Bakit Ka Bumalik?

147 4 0
                                        

#SPOKEN

Bakit ka bumalik,bakit ka narito?
Bakit ka muling kumakatok sa aking pinto?
Pinto na minsang nagsara
Damdaming minsang binalewala
Damdaming dumanas ng kaliwa't kanang pagluha
Damdaming nananatiling na sa kislap ng iyong mga mata
Damdaming di ko makalimutan,o bakit kaya?
Bakit kaya sa pagbalik mo naglaho ang lungkot at saya?
Pitong buwan nung ako'y iniwanan
Iniwanan sa kalagitnaanan ng kawalan
Iniwan sa madugong digmaan
Iniwan ng buo ang katawan samantalang ang puso'y sugatan
Pusong sayo lamang nagmahal
Nagmahal lang naman ako ng totoo
Pero bakit iniwan mo pa rin ako?
Masakit tanggapin pero wala akong magagawa
Mahal kita pero kailangan kong magparaya
Mahal kita kaya kahit ayokong bitawan ka ay gagawin ko na
Mahal kita,tila ba'y parang kiliti saiyong tenga
Mahal kita kahit alam kong gusto mong marinig ang salitang mahal kita sa iba kapag galing sa iba.
Mahal kita kaya kahit masakit, ako'y mamamaalam na.
Patuloy kitang minahal kahit di mo alam
Patuloy kitang minahal kahit di mo ramdam
Patuloy kitang minahal kahit di mo ko kasama
Patuloy kitang minahal kahit di mo ko nakikita
Patuloy kitang minahal kahit alam kong may may minamahal ka
Patuloy kitang minahal, sana alam mo na ngayon
Minahal kita mula noon magpasahanggang ngayon
Babalik pa ba o patuloy akong aasa
Sa simple mong presensya ako'y handa na namang magpakatanga
Ikaw ang hinahanap ng puso't diwa
Ikaw ang pinapangarap ko sa tuwina
Ikaw ang bumubuo sa bawat araw ng puno ng ligaya
Ikaw ay mamahalin ko kahit wala na talaga
Ikaw ay papatuloy na mamahalin kahit masakit na
Paalam, Aking sinta.

Spoken Word PoetriesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon