#Spoken
Isa, dalawa, tatlo
Ikaw ang mundo ko
Apat, lima , anim
Ika'y mahal pa rin
Pito, walo, siyam
Mahal kita higit pa saiyong alam
Sampo
Mahal kita,
Kahit ang turing mo sakin ay kaibigan na lang talaga.Mahal kita
Ngunit ako'y kaibigan mo lang
Wala akong karapatang pilitin ka
Dahil tayo'y hanggang dun na lang
Oo sinubukan kong umamin sayo
Dahil nagbabakasakali itong puso ko
Na baka kahit kunti
Meron naman akong parte diyan sa puso mo
Na baka meron akong pag asa sayo
Ngunit sinabi mo sakin
"Patawad meron kang parte dito sa puso ko
Pero hanggang pagkakaibigan lang 'to"Ngiting mapait ang nagagawa ko
Kada segundo, minuto , oras ko iniisip ang mga sinabi mo
Imbis na ngiting tagumpay ang magawa ko
Ngunit hindi
Hindi iyun
Minsan iniisip ko na
Kahit kunti
Kahit kunti meron kang nararamdaman sakin
Kahit kunti hindi naging kaibigan ang turing mo sakin
Na kahit kunti
Kahit kunti higit pa dun ang turing mo sakin.Umaasa
Umaasa ako na na baka may pag asa ako sayo
Ngunit sa pangalawang pagkakataon nasaktan na naman itong puso ko
"May mahal na akong iba"Tumigil ang pag ikot ng mundo ko
Huminto ang puso ko ng kaunting segundo
Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa sinabi mo
Hindi malaman ang sasabihin
Paano?
Kaibigan Mahal kita
Pero paano mo nagagawang saktan ng ganto ang puso ko?
Paano mo nasasabi 'to sa isang katulad ko?Masakit isipin na kaibigan lang ang turing mo sa akin.
Pero kung yan ang gusto
Sige hahayaan kita
Pipilitin kong maging masaya
Kahit masakit
Kahit ngiting pilit ang magiging kapalit
Hahayan kita.
Hanggang sa muli Kaibigan,
Mahal kita.