#Spoken
Nakwento ko na ba sayo Kung gaano ka kahalaga?
Kung gaano ko bigyang importansya kada minuto tayong magkasama?
Siguro Hindi pa.
At panigurado Hindi na.Mahal na Mahal Kita.
Marahil kung sa simula ako'y kikiligin pa
Ngunit Mahal puro pasakit at sakit Ang akin na'y nararamdaman
Sa tuwing maririnig ang mga katagang Yan
Ang mga luha'y parang ulan Kung bumuhos
Walang tigil Kung umagos.Bakit kailangan pang masaktan?
Bakit kailangan pang huwag Kang ipaglaban?
Kahit gusto ko,
Nagparaya pa rin ako
Dahil Alam ko para rin 'to sa ikasasaya mo.Alam kong masasaktan tayo
Sa biglang pagdesisyon ko
Ngunit Mahal maniwala ka
Lahat Ng sakit may kapalit na kaligayahan
Sa pagbuhos Ng ulan,
Sisinag Ang napakaliwanag na araw.Marahil napakasakit
Marahil gusto mo pa bumalik
Ngunit ayoko na. Masakit na.
Ayoko na. Dahil nasasaktan na Naman Kita.
Hanggang kailan ba kitang makikitang lumuluha?
Hanggang kailan ba kitang makikitang ngumingiti Ng mapakla?
Napakasakit ko na ba?
Para saktan ka?
Minahal at pinasaya mo ako ngunit sinaktan Naman Kita Ng todo.Huwag Kang mag-alala palalayain na Kita.
At sa kahuli hulihang pagkakataon sa sabihin Ang katagang "Mahal na Mahal Kita"
Alam Kong sasaya ka Kung sa kanya ka mapupunta
Salamat sa lahat Ng alala,
Mahal.....
