Paglaho

211 4 0
                                    

#SPOKEN

Kasabay ng pagpatak ng ulan 
Ang pag-iisip sa kawalan
Kasabay ng hanging malamig
Ang paglaho ng ‘yong pag-ibig

Sa huling yakap na mahigpit
At pagbitaw din ng ‘yong kapit
Ika’y sumabay sa ihip ng hangin
At dinala ka palayo sa akin

Naiwan nanamang mag-isa
At ginagambala ng mga alaala
Hindi ba talaga ako mahalaga?
O mas masaya ka lang sa iba?

Sa bawat gabi ng pag-iyak
Ay sigaw ng pusong wasak
Bakit ba mundo’y ‘di patas?
Lagi na lang naiiwan sa taas

Kupido, ayoko ng mapana!
Dahil madaya si tadhana
Magbibigay nang saya
Pero babawiin din pala

Spoken Word PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon