CHAPTER 21

48 3 0
                                    

Steven's POV

10:00 am

HINIHINTAY na lang namin kung saan kami pwedeng pumunta, kung saan ligtas at kung saan ay may mga makukuha kaming gamit.

Madaming mga suggestion ang kanina ay ay pwede naming puntahan. Pero hindi kami nakakasigurado kung ligtas nga ang mga lugar na sinasabi nila.

Hindi daw nila ma-access lahat ng CCTV sa buong lugar ehh kaya medyo matatagalan at mahihirapan pa sila.

"...nagugutom na ako!!!..." reklamo ni Mechelle.

Kanina pa yan nagrereklamo ehh, wala namang naitutulong. Tinignan ko siya at nag-peace sign siya sa akin. Tsaka niya ako inirapan.

"Wala ba tayong ibang plano kung sakaling wala tayong makitang lugar na pupuntahan natin?" tanong ni Jasthen Louie.

"Uhmmm! Kung sakaling wala? Edi uhmm! Maghanap na lang tayo kahit saan!!?" sagot naman ni Mechelle na nahihirapan pang mag-isip.

"Pero delikado!" sagot ko naman kay Mechelle.

"Oo nga naman Mechelle!" pag sang ayon naman ni Aj.

"Kung wala pa din edi pumunta tayo sa bahay namin!" Suggestion naman ni Jasthen Louie.

"Ano namang gagawin natin sa bahay niyo?" Mechelle

"Uhmm pahinga? Hehe!" nagkakamot na sagot ni Jasthen Louie.

"Hmm??? Pwede naman tayo dito ahh?!!" -Avril Jhane

"Nagsusuggest lang naman ehh!!!" -Jasthen Louie

"Hehe sorna!" sabay na tugon ni Avril Jhane at Mechelle

"Sino nga pala ang nakatira sa lugar na ito?" tanong ni Jasthen Louie

"Kami nila Steven, Barve, at Jess, pero si Aj ay sa karatig na nayon lang! Kayo taga saan naman kayo ?" -Mechelle

"Sa ano lang kami... Sa West Anshan...!" -Jasthen Louie

"Haaaa? Malayo na yun ahh?" -Mechelle

"Oo nga ehh! Sa ilang araw na naming paglalakad ay nakarating na kami dito!" -Jasthen Louie

"Ilang araw? Bakit malalakad ba yan ng almost two days lang?" --Mechelle

"Hahaha! Magdadalawang linggo na ngang ganito ang sitwasyon namin ehh!" -Jasthen Louie

Ano? Nagulat naman ako sa sinabi niya. Magdadalawang linggo na? Pang tatlong araw pa nga lang namin ehh.

"Hanooooo? I think two days pa lang bago naging ganto samin ehh!" -Mechelle

"Dalawang araw? Ehh panong naging ganoon iyon?" nagtatakang tanong ni Jasthen Louie, sa lugar kasi nila ay halos dalawang linggo ng apocalypse.

"Baka alam ni Jessica!..." -Mechelle

Napatingin si Jessica sa amin pero si Barvelyn na ang sumagot.

A Life with ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon