CHAPTER 24

47 4 0
                                    






Mechelle's POV



Pabalik na kami ngayon sa sasakyan, buti na lang at dumating kami kundi nakulong na sila doon ng pagkatagal tagal.

Kwento sakin ni Barvelyn, nasa isang restaurant daw sila sa loob ng Mall, may mga zombing staff daw na bigla na lang silang sinugod.

Kaya wala silang choice kundi ang lumaban pero mas dumami daw sila kaya tumakbo na lang sila hanggang sa napadpad sila sa Exit nitong Mall at nagtago sa basurahan, kasi dead end na ehh. Kita ko din ang mataas na pader at nacorner na sila.

Ako din naman hahahaha! Magtatago na lang ako kesa makain!  Pero ayos ahh! Nakasama kong lumaban si Skyjet, pero i think mas magaling ako hihihi okay!




-After almost 1 hour-




Ano ba yan? Kanina pa umuulan!!! Hindi tuloy kami makabyahe! Wala kasing makuhang data ang mga track dispatcher namin ehh!

Kaya hindi nila alam kung saan ang ligtas na daan! Kaya heto kami! Nakastuck lahat sa military car, buti na lang at pwede ding isara ang bintana nitong sasakyan kundi nabasa na din kami.

Kelan naman kaya titigil to? Wala na kasing TV ehh kaya hindi na ako nakakapanood ng balita although hindi naman ako nanonood ng news hahahaha!

"Waaaaaah... Nakakaboring!!!" medyo naiirita kong sabi, pano naman kasi, nakatunganga lang kami dito.

"Ehh anong gusto mong gawin?" tanong naman ni Barve sa akin, pati din naman siya, halata sa kaniyang mukha na bored na siya eh.

"Umalis na lang tayo dito!" -Mechelle

"Hindi pa nga pwede! Hindi pa namin alam ang dadaanan!" -Jessica

"Oo nga naman Mechelle, baka makasalubong pa natin ang mga sundalo!" -Barvelyn

"Edi sana sa Mall na lang tayo! huhuhu" -me

"Mmmm? Baka mas delikado doon! May mga zombie pa!" -Jessica

"Oo nga naman Mechelle, makuntento ka na kay Skyjet mo oh!" pang-aasar sa akin ni Barve, inirapan ko lang siya.

"Kuntento? Kahit naman makuntento AKO! Magiging masaya ba ako? Kung alam ko namang pinagbibigyan niya lang ako? Ha? Masasabi ko bang kuntento ito? ....(tahimik saglit)... Chaaarr joke lang hahaha hugot again, so boring walang magawa!" then natawa na lang sila sakin. Hayss!


Then kanya kanya ulit ng gawain, Maswerte kami at walang zombing gumagala. Hmmmmmm? Pano kaya sila naging zombie noh? Syempre may trending virus pero pano sila nagkaroon nun? Ehh wala namang nabalita na may nagkasakit ng ganun.


Posible kayang may nagplano nito? Siguro nga naman meron kasi may mga sundalo! Pero sino? Ang gobyerno ba? Hayyss diko alam, sino ba kasi +____+ ! Medyo inaantok na tuloy ako.


Grabe yung ulan, lalakas tapos hihina. Anong oras naman kaya titigil to! Medyo boring kasi sobra! hahaha! Nakakulong kami dito sas sasakyan. Waaaaaah! Gusto kong magliwaliw!





-After almost 30 mins-




-__-




Nakaidlip pala ako! Hayss mabuti naman! Pero anong balak ng mga to? Aalis na daw kami??? Yeaheyy!

Tas may biglang kumatok! Nakakagulat naman! Sino kaya iyon!

Si Skyjet ko pala... i mean Skyjet lang pala walang "ko" hehehe! Saan naman kaya galing ang isang to?

"...maayos naman ang loob nito..." -Sky Arjie

Ano daw? Saan ba galing to? "San ka ba galing?" tanong ko sa kanya pero umalis siya agad. Nakakainis naman oh!

"Sige Jasthen Louie, paandarin mo na..." -Emerlyn

Tinignan ko sila, "Saan tayo pupunta?"

Napatingin ako kay Jessica, "Diyan lang oh, sa convenience store!" ay malapit lang pala.

"Ehh malapit lang naman pala ehh!" Then umandar na yung sasakyan. Palapit doon sa store, katamad naman itong mga kasama ko, kahit ako din hehehe!

Mga ilang kilometro lang, i mean 4 na kurap lang ata nasa convenience store na kami hahaha! Then isa isa na kaming lumabas.

Una si ano, tapos si ano, sunod si ano, tsaka si ano, then si ano naman, then so on and so forth hanggang ako naman. Ang saya ko, makakalabas na ako sa sasakyan.

"mmmmmmm...!" pagkalabas na pagkalabas ko nag inat inat agad ako para mabanat yung mga buto ko!

"waahaaaa..." hinila ako ng hampas lupang si Barvelyn, bakit nanaman?





"Bakit baaaa ?" --tinatamad kong tanong sa kanya.

"Wala lang, kakaiba daw kasi yang ulan, tignan mo oh! iba ang kulay!" tinignan ko naman ang ulan... Hindi naman ahh.

"haaa? Hindi naman!" inirapan niya lang ako.

"Tinignan mo yang tubig sa semento oh!" then tinignan ko ulit sa sahig.

"Ehh putik kaya kulay chocolate!" I said

"Hay nakuuu tulog ka kasi kanina ehh. Tss! Bahala ka nga" tas inirapan aku, aba supladang barve. Pasalamat ka't kagigising ko lang.

Tinignan ko ulit yung tubig ulan. Ano bang meron ka ha? Nakakalason ka ba ng utak? Hay nakuu.

Pumasok na din ako doon sa store at naghanap ng pwesto, syempre katabi ko yung mga kaibigan ko. Buti na lang at may mga upuan sa loob, parang 7/11 lang ang dating ehh!

Si Jessica at Avril Jhane ay kumakain. Hindi pa ako gutom ehh pero natatakam ako sa kinakain nila, chocolate kasi. Pero ayoko muna kumain sa ngayon, hahaha!

Nakakabaliw, tumatawa ako sa kaloob looban ko pero hindi mo ito makikita sa mukha ko, hahaha! hahaha talaga!

Ano nga bang susunod na gagawin namin? Hayss ang boring talaga ng ganito.

Sino ba ang pweding makausap dito? Wala naman akong sasabihin o kaya tatanungin ehh! Si Skyjet na lang kaya? Uhmm kaso wala akong ganang makipag usap ngayon kaya wala talaga akong ganang makipag usap, hahaha.






Steven's POV



Malapit ng gumabi! Kelan naman kaya titigil itong ulan na to? Wala kasing TV ehh, wala ding makuhang datos tong dalawang track dispatcher namin. Wala kasi silang signal pag ganito, Zero visibility!

Tapos wala pa kaming ilaw, nakakatakot naman!!! Sana walang mapuntang zombie dito sa amin. Tumingin ako kay Jessica! Busy siya sa laptop niya, pati si Emerlyn din.

Mayroon kaming kuryente kaso nga lang walang ilaw o bulb, sira naman kasi! Kaloka! Pero baka naman may flashlight ang store na ito.

Kaya tumayo ako para maghanap nun. Tapos may humawak sa kamay ko. Si Barvelyn! "Saan ka pupunta?" tanong niya sakin.

"Maghahanap ng flashlight, samahan mo ako!" sagot ko sa kanya.

Then tumayo na din siya. "Sige habang maliwanag pa." Tsaka siya nagpagapag.

Naglakad na kami papunta sa 'authorized person only' na part ng store. "Maghahanap kami ng flashlight guys" Pagpapaalam ni Barvelyn sa mga kasama namin.

Unang naghanap kami doon sa may cashier area, bukas ang kaha nila at wala ng lamang pera, puro na lang barya, kinuha ko ang mga iyon.

"Saan mo naman gagamitin ang mga iyan?" tanong ni Barvelyn sa akin.

Nilagay ko ang mga iyon sa bag na kagaya ng bag na nakuha ko kahapon sa isang convenience store, mas maliit nga lang ito, "Basta, magagamit ko din ito" tsaka ko na isinukbit sa may balikat ko.

Naglakad na siya, "Uhmmm? Hahaha.. kelan naman? kapag maayos na ang lahat? kelan naman kaya mangyayari iyan?"

Walang flashlight doon kaya pumasok na kami sa isang pinto. "hindi ko alam hahaha...! Makikita mo, magagamit ko din ito"

"Sige sabi mo ehh!" -Barvelyn.

Walang ilaw sa loob kaya medyo madilim na, dito siguro ang imbakan nila ng mga pagkain, tsaka bakit may mga lutuan dito? Kinuha ko ang isa, frying pan?

"Nagseserve din sila ng mga kape at dessert's dito!"  -Barvelyn

Ahhh kaya pala, kala ko pa naman simpleng convenience store lang ito hahahaha! Kaya din pala may mga table and chairs sa harap.

"Hindi mo ba napansin ang glass cabinet sa harap kanina?" -Barvelyn

"Ahhh oo nga, yung basag basag, sayang wala ng pagkain haha...!" -Me

Mahirap kapain ang mga bagay dito hahaha. Madilim na kasi ehh. Sigurado bang walang zombie dito? Sana may kutsilyo akong makita.

Hanap pa. Hanap hanap!

"Hey may pinto dito!" -Barvelyn

Agad naman akong lumapit sa kanya, buti at naaaninag ko pa siya. "Teka muna!" Then kinuha ko yung isang palayok! "Ikaw na magbukas, dahan dahan ah!" Utos ko sa kanya.



*kiirrrrk...*



*kiiirrrrrkkkk...*



Bat ganon ang pinto? Maingay siya, nasa kalahati na ang nabuksan at medyo nakikita ko na ang loob nito. Malinis at may ilaw sa loob. Mukhang hindi ito nagalaw ng kahit sino.

Pumasok na ako, tinignan ko si Barvelyn at may hawak na din siyang palayok, haha... Nasa likod ko lang siya sumusunod.


*plankkang*


"Waaaaaaaaaaaaah..." -Me


"Shhhhhh... Ako lang to, sorry nahulog ko yung hawak ko ^__^ sorry talaga..."  -Barvelyn


"...ayos lang ba kayo diyan?..." tanong ni Jasthen Louie mula doon sa harap.

"Oo... Aaaaaaaaaaaah!" -Napasigaw na kami parehas ng may humila sakin.

"Aaaaaaah...!" napahiga na ako, tapos bigla siyang pumatong. Si Barvelyn naman ay pinapalo ang zombie na pilit akong makain.

"Uma...lis ka...diyan...zombie...ka..." Patuloy lang siya sa pagpalo.

"Barveeee waaahhh.... Tanggaling mo siyaaaaaa....!" Kahit ilang palo sa kanya ay parang wala lang. Ayaw ko pang mamatay.

"Aaarghh! *plaank !*" Tumayo na ako agad ng natumba ang zombie sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong ginamit sa kanya.

Lumapit ako agad kay Barvelyn, si Skyjet... I mean Sky pala ang pumatay sa zombie. "Salamat Sky!" Then tumingin ako sa zombie, mukhang tatayo pa ito.

"Aaaargh, gago kang zombie ka" *boagshs* Ipinalo ko sa kanya ang hawak kong frying pan at tuluyan na siya namatay.

Hinawakan ako ni Barvelyn, "Nakagat ka ba? Ayos ka lang?" Tapos ay chineck niya ang katawan ko.

Hinawakan ko naman ang nga kamay niya kasi nakikiliti ako sa ginagawa niya. "Oo ayos lang ako, wala akong kagat, hindi niya ako nakagat!" kinabahan ako doon ahh, inhale (ToT) exhale (PoP)


====


A Life with ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon