid, mga nagtatakbuhang tao, nagkakagulo, wangwang na sumisimbolo ng Red Alert status ng building, maraming pweding ipahiwatig ang warning signal na iyan pero ang pinakaimportante ngayon ay ang makaalis na silang lahat dito.

"Sir!"

Napatingin siya sa lalaking tumatawag sa kaniya at bumalik sa realidad. Bago siya sumagot ay muling hinarap nito ang walang malay na tao at kinuhanan ng dugo.

"Nasaan siya? Kailangan na nating makaalis!"

Lumabas na silang dalawa at iniwan ang walang malay na tao sa kwartong iyon. Nadatnan niya ang hinahanap niyang tao sa dining hall kasama ang may edad nang Doctor.

"Ma'am, umalis na tayo, hayaan mo na sila diyan!"

Tinignan niya ang mga kabataang nakahandusay sa sahig at napatingin din siya sa babaeng doctor at sa dalagang katabi niya.

"Lyn, halika na, umalis na tayo dito."

Hinila na niya ang dalaga at sumunod na din ang doctor, nagtungo sila sa pinakadulong bahagi ng corridor kung saan makikita ang isang malaking capsule.

Hugis pahabang bilog ito at may isa lamang na pintuan sa harap, may upuan sa makabilang dulo dito at may riles ng parang sa tren ang daan nito.

Pumasok sila doon kasama ang anim na fully-armored bodyguard, tigdadalawa sila ng bantay. Pinindot na ng lalaking doctor ang mga buttons at umandar na ang capsule, para itong elevator at sa andar nito ay pailalim sila. Dumilim ang paligid at sumindi din agad ang mga ilaw makaraan ang ilang segundo.

Sumenyas ang babaeng doctor sa isa sa mga bodyguard nila, inilabas nito ang isang tablet at kinuha naman ito ng doctor.

"Anong ginagawa mo?" tanong ng lalaki sa kaniya. Hindi kumibo ang babae at patuloy lang ito sa pagmaniobra sa hawak na tablet.

Dahil may kutob na ang lalaking doctor sa gagawin nito ay inagaw nito ang tablet, hindi naman nagpatinag ang babae at inutusan ang mga bodyguard niya na hawakan siya.

"Bitawan niyo ako!!!" sigaw nito sa kanila pero hindi siya pinakinggan.

"Don't you dare do that to me!" Galit na sigaw sa kaniya ng babae, "Incase you forgot my position here in this company! Let me tell you that i have all the right to do this!"

"Pero ma'am delikado yang gagawin niyo, may mga kasama pa tayo sa compound..."

"Shut up or i'll make them shut you up in front of your niece!" Mahinhing banta nito sa kaniya, napatingin siya sa dalaga pero wala itong emosyon at walang reaksyon sa sinabi ng babaeng doctor.

Wala ng nagawa pa ang lalaking doctor at hinayaan na lamang na gawin nito ang gusto niyang gawin sa compound.




*Tablet's sound: Initiating self distruct in two minutes -----

###

Hello again guys, so start ko na ulit tong Book! Thanks for reading, please do Vote and Comments for opinions and suggestions. :) TIA! :)

Sino sa tingin niyo ang traydor?

A Life with ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon