#SPOKEN
Ang babae ay hindi isang laruan,
kaya 'di mo dapat pinaglalaruan.Ang babae ay hindi isang bola,
kaya 'wag mong ipapasa sa iba.Ang babae ay hindi vulcaseal,
kaya 'di mo dapat ginagawang panakip-butas.Ang babae ay hindi isang electric fan
kaya 'wag mong paikut-ikutin lang.Ang babae ay hindi robot na de kontrol
kaya desisyon nila'y 'di mo dapat kinokontrol.Ang babae ay hindi tulad ng tae sa daan
kaya 'di mo dapat inaapak-apakan lang.Ang babae ay hindi ka tulad ng hero sa Mobile Legend,
kaya 'di mo dapat sila ginagamit.Ang babae ay hindi profile picture ng social media account,
kaya 'wag mo silang papalitan matapos mong pagsawaan.Ang babae ay hindi pilian sa multiple choice na exam,
kaya 'wag mo silang ituring na option mo lang.Ang babae ay hindi isang punching bag
kaya 'di mo sila dapat binubugbog at sinasaktan.Ang babae ay hindi sex toy
kaya 'wag mo silang gawing parausan.Kaya ang mga babae ay dapat na...
Pinapasaya, hindi pinapaiyak.
Iniingatan, hindi pinaglalaruan.
Rinirespeto, hindi binabastos.
Ipinagmamalaki, hindi minamaliit.
Inaalagaan, hindi pinababayaan.
Pinapahalagahan, hindi pinagsasamantalahan.
Minamahal, hindi iniiwan, niloloko at sinasaktan.Kasi ang mga babae nararapat lang na itrato ng tama,
at kailangan lang nilang maramdaman na...BABAE SILA, HINDI BABAE LANG.