JESSICA'S POV
4th DAY
*bang...bang...bang...bang...*
Nakarinig kami ng mga putok ng baril, nagpagusapan na namin kanina na walang magpapaputok. Naging alerto ang mga kasama ko sa loob.
"Titignan namin!" -Steven
Then lumabas sila ng kwarto, ano naman kayang meron.
"Bilisan natin!" -Emerlyn. "Kaya mo bang i-access ang mga system ng ibang operator dito?" -dugtong pa niya.
"Oo, bakit?" -me
"I-hack mo ang mga iyon at gamitin mo para i-track ang mga nagi-interrupt sa ginagawa natin!" -Emerlyn
"Pero pwede ba yun?" -Me
"Hindi ko alam, basta subukan mo na lang, isipin mo system mo ito at hinahack mo o kaya tinatrack mo sila!" -Emerlyn
Oo nga noh, pwedi pala yun hahaha! Nakalimutan ko tsaka hindi ko pa nagamit ang ibang sysytem para manghack pa ng ibang system.
Halos lahat naman ng system dito sa lugar namin ay nahack ko na. Kaya pipili na lang ako ng madaling i-operate.
Binuksan ko na ang system at nagsimula na siyang mag scan. Kelangan kong humanap ng mga active system para tignan kung kaya ko din bang i-hack ang mga iyon.
50% na siya, mabilis siyang mag scan ngaun kasi kunti na lang ang mga nakaopen na systems. Nakita ko ang system ni Emerlyn, at iba pa. Pero ang nakukaha ng attention ko ay ang ••• system, ang name niya ay dot dot dot lang, mga tuldok na medyo malaki, dahil ito lang ang kakaiba at mukhang alam ko naman na kasi ang iba at ito na ang binuksan ko.
*bang...bang...bang...*
Inumpisahan na niyang mag analyze, maraming address ang lumalabas, ini-scan na niya ang ••• system. Medyo may katagalan. Naparaming address kasi ang lumalabas talaga ehh! Nakaka asar naman ito.
"Bilisan mo Jessica, nagkakabarilan na ata sila sa labas!" -Emerlyn
"Oo, sige sinusubukan ko i-hack!" -me
"Wag mo ng i-hack, i-track mo na lang, at i-block!" -sabi niya sakin.
"Sige gagawin ko na!" -me
Ngayon naman syempre tinatrack ko na, kailangan ko silang ma-interrupt para matigil na sila. Kung facebook lang to, na-deactivate ko na ang account niya.
Grabe medyo mahirap ang kalaban na ito. May mga iba siyang security address at kelangan kong mai-down isa isa, nakakapanlumo naman! Mas magaling pa si Emerlyn sakin!
*...bang... bang...bang...*
"Jessica, bilisan mo, palapit na ang mga putok!" pagmamadali niya sakin.
"Oo malapit na!" -sagot ko naman.
Naka super duper private naman ang system na itooooo! Ano ba ang pinakamadali! Diyos ko! Kaya ko to! Hanap pa ng ibang paraan!
Alam ko na! Siguro naman dito titigil na sila! Hahaha, sige bilisan pa ang pag pindot! Sa ngayon puro na lang lagutok ng keyboard ang nangingibabaw sa kwartong ito.
Gagamitin ko pa ang ibang system para mas maging busy sila wahahaha! Sana naman mapansin nila ito.
"Medyo bumilis na Jessica, anong ginawa mo?" -Emerlyn
"Mabuti kung ganun, hinahack ko sila ng pasadya, yung tipong lantaran hahaha!" -Jessica
"Hahaha... pano mo naman ginawa yun? Tsaka anong effect nun?" -Emerlyn
"Uhmmm pag nakita nila iyon, siduradong hahanapin nila at iha-hack nila ang system para hindi tuluyang mahack ang system nila, mas mabilis kasing maghack ng system kapag lantaran ehh, kasi nao-open kaagad ang mga settings at ibang applications nila." -Jessica
"Ahhh ganun ba? Ang galing mo naman, ngayon malapit ng makuha ang data na kakailanganin natin!" -Emerlyn
3rd PERSON'S POV
-at Steven's Moment-
Nagulat sila ng may mga zombie na pilit sinisira ang gate ng CMCO para sila ay makapasok. Nakita din nila sina Sky Arjie at Avril Jhane na nasa taas ng pader.
Pero nagtataka sila kasi may ibang bumabaril mula sa labas. Naisip ni Steven na baka si Barvelyn at Mechelle ang mga iyon.
Dala dala ni Sky Arjie ang isang bag ng baril at dala din ni Avril Jhane ang isang bag din ng bala ng baril. Pero naiwan pa ang ibang mga bag ng baril at bala sa sasakyan.
Tinulungan nilang makababa ng dalawa at sinimulang kumuha na ng kanya kanya nilang baril na gagamitin.
"Bakit naiwan sina Barve at Mechelle sa labas?" tanong ni Steven sa dalawa.
"Sila nga ang nang iwan samin ehh, pumasok din sila jan sa loob para daw mag CR!" sagot naman ni Avril Jhane.
"So sino ang nagbabaril sa labas?" -Steven
"Ewan ko, hindi namin nakita, nagulat na nga lang kami ehh!"--Avril Jhane
"So may ibang tao! Uhmm Avril Jhane pumasok ka na sa loob at balaan sina Emerlyn at Jessica!" -Jasthen Louie
"Ahhh... sige sige... saan sila banda? Diko alam...!" -Avril Jhane
"Deritso ka lang jan sa entrance, at makikita mo na sila doon!" -Steven
"Nandyan lang sa corridor si Angeline!" dugtong naman ni Jasthen Louie
Naglakad na papasok si Avril Jhane, Tumakbo na siya ang hanggang sa makita niya si Angeline sa labas.
Sina Steven, Jasthen Louie, at Sky Arjie naman ay binabaril na ang mga zombies na nasa labas ng compound ng CMCO. Madami sila at dumadami dahil sa ingay ng mga baril.
Samantala sina Barvelyn at Mechelle naman ay kasalukuyang nasa loob ng CR, nagulat na lamang sila ng may mga putok ng baril silang narinig. Mas binilisan nila ang kilos nila at lumabas na sa CR.
"Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ni Mechelle.
"Balikan na natin sina Avril Jhane doon sa sasakyan!" sagot naman ni Barvelyn
"Sige bilisan na natin!" -Mechelle
Agad na silang lumabas sa CR at dumaan na sila sa likod ng CMCO. Nang makarating sila sa back gate ay sumilip muna sila mula sa gilid.
Nakita nilang maraming Zombie sa sasakyan at nakita din nilang may mga sundalo sa mula sa mga kabahayan at nagbabaril ng mga zombie.
Hinanap nila sina Avril Jhane at Sky Arjie, pero di nila nakita, di nila alam kung nasa loob pa ng sasakyan ang nga ito. Kaya nag-alangan silang tumuloy.
"Sina Skyjet, baka nasa loob pa ng sasakyan!" -Mechelle
"Pero marami ng zombies doon!" -Barvelyn
"Pero... pano sila??? Iligtas natin sila!" nag-aalalang tugon ni Mechelle.
"Baka patay na sila, at tsaka... may mga sundalo doon... baka barilin din tayo!" -Barvelyn
"Ehh... pano na yan???" -Mechelle
-Steven's moment-
Kasalukuyan silang bumabaril ng mga zombies, marami sila at 'yong iba ay nagpupumilit na pumasok sa may gate ng CMCO.
Umakyat si Jasthen Louie at Sky Arjie sa pader at nakita nila na may mga bumabaril nga sa kabilang side ng kalsada pero hindi na nila makita kung sino sila.
Nakita din nila ang sasakyan na puno na ng mga zombies sa loob. At nandoon pa ang kanilang mga pagkain at ibang weapons. Pero wala na silang magawa kundi ang panoorin ito na kinakalkal ng mga zombies.
Samantala naman sa loob ng CMCO, 4% na lang ay makukuha na nila ang data na kelangan nila. Nag aayos na ng gamit si Jessica at hinihintay na lang din ni Emerlyn na matapos ito.
Sa labas naman ng data room, nandun si Angeline at Avril Jhane, alerto silang dalawa at medyo kinakabahan. Kanina pa nila hinihintay na matapos ang dalawa sa loob at gusto na nilang umalis.
Nababahala na kasi sila sa mga putok ng baril, sigurado silang matataas ang mga kalibre ang gamit. Nagulat na lamang sila ng may mga yapak silang narinig sa likod nila kaya napatutok si Angeline ang baril niya.
"Okay lang okay lang!" sabi ni Mechelle at sabay silang nagtaas ng kamay. "kami lang toh!" dugtong pa niya.
"Saan kayo galing?" -Angeline
"Sa CR!!! At pano... sino ang unang nagpaputok?" -Barvelyn
"Ewan ko, akala ko nga kayo ehh!!" -Avril Jhane, "Tsaka hindi kami, kasi umalis na kami nang may mga zombies na!!!" dugtong pa niya.
"Sina Steven? May mga sundalo sa labas, kelangan na nating umalis!!!" -Barvelyn
"haa? Pano na yan? may.. may... may mga zombie at sundalo... baka mahuli na nila tayo!!!" pag aalala ni Avril Jhane.
"May mga nakapark naman na sasakyan sa likod ng CMCO building ehh, Baka pwedi nating magamit ang mga iyon!" suhestyon naman ni Mechelle
"Guys tapos na kami, tara na!" singit naman ni Jessica at sabay silang lumabas ni Emerlyn mula sa kwarto.
"Mabuti naman kung ganun!" -Angeline, "Mauna na kayo sa sinasabi niyo Mechelle at pupuntahan ko na lang sina Jasthen Louie para balaan!" dugtong pa niya.
"Sige dalian niyo para matakasan natin ang mga sundalong iyan!" -Mechelle
Tumakbo na sina, Jessica, Emerlyn, Mechelle, Barvelyn, at Avril Jhane papunta sa parking area ng CMCO at habang si Angeline naman ay papunta kina Steven para nga sabihan.
Pagkarating na pagkarating niya doon ay agad niyang pinatigil ang mga ito sa pagbaril at sinabihan na may mga sundalo nga.
"Steven... nandito na sila Barvelyn at sinabing may nga sundalo daw sa labas... kailangan na nating makaalis...!" -Angeline
"Anoooo...? Pero nasa labas ang sasakyan natin..." gulat na saad ni Steven. "Guys tara na!" sigaw naman niya sa mga kasama niyang bumabaril.
Agad silang nagsitigil sa pagbaril at tumakbo na papasok sa CMCO.
Samantalang sa labas ay patuloy sa pagbaril ang mga sundalo.
===
BINABASA MO ANG
A Life with Zombies
Action-Story Overview- This is a story between a conflicts of family rivalry in toping among best of the best performing chains of businesses nationwide. They are known to having the best services in terms of medications and health insurance to public...